Chapter 6

6 0 0
                                    

"Dont force her to answer. If you dont want me to force you to leave this school .."

**

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako sa kanila. Agad akong pumunta sa may soccerfield.

"Pisnge!!!!!" sigaw sakin ni Earth. Nasanay na akong yan ang tawag niya sa akin.

"Earth, nag lunch ka na?" napansin ko kasi na lagi lang siyang naglalaro pag lunch time eh.

"Di pa, sa classroom lang ako kumakain ng lunch eh tsaka nasanay na akong pagtapos maglaro tsaka mag la-lunch .. Oo nga pala! medyo late ang dating mo ngayon ah, usually kasi maaga ka eh!" nakangiti niyang sabi sa akin. Oh my ang gwapo! Kahit uniform lang namin ang suot niya bat ang gwapo?

"Ah ano! kasabay ko kasi sila Sat eh, yung mga classmate ko"

"Sat?" tanong niya sabay kunot ng noo.

"Yeah. Sila Sat, Dhea, Ryan, mga classmate ko na ngayong linggo lang pumasok" sagot ko.

Napansin kong nagbago ang ekspresyon sa mukha niya.

"Why? is there something wrong?"

Bigla niya kong nginitian at ginulo ang buhok ko.

"Wala naman, may mga kaibigan ka na pala eh, so iiwan mo na ko" sabay pout niya. Shet! pogi na nga, cute pa.

"Wag ka ngang magpa cute diyan, syempre di kita iiwan noh. Ikaw ata ang very first friend ko dito!"

"Good! ayoko mawala ang taong-pisnge!"

"Wahhhh! taong-pisge? ang sama mo!"

"Hahahahaha nakakatawa mukha mo! pisnge ka talaga!!" sabay kurot niya sa pisngi ko. Hahampasin ko sana siya kaso tumakbo bigla at hinabol ko syempre! Duhhh! hindi ako taong pisngi noh. :(

Naghabulan lang kami hanggang sa mag bell, hudyat na tapos na ang lunch.

"Bye pisnge! ingat ka baka kidnapin ka sa daan, taong-pisnge ka pa naman!"

"Ewan ko sayo Earth bye na nga!" at naglakad na ako pabalik sa room.

Pag pasok ko sa elevator ay nakasabay ko nanaman yung babaeng nakasabay ko non yung weird, parang si Thea lang siya. Tahimik lang siya hanggang sa bumukas ang elevator sa seventh floor at lumabas siya.

Nang dumating sa eight floor ay muntik na akong atakihin sa puso. Dahil pag bukas na pag bukas ng pinto ng elevator ay sumalubong sa akin ang mukha ni Thea.

Lumabas ako at sinabayan niya akong mag lakad papunta sa room.

"Yung nakasabay mo kanina sa elevator. Si Nancy yun, pag may sinabi siya sayo .. wag mong pansinin. May sakit siya at lahat ng sinasabi niya ay gawa gawa lang .." diretsong sabi ni Thea.

So yung sinabi sa akin ni Nancy nung nakasabay ko siya nung nakaraan ay hindi totoo. Whew! kinabahan pa naman ako doon.

"Ano Thea.. thanks" pero pag lingon ko ay wala na siya sa tabi ko. Ano ba yan ang weird niya talaga.

Dumiretso na ako sa room. Kaso wala yung anim doon. Nag umpisa ang klase namin na wala sila, asan kaya sila? Nagpatuloy ang klase at absent na nga sila hanggang sa mag uwian.

Lumabas na ako ng school. Tuwing umaga ay hinahatid ako pero dapat susunduin din ako pag uwian pero I refuse. Mas gusto ko mag commute. Kasi dati nung sa public pa ako, tuwing papasok at uuwi, lagi akong nag ko-commute. Sanay na ako. Bus lang naman ang sasakyan ko at nilalakad ko na lang pag narating ko ang village namin.

Nang maka uwi ako sa bahay ay wala akong magawa, kasi nga ginawa ko na sa school yung assignment ko eh.

"Yaya sila mommy?"

I fell and the Devil catch meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon