Decimosexto Fuego

65 4 0
                                    

Chapter 16: Mundo ng Elementos

Gumising ako at hindi malinaw ang alaala sa aking panaginip. Isang hari na suot ang pulang korona, may sinasabi siya tungkol sa Kaharian ng Fuego. Habang inaalala ang mga sandali sa aking panaginip na nakatulala, binalot ang puso ko na de javu. Parang narinig ko na ang iyan. Ano ba ang Kaharian ng Fuego?

"Seb, may alam ka ba tungkol sa kaharian ng Fuego?" Tinanong ko si Seb, mataimtim siyang tumingin sa akin. "Kaharian ng apoy. Kaharian ng malalakas at makikisig na mga hentè," Tumingin naman ako kay Blaze.

"Hentè?"

"Mga taong naninirahan sa Elementos, mga may kapangyarihan tulad niyo. Mukhang taga roon ka, Blaze, katulado ko. Nakakagamit ng apoy ang mga taga-Fuego."

Taga-Elementos rin kaya ako, "Malaking posibilidad na taga roon ka rin Leia, taga-Fuego ka rin." Dagdag ni Seb.

 Fuego, umihip ako ng hangin habang nakikinig. "May pamilyang bughaw sa Kaharian ng Fuego at sila ang pamilyang Fuego, kakaiba ang apoy nila dahil kulay lila." Tinanong ni Seb si Blaze. 

Pero pula ang apoy namin ni Blaze. "Pula ang apoy namin ni Ate Leia,"

"Ang pulang apoy ang ikatlo sa pinaka-makapangyarihang apoy, ikalawa ang lila at ang pinakamakapangyarihang apoy naman ang asul. Isang tao lang ang may asul na apoy sa buong mundo, at siya ay ang hari ng Fuego."

Napatigil kami nang ang Sakay naming karwahe ay biglang tumigil dahil ang kabayo din ay huminto. "Horsey, anong nangyari?" Tanong ni Blaze sa kabayo. The horse galloped, ayaw na nitong maglakbay pa dahil sa ginaw at lamig dahil sa hamog ng ulap sa di kalayuan.

"Dead end," Sabi ni Seb. "Oo nga nu," Tumango naman si Blaze.

Isang dead end nga. Tinignan ni Lucas ang isang mapa, at nakita kong nasa dulo na kami ng mapa. "Anong ibig sabihin niyan Lucas?" Kumunot ang aking noo at bumaba na ako sa karwahe. Bumaba na rin silang tatlo, dala ni Lucas ang bag habang tinali ni Seb ang kabayo sa isang puno.

Wala na ang sinasabing ruta namin sa mapa. Bakit kaya. O baka ang ruta na aming dadaanan ay hindi na sa mundong ito. The curiosity is killing me. Naramdaman ko ang lakaibang enerhiya. Parang may humihila sa akin mula sa harapan namin na maglakad at tuklasan ang kung anong naghihintay sa kabila ng tulay. Dahil ramdam ko na may naghihintay, di ko alam, maganda man ba o malas.

"Sabi ng mapa, sa Hilaga ng Puente de Acantilado, nandito na tayo sa puente ngunit wala naman akong nakikita ah," Nangati ang ulo ni Lucas sa inis nang hindi malaman ang sagot bakit ganito. Wala kaming daanan na makita. Isang puting fog lang ang nakikita ng dalawang mata ko.

Mula sa kinatatayuan namin ay isang malalim na dalisdis na walang hangganan. Isang malungkot at nag-iisang sampay na tulay na yari sa kahoy at gumagalaw-galaw tuwing sinasakubong ng hangin ang kumokonekta sa lupang kinatatayuan namin at sa kabilang lupa.

Naging curious si Blaze kung ano ka lalim ang dalisdis. Hinulog niya ang isang patay na dahon na nakita sa lupa at patuloy na nahulog ito sa malalim na dalisdis hanggang hindi na ito nakita pa sa dalawang mga mata, "I wouldn't want to fall into that," bulong niya at lumunok sa takot.

Kapag titingnan ko ang tulay, nakakatakot at nakakakaba. Kasi kalahati lang ng tulay ay namamasdan sa mga dalawang mata, ang kahalati ay natatabunan na ng puting ulap at malamig na usok. "Magpapatuloy pa ba tayo Lucas?" Tanong ni Seb si Lucas. Tumingin si Lucas sa akin, hinihintay ang aking sagot kung gusto ko ba. "Bakit ka tumitingin kay Ate Leia, ikaw ang tinatanong." Sampal ni Blaze sa braso niya.

Ayoko man, pero para ito sa kaligayahan ni Lucas. "Lets go," Tinanguan ko sila at ako ang umunang maglakad sa mahinang tulay na parang bibigay na sa ilang segundong paglalakbay namin. Mga tali lang na pinako sa lupa ng pundasyon ng tulay, tuluyan akong kinakabahan nang nakita kong may anyo ng tao sa malayo, nakatayo siya, parang hinihintay kami sa kabilang tarik.

Nasa kalahati na kami ng paglalakbay ng tulay, naging klaro na rin ang lumilitaw na imahe ng tao sa malayo na nakatayo. Ngunit hindi ko makita kung sino o ang mukha, Itim na anyo lang ang nakikita ko sa maputing ulap na hamog. "Bakit parang tumatagal, lumuluwag ang pagkakakapit ng tulay..." Napansin ni Blaze, at napansin ko rin ito. Hindi malakas ang kapit ng tulay,

"Parang may hindi tama," Bulong ni Lucas. Kinabahan ako bigla nang gumalaw ang itim na anyo sa malayo at tinangkang tanggalin ang pundasyon ng tali na nakapako sa lupa. "Hoy, tumigil ka!" Sigaw namin sa malayo ngunit malalalim na tawa ang naririnig ko sa malayo, patuloy niyang sinira ang tali.

Lumuluwag na ang kapit ng tulay hanggang sa naputol na ang lubid. Oh shit! Hindi ako nakakapit sa lubid--

"ARRRRGHHH!" Pikit mata akong napasigaw. Ito na siguro ang huli ko, dapat hindi nakang ako sumama sa paglalakbay.

Ilang mga segundo, hindi ko naramdaman ang kakaibang pag-iipit ng aking tiyan tuwing nahuhulog sa ere. Naramdaman ko nalang ang paglutang ng katawan sa ere. Lumulutang ba ako-- LUMULUTANG AKO SA HANGIN?!

"Ate Leia!" Paniguradong si Blaze iyon. Bigla siyang yumakap sa aking bewang, "Lumilipad tayo!" Malakas siyang tumawa, lumilipad sa hamog na parang superman,

"Lucas!" Tinawag ko ng malakas si Lucas.

Nasaan na ba si Lucas, mga ilang tawag ang lumipas, hindi pa rin siya sumasagot. "Seb-!" Biglaan na nawala ang puting hamog at sila Seb at Lucas ay nasa kabila, naghihintay sa amin. Inisa ni Seb ang kaniyang patpat na lumiliwanag ng asul na liwanag, mula pala sa patpat niya na kami'y nakalipad.

Kinontrol niya ang aming paglipad palapit sa kanilang tinatayuan. Hanggang kami na ay nakaapak sa lupa. Ngayon ay nakatayo na kami sa kabilang parte ng tulay. Nakahinga ako ng maayos, okay na ang lahat. Walang nasakatan. Ngunit ang hamog ng ulap ay bumalik ulit at tinabunan ang kahalahati ng tulay.

"Hindi namin nadakip ang sinong nag-sabotahe sa tulay," Seryoso si Seb habang hawak niya ang isang lilang bracelet. "Naiwan niya ang lilang bracelet,"

Lilang bracelet?

Kulay lila, napaka-pamilyar.

"Nasa ibang mundo na tayo, ibang demensyon. Ito ang demensyon na kinabibilangan ko at ni Blaze, ang mundo ng Elementos."

"Ang mahiwagang mundo ng Elementos, ang mga nakakapasok ay hindi na nakakalabas. Ang mga napapalaran lamang ang nakakalabas ng buhay. Mundo na puno ng mahika, higit sa karaniwan at talulikas ang mundo ng Elemento."

Princesa de la Fuego: The Daughter Of The Fire PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon