Chapter 8

9 1 0
                                    

*She's very captivating. She captures my eye and at the same time, my heart.*

**

Pagpasok ko sa school ay halos pagtinginan ako ng mga istudyante. Bakit? Anong meron ..

Nasa gate si Dhea at hinihintay ako. Siya lang mag isa. Malapad ang pagkakangiti niya.

"Uy Heaven, kinabog mo ang beautiness ko!"

"Huh? anong kinabog?"

"Eh basta!! ang daya tara na nga sa taas"

Naglakad na kami papasok sa building. Sa Building, sa elevator at maging sa hallway ay pinatitinginan ako.

"Dhea bat sila tumitingin sa akin, may dumi ba ako sa mukha?"

"Huh? wala ah. Hayaan mo yang mga yan mga baliw yan"  pakiramdam ko talaga may mali eh.

Nakarating kami sa room. Umupo agad ako sa upuan ko sa unahan. Pati sa room ramdam ko ang mga tingin.

"Uy James! bat sila tumitingin sa akin?"

"Ewan ko .." sagot niya at nagpatuloy sa pagkain ng tsokolate.

Nag umpisa na ang klase.

"Who wants to solve this problem?"

Nagtaas ako ng kamay.

"Ok the three of you, come here .." huh? three ?

Paglingon ko ay naglalakad papalapit si Shin at si -ughhh! the badguy. Inabot ni ma'am sa amin ang tatlong whiteboard marker.

Nag umpisa kaming mag solve. Habang nag so-solve ako.

"Done" sabay lakad niya papalapit sa upuan niya. Napahinto kami ni Shin sa pag so-solve. Imposible! halos tatlong segundo pa nga lang ang nakakalipas tapos, tapos niya agad?

"He got the right answer" simpleng sabi ni ma'am.

"Yea I got the right answer because I never get the wrong" huminto ito sabay dugtong ng "mom".

Hala! mommy niya si Mrs. Ferrer? Paano? He looks so bad, eh si mam naman ang amo ng mukha. At anong sabi niya? He always get the right answer? Ang yabang >:(

Bumalik na lang kami ni Shin sa upuan. Siguro dinaya niya kaya ang bilis niya mag sagot.

Natapos ang math subject namin at tumayo si Arvee.

"Yung competition ng painting, ngayon na ang deadline ok? And by the way may contest nanaman pero two weeks pa naman bago ganapin, every section dapat may dalawang representative. Dancing competition, dalawa lang dapat ang representative."

Lahat ng kaklase ko ay nakatingin kay .. Ryan at wait .. Dhea? seryoso?

"I guess meron na tayong representative, goodluck Ry and dey!" at bumalik na sa upuan si Arvee.

Pag sapit ng lunch time ay nagpaalam ulit ako kay Sat na hindi sasabay mag lunch. Buti naman at pumayag siya.

Tumakbo ako papuntang soccerfield. At nakakagulat dahil wala si Earth. Asan kaya yun? Naghintay ako ng ilang minuto kaso wala pa din. Napagpasyahan ko na lang na maglibot libot hanggang mapadpad ako sa parang istudyo.

Malawak na istudio. May piano sa gitna at wala ng ibang kagamitan. Naalala ko nanaman nung bata pa ako, I used to play piano nung buhay pa si lolo. :(

Umupo ako dito .. grand piano siya actually. Pumindot ako ng tatlo at natutukso akong tumugtog.

Nag umpisang gumalaw ang mga kamay ko. Hanggang isang pamilyar na pyesa ang tumugtog - My love is here.

I fell and the Devil catch meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon