"I want a crazy lover who isn't afraid of shouting my name from rooftops, or in busy streets, or during an argument. I want a crazy love where freedom sparks in, two bodies and souls are sewed together, and there is nothing artificial nor any kind of societal pressure. Is it hard to search or too much to ask for?"
Lily POV
"Assets are reported on the company's balance sheet and are bought or created to increase a firm's value or benefit the firm's operations. An asset can be thought of as something that, in the future, can generate cash flow, reduce expenses, or improve sales,regardless of whether it's manufacturing equipment or a patent..."
Urgh!
Napangalumbaba ako sa lamesa sa sobrang pagka-bored. Nung isang araw pa dini-discuss sa akin ni Bernard ang tungkol sa assets and liabilities. Assistant siya dati ni tito Fernand, na assistant ko na ngayon since namatay na siya at ako na ang kukuha nung position niya dito sa kompanya ni papa.
"Whereas, the liabilities of the company -"
"Bernard." Nabo-bore na tawag ko.
"Yes, Miss Lily?" Mabilis na sagot niya.
"You think I'm an asset or a liability?" Tanong ko.
Para maiba naman. Diyos ko, mabuburo ako dito! No wonder wala akong hilig sa pagnenegosyo. But now, I have too. Kung gusto kong maging malaya pansamantala.
"Uhm..." Napatikhim siya ng mapatingin siya sa cleavage ko dahil plunging yung neckline ng suot kong blouse. Parang bigla pa siyang na-tense na inayos yung eyeglasses niya. At mukhang hindi ko na kailangang itanong pa sa kanya kung gaano yun kakapal. "I... I think... you're both an asset and a liability, Miss Lily."
Napaayos tuloy ako ng upo sa sagot niya. "Why?" Napalabing tanong ko.
Napansin ko yung paglunok niya nung makita yung paglabi ko. Sa labi ko siya nakatingin. "Uhm... ano po... ah..." Muli na naman siyang napaayos nung eyeglasses niya.
"I think there's something wrong with your eyeglasses." Tumayo ako at lumapit sa kanya. Para naman siyang biglang kinabahan.
"Miss Lily!" Protesta niya ng tinanggal ko yung eyeglasses na suot niya. Napapakurap-kurap siya, halatang nahihirapan makaaninag.
"Lilinisin ko lang." Nakangiti ng pilyang sabi ko.
"Y-you don't have to, Miss Lily. Pakibalik na lang po yan sa akin." Napapakapang sabi niya.
Pero imbes na ibalik yun sa kanya, inilapag ko iyon sa lamesa, yung tipong mahihirapan siyang kapain.
"Miss Lily, please po." Sabi niya na parang nangangapa sa dilim.
Napakagat labi ako habang pinapanood ko siya. Maingat akong naglakad para hindi tumunog yung suot kong takong. Paunti-unti akong naglakad papunta sa may pintuan.
"Miss Lily?" Tanong niya. Napatakip ako sa aking bibig para wag lumabas yung hagikgik ko. "Miss Lily?"
Mabilis akong tumakbo ng makalabas ako ng opisinang gagamitin ko. The office of the President. Naks! Akalain mo yun bigla akong naging presidente ng kompanya ng wala sa oras!
Tumakbo ako papuntang elevator na ako lang ang makakagamit at bumaba sa basement, sa may parking area.
Puff! Ang boring! Pinagtiyagaan ko na nga yun ng dalawang araw para lang kay papa! Para mapaniwala ko siyang interested talaga akong pamahalaan yung kompanya. Anyways, tatawagan ko na lang mamaya si Bernard para kakuntsabahin na pinag-break niya ako para makalabas ako ng opisina.
BINABASA MO ANG
Crazy Beautiful You (Montalban - Delavin Clash)
RomantizmJust when you thought you've already seen the most beautiful and yet, the craziest woman on earth. Lily Delavin, could be your best of best friends or your worst enemy. She can be the icing on your cake or your greatest nightmare. You choose. But ei...