Chapter 3: Heneral sa Prostitute House
Sinusuklay ko ang mahabang buhok ni Amira, mula sa anitan ng ulo hanggang sa dulo ng buhok. Napaka-ganda naman talaga ni Amira, maraming mga ginoo ang nagkakandarapa sakaniya.
Isa siyang may lahing bughaw, hindi kagaya ko na isang utusan at anak ng isang panday. Maputi ang balat ni Amira, parang gatas. Ang kaniyang labi ay kulay rosas, mahaba at makapal ang pilik mata. Para siyang mahal na manika nagkakahalaga ng libo-libong ginto.
Sa kaarawan niya, maraming lalake siguro ang pupunta. Pipili na ng lalake ang anak ng pinuno ng Malvado ng kaniyang pakakasalan. Kahit mga prinsipe mula sa ibang kaharian ay pupunta rin. Pati na rin ang pinaka-kilalang bayani sa buong kalawakan, na napaka-gwapo at makisig.
Naging tsismis rin na ikakasal si Amira sa hirang na bayani ng kahariang Claridad. Sikat na sikat ang bayaning iyon, at maraming babae ang nagpapapansin sa lalakeng iyon.
"Oh, Matteo..."
Narinig ko ang pagbubuntong-hininga ni Amira. Akala ko tinawag niya ako. Matulis niya akong tinignan sa salamin, "Hindi ikaw ang tinatawag ko," May halong inis ang tono niya.
Umiwas ako at bumalik sa pagsuklay ng kaniyang buhok. "Alam mo ba Soleia, mapapangasawa ko ang pinaka-gwapo at pinaka-matapang na lilalang sa buong kalawakan." Tahimik ako habang nagyayabang na naman siya.
"Kayong mga babae kasi sa Malvado, maiitim at ang papanget. Pasalamat nalang kayo kay ama na may tahanan pa kayo sa lupain namin." Ngumiti siya, ako naman ay naiinis. Kasalanan ba namin na nagsisipag kami at nagtatrabaho sa ilalim ng araw kesa nagsasayang at lumalandi sa mga kawal ng Malvado.
Hindi ko siya sinagot. Binaba ko nalang ang suklay at nilagay sa mesa sa harap niya. Yumuko ako, hindi siya tinitignan. "Aalis na po ako, maligayang kaarawan." At tinalikuran siya. Bigla siyang tumayo, "At bakit ka aalis? Hindi ka aalis, Soleia. Ipapamukha ko pa sayo na mababang pulubi ka lang at taga-silbi sa kagaya kong maharlika!"
Sinampal niya ako ng napaka-lakas at hinigit ang buhok ko palapit sa kaniyang tenga. "Pabida-bida ka pa, Soleia. Tingin mo ikaw lang ang may kapangyarihan sa buong Malvado? Ako rin. Kaya kong kontrolin ang kahit ano."
Nagulat ako nang nagsi-litawan ang mga gamit sa hangin. Napapikit ang aking mga mata nang makitang may kutsilyong paparating sa direksyon ko.
"TULONG!" Napaupo ako bigla sa kama nang mapanaginipan ang sinapit ko sa ilalim ng kamay ni Amira. Basang-basa ang noo at kamay ko dahil sa pawis. Tumayo ako, binuksan ang kurtina ng bintana, at bumungad ang maliwanag na araw.
Nakarating ako kahapon sa sentro ng kahariang Claridad. Ang bayan ng Corazon, na puno ng industriya at mayayamang kultura. Hindi kagaya ng ibang bayan ng Claridad kagaya ng Malvado, mas malaki ang Corazon. Maraming pabilihan, industriya ng mga pabrika, pampublikong serbisyo at mga transportasyon. Napaka-modernong bayan na dinadayo ng mga dayuhan mula sa ibang kaharian.
Kailangan kong maghanap ng trabaho. Hindi kasi hindi tatagal ang perang dala ko. Lumabas ako ng Residencia Cora, at nagsimulang maghanap ng trabaho.
Habang naglalakad sa mga kalye ng Corazon, hindi ko maiwasang mahulog sa masarap na amoy ng tsokolate, tinapay at mga kakanin.Sa gitna ng kalsada, binilang ko ang mga baryang nasa loob ng maliit kong pouch at nilapag sa aking palad. Baka makakasya ko pang bumili ng pagkain.
Lumapit ang kataka-takang matanda at sumilip sa mga palad ko. Madali na hinablot niya ang lalagyan ko ng mha barya na puno ng ginto."HOY MGA BARYA KO! TUMIGIL KA! MAGNANAKAW!" Wala akong segundong pinalipas at tumakbo at sinundan ang matandang iyon.
BULLSHIT NINAKAWAN AKO! Naisip ko ang mangyayari kung wala akong natirang barya. Kasi wala na talaga akong naiiiwang barya. Buong walet ay kinuha niya.
BINABASA MO ANG
Princesa de la Fuego: The Daughter Of The Fire Phoenix
FantasyI met a brave soldier, a powerful kid and a wise magician. Who would have thought that in this chaotic world, I would discover more about my true identity? -TAGLISH-