* Hindi sa lahat ng oras, pabor sayo ang tadhana*
**
Pag abot ko ng bayad sa taxi driver ay agad akong bumaba. Madilim na din pala, mga alas sais na siguro ng hapon.
Hehe yehey! Im so excited, makikita ko na si Arveebabes agad.
Dali dali akong naglakad sa entrance.
"Ms. bawal po minor"
"Hoy kuya guard, nasa loob niyan ang saswa ko. Pag di mo ako pinapasok, ipapademanda kita kahit guard ka. Mawawalan ka ng trabaho, you like that?"
"hehe sorry po miss, sige tuloy po kayo!"
"hehe thankyou kuya guard!"
Sumalubong agad sa akin ang matitingkad na ilaw sa dilim kasabay ng malalakas na tugtugin. Nilibot ko ang paningin ko sa lugar, hinahanap ko ang taong mahirap hanapin.
Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig ako habang nakatalikod sa counter.
"Please Arvee its just a one night stand babe, Im good swear"
"Lisa, haha you look quite cute but I think I'll take that as a.."
"No!" sabat ko.
Napalingon sila sa akin. Yung Lisa mukhang gulat samantalang si Arvee, nakakunot ang ulo :( Bat pag yung Lisa kausap niya tumatawa siya eh pag ako laging sinsungitan. Di hamak naman na mas maganda ako ng sampung beses eh.
"What are you doing here?" siya sabay kunot ng noo.
"Hehe ! Hi Arveebabes. Tara uwi na tayo!" sabay hila ko sa kamay niya kaso nagulat ako ng marahas niyang tinanggal ang kamay ko.
Nagulat ako.
I know he hates me, pero he never hurt me or treat me like this. He always let me to pull and touch him.
"Arvee tara na" ngumiti ako at hinawakan ulit ang kamay niya.
"stop it" nakayukong sabi niya, madiin ang pagkakabigkas.
"Huh?"
"I said stop it"
"Arveebabes ano bang sinasabi mo tara na haha, lets go home ok?"
"TANG INA NAMAN SAT! SABI KO ITIGIL MO NA! WAG KANG UMAKTO NA PARANG SYOTA KO KASI HINDI NAMAN TALAGA! STOP THIS BULLSHIT! I DONT LIKE YOU AND THATS FINAL!!! SO FUCK OFF!"
Nabitawan ko ang kamay niya. Natahimik ang mga tao sa loob ng bar. Napaatras ako sa pag sigaw niya.
Is this a nightmare?
Eto na ba yung senyales na itigil ko na? oo nga pala, bat ko ba pinipilit yung sarili ko sa kanya? kase mahal ko siya? yun lang. Tanginang YUN LANG!! bat ako nasasaktan.
Naramdaman ko ang unti unting pagpatak ng likido sa pisngi ko. Mainit. Sabi sa Science class namin, the more na mainit ang luha, the more na nakakaramdam tayo ng lungkot at sakit. Pag sobrang sakit na .. pwede bang masunog na lang ako sa sobrang init ng luha?
"Pre, hindi ganyan ang pag trato sa babae" sabay hila sa akin ng isang estranghero.
"Bitawan mo siya, wala kang alam!" sabay tabig ng kamay ni kuya na nakahawak sa pulso ko.
"Sapat na ang nakita ko para malaman na ang gago mo"
shet! sino ba tong si kuya. Stop na kuya please.. wag ka ng mangielam.
"Sino ka ba? Ano bang gusto mong iparating? pakielemero .." uyy Arvee wag mo na patulan pls. :(
"Sino ako? ako yung lalaking magpapahalaga sa sinayang mo. At anong gusto kong iparating?" sabay ngiti ni kuya. Ok gwapo din siya. Kaso mahal ko yung gagong nakasalubong yung kilay sa harap ko eh.
