"I finally understood what true love meant. Love means that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be."
Brooklyn POV
Nagkakatuwaan kaming magpipinsan dahil sa wakas ay kompleto na naman kami ng biglang matigilan si Asher at siniko ako ng mahina.
"What?" Mahinang tanong ko.
Napanguso siya sa bandang harapan, napansin ko ding natahimik at natigilan ang iba ko pang mga pinsan.
Nagtatakang napasunod ako ng tingin sa harap ngunit para lang magulat ng makita ko si Lily na may kasamang lalake. Hawak-hawak pa siya nito sa isang kamay.
"H-hi guys." Parang ilang na ilang na bati sa amin ni Lily.
"Hey." Si JC ang unang nakabawi sa amin at nagkunwaring kalmado. "Kumusta?"
Pilit siyang ngumiti. Umiiwas siyang mapatingin sa gawi ko. "I'm fine. Thanks for asking." Tugon niya. "By the way, this is, uhm, Braxton." Pakilala niya sa kasamang lalake.
"Oh, you personally know them?" Nakangiting tanong nito kay Lily.
Gago, of course kilala niya kami! Tugon ko sa loob-loob ko habang nakatingin ng masama sa kanilang dalawa, particularly doon sa lalaking mukha namang lampa. I don't have to guess, kilala ko kung sino ang kasama ni Lily. Kilalang-kilala.
"Y-yeah." Sagot ni Lily dito. "They're my friends."
"Friends?" Sarkastikong pag-uulit ko.
Natigilan si Lily at nawala ang tipid na ngiti sa kanyang mga labi. Mukhang na-tense din siya ng magbaling ng tingin sa akin.
Hinawakan ako ni Asher sa braso. "Brook." Bulong niya. "Ayaw mo naman siguro ng gulo, di ba?"
"Hello." Hindi pansin ng lalake ang sama ng tinging ipinupukol ko sa kanya habang inilalahad ang kamay sa mga pinsan ko para makipagkilala. "It's so nice to finally meet Lily's friends here in the Philippines. Oh by the way, she's my fiancée."
"Fiancée?!" Bulalas ni Kreme na kunwari pang nagulat.
Hindi nakaligtas sa akin ang tensyonadong paglunok ni Lily na nakatayo mismo sa harapan ko. Hindi ko na din napigilan ang pagkuyom ng aking mga kamao.
Fiancée, huh?
"Alright, I'm out here." Malamig na sabi ko. "Bigla kasing sumama ang ihip ng hangin. Aalis na muna ako, baka masuka ako ng wala sa oras."
"B-brook..." Parang nakikiusap na bigkas ni Lily sa pangalan ko.
Blangko ang ekspresyon na tinitigan ko siya bago naglakad at sinadya pa siyang banggain sa balikat.
"Brooklyn!" Tawag sa akin ni JC.
"Hayaan niyo muna siya." Narinig kong pigil ni Asher sa kanila para sundan ako.
Nakakuyom ang mga kamao at madilim ang mukhang lumabas ako ng coffee shop.
Shit! Shit! Shit!
Paulit-ulit na mura ko habang paulit-ulit na sinusuntok sa utak ko ang pagmumukha ng Braxton na 'yon.
Nakasalubong ko si Lauren ng makalabas ako ng coffee shop. Napakunot-noo siya ng makita ang itsura ko.
"Parang makakapatay ka yata ng tao sa itsura mo." Komento niya ng sandaling matigilan.
"Malapit na." Malamig na tugon ko at dire-diretso lang na naglakad at nilagpasan siya.

BINABASA MO ANG
Crazy Beautiful You (Montalban - Delavin Clash)
RomanceJust when you thought you've already seen the most beautiful and yet, the craziest woman on earth. Lily Delavin, could be your best of best friends or your worst enemy. She can be the icing on your cake or your greatest nightmare. You choose. But ei...