Chapter 5

6 0 0
                                    

"When the devil return, there will be a big change .."

**

Today is Wenesday. Pagpasok ko sa gate ng school, may pakiramdam ako na parang may nagma-manman sa akin. Tumingin ako sa paligid pero wala naman.

Hays. Baka guni-guni ko lang.

Dumiretso ako sa library dahil maaga pa naman. Pagdating ko dun may isang lalaking naka ub-ob at natutulog.  Si Arvee. Ang student Council President na sobrang gusto ni Sat. Mukhang matalino si Arvee lalo na at lagi itong may dalang libro. Pero nakakapag taka lang kung bakit niya nilalayuan si Sat.

Curiosity kills the cat. At napansin kong naglalakad na ako papalapit sa table niya. Umupo ako sa tapat niya. Naramdaman niya ata ang presensya ko kaya bumangon siya.

"What do you need?" tanong niya at inumpisahang buklatin ang libro na nasa harapan niya.

"Sorry kung makikielam ako. Pero bakit ayaw mo kay Sat?" di na ako nagpaligoy ligoy pa kaya diretso ko siyang tinanong.

"Aishh! yung babaeng yun napaka desperada. Inutusan ka ba niya na kulitin ako ngayon? kung oo, makaka alis ka na .." suplado >:(

"Di niya ako inutusan. You know what, Sat is a perfect lady. Maganda, hindi lang panlabas na anyo kundi ugali. Dito sa school na ito bihira lang yung may ganon. I mean, may matinong ugali."

"Wala akong paki elam kung sino siya at kung ano ang ugali niya" sabi niya habang nakatingin sa binabasa. Biglang nag init ang dugo ko, naiinis ako sa mga ganitong lalaki. Yung hindi pinapahalagahan yung nararamdaman ng iba.

Mga ilang minuto kaming natahimik. Hanggang sa napagpasyahan kong magsalita.

"You know what, Six years nasa tabi mo siya. Shes pulling you while youre pushing her away. Diba matalino ka? So, siguro naman pamilyar ka sa katagang - lahat ng tao napapagod?"

Nanatili siyang tahimik at nagbabasa. Pero alam ko na nakikinig siya sa akin.

"One day, magigising si Sath. Na pagod na siya. At pag nangyari ang araw na yon, ikaw mismo ang magmamaka awa sa kanya." tumayo ako at nag umpisang maglakad.

"Wala kang alam."

Napahinto ako sa paglalakad. So affected siya?

"Statement yan. So siguro nga wala. Pero bakit naapektuhan ka sa sinabi ko? Sige mauna na ko Mr. President, madami ka pang gagawin hindi ba? At wala ka namang pakielam kay Sat, so wag mo ng pansinin ang sinabi ko" nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng library.

"Goodmorning Heaven!" bati ni Sat pagdating ko sa classroom. Sa side vission, I saw Mitch rolled her eyes in disgust.

"Goodmorning!" I smiled at her at dumiretso sa upuan ko sa first row.

Bigla namang pumasok si Arvee sa likod.

"Goodmorning babe!" sigaw ni Sat.

Dumiretso lang ito sa tabi ni Sat at tahimik na umupo. Napunta ang tingin niya sa akin. Ngi-nuso ko si Sat pero mukhang naasar lang siya.

Wala pa ang teacher namin ng may mga magandang nilalang nanaman ang pumasok sa pinto.

Sa unahan sila dumaan.

Isang lalaking blonde ang buhok na lalong nagpaputi rito. Nakasuot ito ng headset. Dalawang babae na magka sintangkad, mukha silang bata pa lang. Ang isa ay kulay pula ang buho at ang isa naman ay kulay itim, masayang nagki-kwentuhan ang dalawa. At sa likuran nila ay isang lalaki na .. kyahhhh *o* sobrang cute.

Para siya potato. Naka eyeglasses at seryosong naglalaro sa psp habang nag lalakad. Gusto ko siya pisilin sa pisnge.

Lahat ng classmate namin ay nakatingin sa kanila maliban kay Sat at Arvee. Yung apat na kakarating ay parang wala lang sa kanila na tinititigan sila ng lahat, dire diretso lang silang naglakad papunta sa likod. Umupo ang dalawang babae sa sixth row katabi ng upuan nila Arvee at Sat. Dun sila malapit sa exit door. So kumpleto na ang row six.

I fell and the Devil catch meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon