Decimotercero Fuego

54 6 7
                                    

Chapter 13: Margaret

Pag-baba namin sa kalesa, natanggal ang kahoy na gulong. Napapikit si Lucas, sabay hampas sa kaniyang noo. "Patay.."

Nagulat kami ni Blaze sa biglang pagsira ng buong kalesa. Natanggal ang buong parte, pati na ang mga gilid nito na yari sa kahoy.

Hinawakan ni Blaze ang aking kamay, nanginginig sa gitna ng gubat. Habang ako ay nagmamasid sa buong kalawakan, may nararamdaman akong kakaiba e. Parang may nagmamasid din sa amin.

Sinuot ni Lucas ang backpack sa kabayo. "Ipaalala niyo sakin na hindi na tayo babalik ng Esmeralda, baka malilintik ako ni Señor." Oo nga, pang-ilang kalesa niya na 'to.

Abala si Lucas sa kabayo, narinig namin ang mga yapak ng mga paa sa likod namin ni Blaze. "Maligayng pagdating sa aming kaharian!" Bati ng isang babaeng may suot na bulaklak na korona sa kaniyang buhok. Tilang napaka-ganda niya, maputi ang balat at ang labi ay mapula-pula.

Ang mga naka-sunod sa likod ng babae ay may mga pak-pak, mapa babae man o lalake. May napansin din akong babae, mahaba ang buhok-- yung babaeng akala kong multo kanina.

"Ako ang reyna ng kagubatang ito, Reyna Alice at your service." Lumuhod ang reyna sa aming tapat, at sumunod ang lahat. Bago pa ako makalapit, inunahan ako ni Lucas. Lumalabas na naman ang pagka-playboy nito. Hinawakan niya ang kamay ng magandang reyna at hinalikan ito.

Babatukan ko sana si Lucas nang hinigpitan ni Blaze ang pagkapit niya sa aking kamay, babala na pag-isipan ang mga desisyon ko. Huminga ako ng malalim, masaya si Lucas at Reyna Alice na nakikipag-usap. Sumunod na lamang kami sa agos ng tubig, hanggang napadpad kami sa isang kastilyo. Yari ito sa kahoy at ang formation nito ay parang puno, ngunit mas malaki ito sa isang daan'g kahoy na ipinagsama. Nagmumukha siyang mahiwagang kastilyo ng mga fairies.

Pagpasok namin ay binati kami ng malaking piyesta ng pagkain. Isang mahabang lamesa ang nakahanda na puno ng pagkain. May masamang kutob ako, hindi ko maipaliwanag.

"Blaze," Hindi ko na naramdaman ang mga palad ni Blaze sa aking mga kamay. Lumingon-lingon ako at nakita siyang nakatitig sa babaeng inakala namin na multo. Lumapit ako sakaniya, at nakita ko kung paano kinuha ng babae si Blaze.

My heart skipped a beat. Anong gagawin niya kay Blaze? Sinundan ko sila sa kung saan dadalhin ng babae si Blaze. "Blaze!" Sigaw ako ng sigaw habang hinahabol sila.

Hinila mg babae si Blaze sa isang madilim na staircase pababa. Kahit ayaw ko sa madidilim, pinili kong sumunod. Paano kung malalagay sa panganib ang buhay ni Blaze?

Mga mapupulang sulo ng apoy ang nadadaanan ko habang pababa sa hagdanan. Rinig na rinig ko ang mga sigaw ni Blaze, ngunit hindi ko marinig ng maayos dahil hinihingal rin siya. "BLAZE!" Nilakasan ko ang sigaw nang mahabol ko sila.

Matapos ang madilim na hagdan na iyon ay kulungan pala. Sa aking kanan ay mga prison cell sa mga taong nagkasala. Puno ang kulungan ng mga buto ng mga tao. Humarap ang babae sa akin habang hawak niya si Blaze, at pinalaya ang bata. Tumakbo si Blaze papunta sa akin na luhaan.

"Umalis na kayo ngayon sa Bosque Verde," Matatalim na titig ng babae ang umaligid sa akin. Tahimik ko siyang pinagmasdan, wala siyang suot na sapatos kaya ang paa niya ay sugat-sugat. Pati ang kamay niya ay puno ng sugat. May malaking scar sa mukha niya. Pero kahit sugat-sugat siyang tingnan, maganda pa rin siya.

"Ganyan mo ba kami ka ayaw kaya pinapaalis mo kami?" Patuloy na tumulo ang mga luha ni Blaze. May kinuha ang babae sa kaniyang bulsa, isang susi. Lumapit siya sa isang kulungan at binuksan ito. Lumabas ang isang salamangkerong may mataas na bigote at hawak ang isang patpat na kumikinang sa dilim.

Princesa de la Fuego: The Daughter Of The Fire PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon