"San punta?" tanong nila.
"Sa lugar kung nasan siya .. " sabi ko sabay ngiti.
**
Mabibigat na yabag kasabay ng malalaking hakbang ang ginawa ko upang makapasok sa classroom.
"Goodmorning Heav-"
Hindi na natuloy ni Dhea ang pag bati niya dahil nilagpasan ko lang siya. Halata namang iba ang aura ko kaya sa akin sila nakatingin. Dumiretso ako sa pinaka dulong upuan.
Kung saan tahimik na naka earphones ang isang demonyo na nabubuhay sa mundong ibabaw.
I grabbed the earphones.
"What the!! ano bang problema mo?" tumayo siya at humarap sa akin.
*PAK!*
Isang malakas na sampal ang ginawa ko. Sapat para marinig ng lahat. Tahimik sa buong klase, lahat ay gulat na gulat.
"Anong problema ko? Alam mo kung ano! Wag kang magtanga-tangahan!" kinwelyuhan ko siya.
Agad na lumapit sa amin sila Arvee.
"Whats going on?" tanong ni Ryan.
Kayo bang mga readers? Do you know whats going on? Kung bakit bigla na lang akong pumasok at nanampal? Well ..
*FLASHBACK*
Saturday night ..
Nasa loob ako ng kwarto nagre review ng biglang may kumatok sa pinto. Pag bukas ko ay agad na sumalubong ang galit na mukha ni mommy.
"Mom! what's wrong?"
"Heaven what's this?" sabay tapat niya sa akin ng screen ng laptop. Agad kong nakita ang larawan ko na edited. Naked body pero yung mukha sa akin. Oh God! At kumakalat ito sa internet.
"Mom di ko po alam yan!" pagde depensa ko sa sarili.
"Anong hindi alam! Heaven pag nakita toh ng mga kakilala natin mapupuno ng kahihiyan ang pamilya. Fix this. Kung hindi, di ko talaga mapipigilan na pagbuhatan ka ng kamay" and then, tumalikod na siya.
Para akong mag be break down sa mga oras na ito. Pero hindi. I need to be brave. Ni-lock ko ang kwarto at binuksan ang laptop ko. I open my facebook account. Puno ang friend request, messages at tsaka notification ko.
Pumunta ako sa notification at kin-lick ang naka tag na photo. Lumabas sa screen yung pinakita ni mommy kanina. Base sa nakalagay, 5 hours ago. So, ngayong araw pa lang. Pero yung likes, libo-libo na. Yung comment, dinumog na din. At 300 person na din ang nag share :(
Tiningnan ko kung saan nag mula ang picture. Kung sino ang nagkalat. At kung sino ang may gawa.
At ang resulta .. Hell Isaac Ferrer.
Yung hinayupak na yon.
Agad na uminit ang ulo ko. Eto ba yung punishment na yun, what the! so ginamit niya ang kasikatan niya. He wanted to play with me but it sounds like he doesnt know how to play fair. He's such a cheater! Pero ano bang nakakapag taka doon? Eh demonyo siya.
Nasa kalagitnaan na din ng hapag kainan ng biglang mag ring ang telepono. Si Daddy ang sumagot nito.
"Hello?"
"What? Why? are you sure?!"
"ok, I understand"
Pag baba ng telepono ni Daddy, napahinga siya ng malalim. At tumingin sa akin na parang dissapointed.
"Tumawag ang school mo, sabi ma-e-expell ka ng one week dahil sa litaratong kumakalat. Pangalan ng school mo ang nadumihan. I'm so dissapointed Heaven"
