Chapter 4

5 0 0
                                    

*Have you ever heard about the disease EPALLOID? wala daw lunas sa sakit na yun eh. And I think you have one. Nakakatakot noh? nakakatakot yung mga taong contaminated na non". *

**

Monday nanaman.

Pero hindi gaya last week. Kasi ngayon medyo excited ako. Wanna know why? Edi syempre may friend na ko. Hindi bully, hindi pa social at tsaka crush ko pa nuh.

Maaga akong gumising at syempre maaga din akong pumasok sa school. Nagpahatid lang ako sa driver namin. Ay oo nga pala, one week na pero di ko pa din nababanggit ang pangalan ng school namen. By the way, its CCU (Climate Change University).

Pag dating ko sa room mga twelve piraso pa lang kami. Sabi ni ma'am all over ay twenty eight pieces daw kami dito. Pero one week na di  ay vakante pa rin ang pitong upuan. At one week na din akong naku-curious tungkol doon.

Umupo muna ako sa upuan ko, kumuha ako ng tatlong libro at nagbasa. Goodthing! madaming pumapasok sa utak ko, pag ganito kasing umaga fresh na fresh pa utak ko eh. Tsaka bakit ako nag a-advance reading? wala lang. Tama kasi si mommy, matatalino tao dito. Hindi dapat ako maging kampante. Maaaring lamang ako, yun ay pag dating sa ugali.

Habang lumilipas ang oras, padami na ng padami. Pero yung pitong upuan, bakante pa rin.

Tumunog na ang bell, hudyat na mag u-umpisa na ang klase. Pumasok na sa pinto si Mrs. Ferrer, napatingin nanaman siya sa bankanteng upuan at napa buntong hininga. Dissapointed ata? Sa isang linggo na pag pasok ko,  ni minsan ay hindi ko pa nakikitang nakangiti sa Mrs.Ferrer. Lagi na lang seryoso ang mukha, hindi gaya ng ibang teacher na nagpapatawa habang nagtuturo.

Pero kunsabagay, ano bang katawa tawa sa math? eh puro numbers kaya.

Nag le-lecture si ma'am ng may biglang pumasok sa room.

"Arvee dont be so hard headed! I know you want me" nakangiting sabi ni ate na maganda habang nakalingkis sa braso ni kuya na may hawak na libro.

"Fvck! get your hands off me. Bitch!" Hala! ang sama naman ng lalaking toh, sinabihan ng b1tch si ate. Pero wait maganda naman si ate ehh, kaso masyadong revealing ang suot na uniform. Yung skirt nasa kalahati ng hita at nakabukas hanggang second button ng sleeve niya.

Natigil ang klase namen dahil napunta sa kanila ang atensyon.

Si ateng naka lingkis ay naka ngiti pa din kahit sinabihan na ng b1tch. Dumiretso sila sa upuan sa likod, yung magkatabi lang. Di man lang nila pinansin ang klase at pag upo, kinulit pa rin nung babae yung lalaki. At etong si lalaki, mukhang asar na asar.

Meron kaming seven row, at bawat row ay may apat na upuan. Tapos parang partner partner, kasi every row may dalawang lamesa at sa bawat lamesa ay may ka share ka. So ayun, nasa row six sila, magka share sa isang lamesa. Ako naman ay nasa row 1, ka share ko itong si kuya na laging kumakain kaya tahimik lang. Habang nag le lecture kami ay kumakain lang lagi.

Sa pinakadulo, malapit sa bintana ay isang upuan lang at isang kamesa. Suposed to be, dapat eight na upuan ang bakante pero seven na lang. I wonder why, mataba ba ang naka upo sa pinakadulo kaya wala siyang ka share?

"Ang gwapo talaga ni Arvee noh" narinig kong sabi ng isang babae na naka table sa likod ko. Kung hindi ako nagkakamali, Yung Arvee yung lalaki na tumawag sa ate kanina na b1tch.

"Pero infairness, nakadikit pa rin lagi sa kanya si Saturday" Saturday? for sure si Girl yun. Ang weird ng pangalan, Saturday. Pero weird din ata yung sa akin.

Pagkalabas na pagkalabas ni Mrs. Ferrer, tumayo sa unahan yung Arvee.

"Bilang president ng student council, Napag meeting-an na magkakaroon ng pa contest this friday."

I fell and the Devil catch meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon