*The Devil is back .. *
**
Ang boses na yon. Sobrang lamig. Parang nababalutan ng yelo. Kung si Thea ay nasabi kong malamig ang boses, nagkamali ako. Mas malamig ang boses ng nagsalita mula sa unahan.
Tahimik.
Noong dumating ang anim sa school ay tahimik, puro bulungan lang ang naririnig. Pero sa pagkakataong ito, MAS tahimik. Hangin lang na lumalabas sa aircon ang naririnig namin. Wala sa mga kaklase ko ang nagbubulungan o nag co-comment.
Ang tanging nakatayo lang ay si Mrs.Ursula, ako at .. tumingin ako sa unahan ko. Sa tapat ko mismo.
Isang lalaking kalmado pero kung titingnan siya "PANGANIB" ang mababasa mo. Ang pagdadala niya sa uniporme ay sobrang bagay. Bagay na bagay sa pangangatawan niya. Matangkad din ito. Magulo ang buhok, nakabukas hanggang dalawang butones ang puting longsleve nito at ang necktie ay magulo.
Napadako ang tingin ko sa isang tenga niya. May hikaw doon.
Nalulunod ako sa presensya niya ng magsalita si mam.
"Welcome back Mr. Ferrer. I guess buong taon nanaman tayong magsasagutan!" sabi ni Mam.
Mr.Ferrer? Is he related to our adviser, Mrs. ferrer?
"Well, you guess it wrong!" sinagot nito si mam na parang kasing edad niya lang.
"What do you- you mean?"
Tama ba toh? Si mam kinakabahan? bakit naman kaya?
May nilabas na sobre mula sa bulsa ang lalaking nasa unahan. Hinagis niya ito mula kay Mrs.Ursula.
"Goodbye Ma'am. Leave the door now .."
Obvious naman na ang laman ng sobre ay resignation letter.
"How could you little monster!! wala ka ngang ebidensya eh!" halos lumabas na ang ugat niya sa leeg.
Sa kabilang bulsa ay isang mamahaling cellphone naman ang inilabas nito at walang sabi-sabing hinagis sa sahig. Madami ang nagulat, pati ako ay napahawak sa bibig.
"I guess meron. Panoorin mo ang video dyan. Madami pa naman akong kopya" nakakaloko itong ngumiti.
Si Mrs. Ursula naman ay agad na pinulot ang cellphone at patakbong lumabas sa pinto, doon sya dumaan sa may likod. Pag kalabas niya ay nanatiling tahimik sa loob ng kwarto. At ngayon, kaming dalawa na lang ang nakatayo.
Nakapamulsa itong naglakad. Akala ko ay lalagpasan niya na ko ngunit tumigil ito sa gilid ko.
"Walang kwenta ang mga prinsipyo mo, pakitapon na" bulong niya at tuluyan ng lumagpas sa akin.
Dumiretso siya sa pinaka dulo. Siya pala ang may ari ng nag iisang upuan. Ngayon alam ko na, wala talagang gugustuhin na tumabi sa kanya.
Lumingon ako sa likod. Nakita ko si Dhea. Nginitian niya ako and she mouthed 'thankyou'.
Nag umpisa ng mag ingay sa klase. Nag bulungan ang mga babae at pany ang tingin sa bagong dating.
Si Ryan, Shin at Arvee ay dumiretso sa upuan nito at malugod na kinausap. Napansin ko pa ngang nag handshake sila. Yung 'boys thing' , di ko alam kasi ang tawag don.
Akala ko nag umpisa na ang flow ng pag babago sa buhay ko. Pero bat nung dumating yung lalaking yun, parang nag re-start. Parang ngayon pa lang ang umpisa? May pakiramdam akong hindi maganda. Sobrang hindi.
Nag vibrate ang cellphone ko at may message galing kay Sat. Gm lang naman ..
The devil is back :)))
