Chapter 3

7 0 0
                                    

*Heaven and Earth? Sounds good, are we a match made from heaven?*

**

Recess na.

Puro introduction lang naman ngayong araw eh.

Pagkalabas na pagkalabas ko eto ang naririnig ko sa mga tao.

"OMG! Seriously binangga niya si Mitch? I cant believe it"  sa tingin ko puro taga ibang section ito. Ang bilis ng balita. The issue just happened a while ago at ngayon nasa utak na ng lahat.

So Mitch pala ang pangalan niya. Unang una sa hatelist ko. Pangalan palang ka rhyme na ng word na Witch and Bitch.

Dumiretso ako sa elevator buti naman at isa lang ang sakay. Isang babaeng may makintab at mahabang buhok. Naka sideview kaya di ko gaano kita at natatakpan ng bangs ang mukha.

"Miss hindi pa iyan ang mararanasan mo, when the seven devils came .. they can show you the real hell."

Nakatingin lang siya sa unahan. At obvious naman na ako ang kausap niya.

"Hell is true. Believe me I've seen it" dagdag pa niya. Sasagot sana ako pero biglang bumukas ang elevator at lumabas siya. Weird naman nun.

Nang dumating na sa ground floor ang elevator dumiretso ako sa cafeteria. Akalain niyo yung recess dito is 2 hours. Eh sa dati kong school, thirty minutes lang eh.

Pagdating ko sa cafeteria halos lahat ng tao naka stop at nakatingin sa isang direksyon. Sinundan ko ang mga tingin nila, at ayun may eksena sa unahan. May binu-bully.

May nerd na naka upo sa sahig at halos maligo na sa spaghetti at may mga babaeng nakapaligid dito. Bat ba laging nerd na lang ang mga nabu bully? bakit ba ang hina nila?

Tumingin ulit ako sa paligid at nakita ko ang mga staff ng cafeteria na mukhang problemado. Yung mga tindero walang bumibili sa kanila dahil nga sa eksena. Tapos si Kuya janitor na papunta para maglinis ay mukha ding problemado.

Dahil sa pagka-imature ng mga istudyante na toh, pati mga nagtatrabaho sa cafeteria nape-perwisyo. Huminga ako ng malalim at naglakad papalapit sa unahan.

"Magandang hapon po" mahinang bati ko kay manong janitor at kinuha ko ang mop na hawak niya.

Nang nasa tapat na ako ng palabas ..

"Leave her" I said in avery normal tone. At ayan napukol na din ang eksena sa akin, Im part of the show now. Nag umpisa nanamang magbulungan.

"Inuutusan mo ba kami? Haha you gotta be kiddin me miss" sabi nung babaeng naka apple cut ang buhok.

Nakitawa naman ang mga kasama niya.

"Anong feeling mo superhero ka na tagapagtanggol ng nerd na naaapi? at anong weapon mo, Mop? ahaha  so corny!" then they laugh again. Pati mga tao sa canteen na nanonood ay nakitawa na din. Nang mukhang pagod na sa kakatawa nag salita yung isa pang babae.

"Miss tumabi ka sa daan, just so you know anak ni mayor ang binabangga mo." kaya pala malakas loob mangbully anak pala ni mayor. Lagi siguro nila tong ginagawa.

"Ano ? naduwag ka na?" dagdag pa niya.

"Wala akong paki kung anak ng mayor o kahit anak pa kayo ng presidente. Hindi ako tatabi. Kasi anak ako ng Diyos." Kalmadong sabi ko. Sinadya kong iparinig sa lahat. Parang may gusto akong salihan na activity bigla, maya malalaman niyo.

At ayun amuse nanaman yung mukha ng karamihan.

"Excuse me" sabi ko ulit at tumabi sila sa daanan. Hinila ko patayo si nerd. At may hawak papala akong mop. Lalabas na sana yung mga bully girls ng  ..

I fell and the Devil catch meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon