"No relationship is perfect. You just have to know in your heart that the person you are with, is truly worth fighting for no matter what."
Lily POV
"M-ma..."
Tigagal na usal ko pagkakita ko sa gulat na gulat niyang mukha ng mabungaran niya kami ni Brooklyn na naghaharutan dito mismo sa loob ng aking opisina.
Nakangiwi at nag-aalalang nakatayo naman si Bernard sa kanyang tabi habang tahimik at seryoso ang mukha ni Brook na nakatayo malapit lang sa akin.
"Ma." Muling tawag ko sabay may pagmamadaling lumapit ako sa kanya. "K-kailan ka pa dumating?" Sinalubong ko siya ng halik sa pisngi at yakap.
Hindi siya kaagad nakasagot at nananatili lang ang mataman nitong pagkakatitig sa akin.
"Last night." Tipid niyang tugon.
"Tita." Bigkas ni Brook ng makahuma at lumapit din sa kanya para batiin ng halik sa pisngi. "Kumusta po?"
"I'm fine, thanks for asking." Pormal ang mukhang sagot niya sa kanya.
Isang nakabibinging katahimikan ang namayani at binalot ng tensyon ang loob ng opisina.
"Pwede bang iwan niyo muna kami ng anak ko?" Saad ni mama sa dalawa habang nasa akin ang kanyang mariing titig.
"Call me later." Bulong sa akin ni Brook ng hinalikan niya ako sa sentido para magpaalam. "It's so nice to see you again, tita." At kahit pa pormal ang pakikitungo sa kanya ni mama ngayon, mas pinili pa rin niyang maging magalang at bigyan siya ng respeto.
Bahagyang tango lang ang iginawad sa kanya ni mama. Lumabas na sila ni Bernard at naiwan kaming mag-ina.
"H-have a seat, ma." Iginiya ko siya papunta sa couch at pinaupo. "I didn't know that you're coming to visit me." Pinilit kong maging kalmado.
Tumalikod ako para kumuha ng maiinom sa mini fridge na nakakabit sa dingding at kakulay nito ang pader na hindi mo aakalaing isa pala itong fridge.
"Sana nagpasabi ka man lang para nakapag-prepare ako't na-clear ang schedules ko this day." Patuloy ko habang nakatalikod sa kanyang direksyon.
Isinalin ko sa baso ang in-canned softdrinks at inilagay ito sa tray. Tinawag ko din si Bernard sa intercom para magdala ng makakain.
Hindi pa rin siya umiimik hanggang sa mailapag ko ang inumin sa coffee table sa kanyang harapan at naupo ng ilang pulgada ang layo mula sa kanya pagkatapos.
"So..." I uttered with an exaggerated exhale. "What brings you here?" I'm still trying to make a conversation just to ease the tension between us.
"Lily," She heaved a long sigh as she uttered my name. "Ano 'yong naabutan ko? Ano'ng ibig sabihin nito?"
So, here it is. Hindi ko talaga maiiwasan ang moment na 'to kung saan malilitis ang aking mga pagkakasala.
"Ma..." Bigkas ko. "Wala lang 'yon. Brook and I are just friends. We're enjoying each other's company."
"Friends?" She repeated with disbelief shown in her face. "Naabutan ko kayong naghaharutan at naghahalikan tapos sasabihin mo sa akin na magkaibigan lang kayo?"
Sumeryoso na ang aking mukha. "Okay, what do you want me to say? Na we're an item? Alright, yes. Brook is my..." I paused, thinking. "Girlfriend if that's what you want to hear from me. We're friends with benefits, ma!" I said in one breath.
BINABASA MO ANG
Crazy Beautiful You (Montalban - Delavin Clash)
RomantikJust when you thought you've already seen the most beautiful and yet, the craziest woman on earth. Lily Delavin, could be your best of best friends or your worst enemy. She can be the icing on your cake or your greatest nightmare. You choose. But ei...