Chapter 1

16 1 1
                                    

We must be willing to let go of the life we have planned,  to have the life that is waiting for us ..

**

"Heaven anak, please makinig ka naman kay mommy. This is for you naman eh."

Mas lalo pa akong umiyak sa ilalim ng kumot. Ayoko talaga. I hate the idea of being transfer on different school. Mas ok na ako sa public lang, mas sanay ako. I have a lot of friends and Im so happy and contented about that.

"Anak, kasi you have the potential. Matalino ka. Mas maganda maging valedictorian pag nasa private ka. Parang may thrill, lahat kayo matalino. Isang year na lang naman eh." Its sems that she's begging me now.

"Napag usapan nanamin ito ng daddy mo. Sige lalabas na ako, pag isipan mong mabuti."

Paglipas ng ilang minuto ay narinig ko ang pag sarado ng pinto sa kwarto ko.

Umiyak lang ako ng umiyak kakaisip sa katotohanan na lilipat ako, malayo sa mga kaibigan ko.

Maya maya pa ay nakarinig nanaman ako ng pagbukas at tahimik na yabag. I know who it is already kaya tinanggal ko ang nakatakip na kumot sa akin.

"Yaya .." I sobbed.

"Hala bibi gerl! Ang pangit mo, maga eyes mo at ang red ng nose mo! Hmm, anong drama yan?" OA na react ni yaya, umupo siya sa upuan katabi ng kama ko.

"Yaya ayoko mag transfer." Para akong batang nagsusumbong. Pero wala akong pakielam sa mga oras na to.

"bibi gerl, ganito kasi yan .. minsan kelangan natin gawin ang isang bagay kahit ayaw naten kasi KAILANGAN" biglang gumaan ang pakiramdam ko ng sambitin nanaman ni yaya ang word of wisdom niya. Marami siyang alam na mga word of wisdom, yung iba nonsense lang. Basta kung ano lang yung marinig niya sa mga teleserye.

"Yaya yan ka nanaman sa mga pinapanood mong teleserye eh hihi"

"Oh ayan! napangiti na kita agad agad. Walang kapagod pagod, just a piece of.. of .. chicken!"

"Yaya cake kaya yun"

"Ay cake ba yun? I por gat! yor so talino talaga bibi manang mana ka kay yaya" sabay kurot sa pisngi ko.

Huminga ako ng malalim.

"Yaya, pano yung mga kaibigan ko dun? tapos nag aalala ako. Nasanay ako sa public, baka ma bully ako sa private tapos baka walang gustong makipag kaibigan sa akin doon" dire-diretso kong sabi. Kaya ayoko mag transfer yan talaga ang dahilan ko.

Takot akong mapag isa. Parang ang hirap lang kasi eh. Nasanay akong nasa tabi ko ang mga kabarkada ko.

"Yan lang ba ang problem mo bibi gerl? yung mga friendship mo, mage gets nila yun kasi lab ka nila. Tapos ikaw mabu bully? imposible! baka ikaw pa nga mam bully eh. Tsaka ikaw pa, baka nga halos lahat doon maging kaibigan mo eh"

I felt enlighten of what yaya said. Sa kanya lang talaga ako nakikinig kasi unlike nila mommy na laging seryoso kasi workaholic. Si Yaya na favorite ko, siya ang may alam ng lahat ng bagay tungkol sa akin. Alam niya kung paano ako pangitiin. 

Bata pa ang mommy at daddy ko. Pero masyadong malaki ang kumpanya na hinahawakan nila. Kahit stress, gwapo at maganda pa rin sila. Pero yun nga lang, masyadong seryoso. Lahat ng tao dito sa loob ng bahay ay laging naka poker face. Kahit yung mga iba naming kasambahay masyado silang stress. Kami lang ni yaya ang hindi.  

Kase cool kame >:D

"Tsaka wait bibi gerl, wag ka na mag drama diyan. May kasama ka kaya, si Gabby."

Pagkasabi non ni Yaya. Tsaka ko lang naalala yung kapatid ko. Yes may kapatid ako, si Gabby. Di ko alam kung paano siya ide-describe kasi tahimik lang siyang lalaki. Kaya hindi nag seselos sila mommy pag malapit ang loob ko kay yaya because they have Gabby.

Mula grade 1 sa private school na siya, samantalang ako nagpumilit na mag public kasi I want to know the life kung sa mas mababa ka mag sisimula papunta sa taas. Ayoko nung at the very beginning nasa taas ka na agad at biglang lagapak.

So tama, mag ta-transfer ako sa school nila Gabby. He's 13 while I'm 16. Second year siya this coming year at ako naman ay fourth year. Hindi kami close ng kapatid ko kasi nga mag kaiba kami ng school. Hindi ko kilala ang mga taong nakakasalamuha niya. Medyo hindi kami mag kasundo. At hindi ko alam kung bakit, siguro dahil magka agaw kami sa mga bagay bagay. 

"Bibi gerl labas na ko ok? madami pang gawain si yaya. Pag isipan mo, lab ka ni mommy at daddy mo. They always want the best por yu."

"Ok yaya, salamat."

"And smile ka na, para pretty ka like me. Stahp na ang kra-yeng kra-yeng."

I chuckled.

And after that. I change my mind. Transfering is not a bad idea at all. Pwede ko naman bisitahin ang old school ko every weekend eh. Makikita ko pa rin ang barkada.

Pero aaminin ko, kinakabahan ako. Feeling ko papasok ako sa bagong mundo. Mundo kung saan malayo sa mundong nakasanayan kong galawan. Ang OA na noh? pero kasi ako big deal sa akin yung mga bagay na pwedeng mangyari, yung mga changes.

Sana tanggapin ako ng mga tao dun. 

Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko ang repleksyon ko sa malaking salamin. 

"Goodluck Heaven, kaya mo yan." mahinang sambit ko. Cross finger.

I fell and the Devil catch meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon