Octavo Fuego

75 14 8
                                    

Chapter 8: Amo, Alipin.

Nagulat ako nang lumitaw ang mga gamit ni Amira sa hangin. Pinikit ko na lamang aking mga mata nang makitang may kutsilyong lumilipad paparating sa direksyon ko.

"Amira, please." Nagmamakaawa ako sakaniya habang siya'y tumatawang naka-tayo sa aking likuran. Desperada kong hinawakan ko ang binti ni Amira, "Itigal mo na 'to please."

Ilang mga segundong lumipas, wala pa rin'g kutsilyong tumatama sa mukha ko. Minulat ko ang aking mga mata, at nakita ang walang kibomg lumulutang na kutsilyo na nakatutok sa noo ko.

Naramdaman ko ang biglang pag-init ng katawan at napa-hawak ulit sa binti ni Amira. "ARGH!" Biglang napa-sigaw si Amira sa hapdi. Tumalikod ako at tiningnan si Amira. "What have you done to my leg?!"

Nakita ko ang kulubot ang parteng nahawakan ko kanina. Sunog na ang balat sa binti, agad akong nilamon ng hiya ng aking kasalanang naggawa sakaniya.

"Amira, sorry."

Umuungol na siya sa galit. Galit na galit niya akong pinagmasdan. Naramdaman ko ang pagyanig ng buong kwarto. Ang mga nagsi-litawang bagay ay biglang nabasag at naging pira-piraso dahil sa galit niya. Sabay nahulog ang mga pirasong nagka-pulbo. Walang pinalipas na sandali si Amira at kinuha ang kutsilyo sa ere at sinugod ako.

Susunggabin niya sana ang leeg ko ng matalim na kutsilyo. Napapikit ako nang napigilan ko ang pagsaksak niya nang maharangan ang matalis na kutsilyo gamit ang pulso. Binuksan ko ang aking mga mata at nagulat sa pumapatak na malagkit at mapula na dugo mula sa malaking hiwa na kaniyang ginayat. Gusto ko nang mapasigaw sa sakit at hapdi.

Hindi pa siya nakokontento sa pagsusugat ng aking braso at sinimulan pa niyang hinila-hila ang buhok ko. Matapos ay pinapadyakan ang aking tiyan hanggang sa walang-awang maka-higa sa sahig dahil sa sakit ng tama sa bituka. Bumubuga at umuubo na rin ang bukana ko ng dugo.

Napaka-sama niya, bakit ba nagkakaganito si Amira? "Alam mo, Soleia. Mga dugong bughaw lang ang binibiyaan ng mga talento ng kapangyarihan. Hindi ka dugong bughaw. Pero bakit may kapangyarihan ka'ng apoy, na dukha ka lang?" Masamang ngumisi si Amira, inisa ang kutsilyo para isaksak sa bituka.

"Amira, huwag." Sasaksakin na sana ako nang mahawakan ko ang kamay niya, at napigilan ang pag-atake. Pumula ang kamay niyang hawak-hawak ang kutsilyo dahil sa dugo mula sa malaking hiwa sa kamay.

"ISA KANG BRUHA-- B-Bakit.... A-Aray!" Napa-atras siya bigla, hinahawakan ang madugong kamay. Nahulog niya ang kutsilyo. Tinitigan niya ako na parang pinasukan siya ng demonyo.

"Fuck! Bakit ang hapdi ng kamay ko!" Sumigaw siya. Nakita kong unting umuusok ang kamay niya at bestida, bigla nalang ito lumiyab ng pulang apoy.

"A-Amira," Hindi ko maigalaw ang mga paanan ko dahil sa nginig, nanigas akong napa-tingin sakaniya. Gusto kong tumulong pero hindi ko alam kung papaano. Natagpuan ko ang plorera na puno ng tubig at binuhos sa umaapoy na kamay ni Amira ngunit hindi pa rin ito namamatay.

"Halimaw ka Soleia, bruha!" Buong nilamon ng sunog si Amira, napadapa ako sa takot, nanginginig sa buhay na bangungot na nasasaksihan.

"AAAAAAAARGHHHHH DADDY TULONG!"

Iyak ng iyak si Amira sa hapdi at init. Sumisigaw na parang demonyong gustong makawala sa impyerno ng mapupulang apoy na nahahaluhan ng maasul-asul na apoy. Tulala akong naka-tingin sa naiwang abo na si Amira. Naging abo na si Amira, patay na siya. Ang dugo ko ang pumatay sakaniya.

Ang dugo ko,

Dugo ko,

Ako.

Ako ang pumatay kay Amira?

H-Hindi! Wala naman akong ginawa!

Napaluhod ako sa harap ng abo ni Amira, "Patawarin mo ako, Amira. Hindi ko sinasadya."

Huli na nang aking namalayan na nagkalat ang patak ng dugo ko sa buong kwarto. Lumiyab ang bahay ni Amira na regalo ng ama niya sa ika-dalawampu't limang kaarawan niya ngayong araw.

                              "Leia, gising!" Narinig ko ang boses ni Lucas, na ngayo'y nakaupo sa tabi ko. Sinisilayan akong naka-higa habang umiiya. "Tahan na," Pinahid niya ang mga bakas ng luha na nakatakas mula sa aking mga mata. "Binangungot ka ba?" Umayos ako ng pagkaupo.

Sa Mentira del hotel kami umuupa ng isang silid na may dalawang kama. Plano ni Lucas na magtatatlong araw kami dito sa Esmeralda, may hahanapin daw muna kami.


"Naaalala ko sayo ang asawa kong palaging na binabangungot," Mapait siyang ngumiti. Napansin ko rin'g paminsan-minsan, binabanggit niya ang mahal niyang asawa.

"Ano palang nangyari sa asawa mo?" Umupo ako ng maayos. Tumingin siya sa itaas ng kisama, pinipigilan malungkot.

"Mahabang kwento," Tumayo siya at iniwan ako sa higaa para umupo sa upuan ng lamesa. "Anong nangyari sa asawa mo? Hoy!" Hindi niya ako matitingan, nakikita ko ang mga mata niya'y kumukutitap sa lumbay.

"Si Olivia ang pinaka-mabait, pinaka- maganda at mapagpatawad. Makasalanan akong asawa noon dahil sa pambabaeng kinagagawan ko, patuloy niya akong pinapatawad. Hanggang sa mamatay siya, hindi ko na pinatawad ang sarili ko." He sighed, iniiwasan niyang tumingin sa direksyon ko sa takot na makita ko siyang umiyak.

"Anong nangyari sakaniya at hindi mo mapatawad ang sarili mo?" Nagtataka ako sa nangyari sa asawa niya. "Iniwan ko ang asawa ko sa kamay ng aking lalakeng kapatid. Pagbalik ko, nalaman kong ginahasa pala ng katapid ko ang asawa ko at nagpakamatay siya dahil walang naniwala sakaniya."

Hindi ako makasalita sa gulat, tumahimik ang ang buong kwarto. Binaba niya ang ulo, pinipikit ang mga mata. Ginugunita ang mahal niya na asawa.

He's trying to overcome the overwhelming feeling inside his heart. Hanggang sa malalaking butil na ang tumatakas sa mga mata niya. Nahihirapan akong makitang nasasaktan si Lucas.

"M-Masaya ako nang nalaman kong m-magkakaanak kami, kaya nasasabik akong b-bumalik sa k-kaharian para makita ang b-bunga ng aming pagmamahalan. H-Hanggang sa nalaman kong n-nagpakamatay siya dahil sa d-demonyo kong k-kapatid," Nauutal na humihikbi si Lucas, nahihirapang magsalita.

Tumayo ako at hinahaplos ang likuran niya. "Tahan na, Lucas."

Buong pusong naramdaman ko ang nararamdaman niya ngayon.
Nakaka-awa naman ang sinapit ng asawa ni Lucas. Walang hiya ang demonyong gumahasa ni Olivia.

Mahirap isipin na ang masayahin na kagaya ni Lucas ay may tinatagong madilim na sekreto sa likod ng maskara. Kahit anong gawin, naiiyak tuwing maalala sa balitang buntis pala ang asawa niya, at sa pagkawala ni Olivia, wala na din ang baby.

"O-Olivia...patawarin mo ako," Patuloy siyang umiyak ng malakas. Hindi ko alam kung paano siya patahanin. Tinabihan ko nalang siya at niyakap ng mahigpit.

"Nandito lang ako, Lucas." Dito lang ako maghihintay sayo... Maghihintay na tumahan siya, tss. Ano bang biglang pumasok sa isip ko.

"Huwag ka nang umiyak, please." Pinahid ko ang mga butil ng luha na tumatakbo sa pisngi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. "S-Sorry Leia," Tumahan na siya sa wakas.

"Nagmumukha tuloy akong bading," That's not true. Sa lahat ng lalake ko, ang gwapo niya parin'g umiyak. Hinila ko ang t-shirt niya para pahiran ang mga luha na tumulo sa leeg niya. "Real men shed tears, Lucas. Isa ka na 'dun," Nginitian ko siya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. "Suportado ako sayo sa kung anong plano mo, haharapin natin ang mga pagsunok ng sama-sama. Diba buddies tayo!" Ginulo ko ang buhok niya.

"Nasasabik na rin akong makita ang asawa mo, kaya ngayon, magpakatatag ka. Kukunin natin ng espadang 'yon." I promised with a sincere picky swear.

"I promise," Nilabas ko ang pinky ko. Kinawit niya naman ang pinky niya sa pinky ko, at parang bata siyang ngumiti. "Thank you, Leia."

Tumalikod na 'ko, tinatago ang sakit na nararamdaman. Sa ayaw kong makita siyang may kasamang iba, mas pipiliin kong masaktan. Makita ko lang siyang masaya, okay na ako. Dahil amo ko siya, alipin niya lang ako.

Princesa de la Fuego: The Daughter Of The Fire PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon