Pimer Fuego

220 31 14
                                    

Chapter 1: Princess of the Fire
        

Sa kalagitnaan ng kapatagan, lumiliyab ang mapurol na bayan na kinagagalingan ko. Ang bayan ng Malvado. Nagsimula sa maliit na patak ng napaka-pulang dugo hanggang sa kumalat ang mapupulang apoy sa buong baryo.

Nakakatawang isipin na dahil sa mga maliliit na butil ng dugo ay sirang-sira na ang Malvado. Ni walang naka-labas ng buhay, lahat silang nasusunog ay magiging abo rin. Umalingawngaw sa buong kalawakan hanggang sa matarik na dalisdis na tinatayuan ko ang pagmamakaawa ng mga tao sa mga bathala sa kalangitan na sila sana'y makalabas sa buhay na impyerno.

Nakakatawa ring isipin na ang mga sumisigaw at nagmamakaawa ngayon ay mga taong binastos at pinahirapan ako sa publiko.

"Isa kang halimaw!"

"Dapat siya pugutan ng ulo!"

"Anak ka ng bruha!"

Sumakit ang ulo ko nang maalala ang mga pananakit ng mga tao sa akin habang tinutulungan ang isang matanda na maka-tayo noong ako ay namalengke. Sinubsob nila sa mukha ko ang kamatis, hindi raw ako mapapabilang sa mga normal na tao dahil sa kakayahan ko. Binasagan ako ng itlog, dahil ako raw ay masangsang kagaya ng itlog. At binatuhan ng bato at kahoy para mamatay at parusahan sa aking madugong kasalanan.

"Pinatay mo ang babaeng anak ng pinuno ng Malvado!"

"Isa kang bruha! Naiinggit ka dahil hindi ka ka-aya ayang babae kagaya ng babaeng anak ng Pinunong Alveo!"

"Sinunog mo si Amira! Mangkukulam ka!"

Tiniis ko ang sakit at pambabastos nila. Tinakbo ko ang ilang kilometro para makauwi at magkulong sa bahay. Nangangamoy ako dahil sa kamatis at itlog, kaya pinili kong dumaan sa likod ng sampayan. Binihisan ang sarili sa ayaw mapagsigawan ng ama dahil ako'y nagmumukhang basura.

Isa lang ang pintuan namin, at iyon ay nasa harap ng bahay. Papasok na sana ako nang maabutan ko ang aking ama na abala sa pagtatapon ng aking mga bestida at mga damit sa hakbang ng aming pinto.

"Papa, anong ginagawa mo?"

"Lumayas ka!"

"Papa, huwag po." Lumuhod ako sa kaniyang harapan. Walang awa sa mga mata niya at pinalabas ang matulis na pistola at tinutok sa aking mukha.

"Wala akong anak na halimaw!"

"Papa, huwag!"

"Kinakahiya kita bilang anak, sana hindi nalang kita pinalaki. Mana ka sa tarantado mong mga magulang!"

"Papa, maawa ka please!"

Hindi ako makapaniwala, babarilin niya talaga ako. I manage to run away from the father I trusted for all my life, but when he pulled the trigger. Reality hit me, theres no one I can trust. Not even the man who raised me.

"ARAY!"

Malakas akong napa-hiyaw sa biglaang pagkagat ng sakit. Dumampi ang bakal na bala ng pistola ng aking ama sa aking binti. I saw my calves and they were covered with blood. Thick red blood different from the ones I have seen.

Naglakad ako na parang baldado, hindi ko kayang maigalaw ang binti dahil sa sakit. Sa bawat hakbang ay patak na dugo ang tumutulo sa nadadaanang landas. Huli na nang maalala ko na ang dugo ko ay nakakamatay, na ang dugo ko ay parang langis na lumiliyab ng mag-isa kahit hindi sinisindihan.

Sa bawat nadadaanan ko ay unti-unting umuusok at lumiliyab ng mapupula't asul na apoy na bumubuga rin ng itim na usok. Nagsigawan ang mga tao sa kanilang mga bahay, ginagawa ang makakaya para mapatay ang apoy. Ngunit kahit ano pang gawin nila, hindi mapapatay ang apoy na nanggagaling sa aking katawan.

Napapikit ako sa sakit habang kinakayang maglakad palayo sa bayan ng Malvado, basta lang ako ay malayo sa lugar na puno ng masasakit na alaala.

Sa ilalim ng dalawang oras, naakyat ko ang bulubundukin, at ngayon ay nakatayo sa dalisdis habang tinatanaw ang buong Malvado. Ang mga kalangitan ay naging kulay itim at mapula-pula dahil pababa na rin ang araw.

Hinay-hinay na tinabunan ko na ang aking ulo sa pulang talukbong na suot-suot ko. Bumuntong-hininga bago tumalikod at umalis papalayo mula sa matarik na dalisdis na matatanaw ang itim na usok mula sa Malvado.

Hindi ko kayang itaas ang noo sa paglalakbay kong ito dahil sa kahihiyan at sa aking madugong kasalanan. Mga butil ng luha mula sa aking mga mata ang dumaan sa aking pisngi hanggang sa maduming lupa. Puso ko ay napupuno ng pighati at takot sa aking sarili.

Isa akong halimaw, walang awang halimaw na sa isang tingin, patak ng dugo, isang hawak o hiling mula sa aking bibig ay nakakaliyab ng kahit ano.

I-ligo mo man sa tubig ang apoy na lahid ko, hindi ka aatrasan nito at lalamunin ang katawan mo hanggang ikaw ay magiging abo.

_________
Siya si Soleia Herrerro, ang nawawalang Princesa de la Fuego.

Subaybayan niyo ang kwentong paglalakbay ni Soleia kasama ang tatlong mistery characters na inyong makikilala sa dadating na mga kabanata.

Princesa de la Fuego: The Daughter Of The Fire PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon