Séptimo Fuego

91 14 22
                                    

A/n: parang hindi ko nasulat ng maayos. I hope magustuhan niyo? Hihi.

Chapter 7: The Riddle Giant

TAHIMIK na tahimik kami habang nilalakbay ang naiiwang kilometro ng Calye Camino.

"Leia," Tinawag niya ako. Ngumunguso si Lucas ngayon, nagpapa-cute. ""Uhm?" Hindi ko siya nilingon, umungol lang ako para sagutin siya.

"Pansinin mo naman ako, ilang araw mo na akong hindi pinapansin." Kumunot ang noo kong nakatingin sa daan dahil sa sinabi niya. "Ang hilig mong tratuhin na parang baby," pabulong kong pinaparinig ang kagaguhan niya.

"Sayo lang naman ako ganito," Nagpapa-cute na naman. Patuloy akong naglakad, nagpapanggap na parang walang naririnig mula sakaniya. Bahala na siya sa buhay niya, galit na galit talaga ako sakaniya.

Galit na galit ako tatlong araw nakaraan kasi nakatulog akong katabi si Lucas. Sinabihan ko siyang dumistansya sa akin. Sabi niya aanakan niya raw ako, sinakal ko siya at pina-binawi ang joke niya. In both ways, hindi yun dapat mangyari. May asawa siyang bubuhayin gamit ang emperechecheng espada na 'yon.

Tsaka ano ako? Magmumukha akong laruan for the mean time? That's a no-no.

Tingin siya ng tingin sa akin habang naka-sakay sa kabayo. "Leia," tinawag niya ulit ang pangalan ko. "Ano na naman?!" Hindi ko siya nilingon, sinigawan lang.

"Bakit ka ba kasi galit sa akin?" Tinanong niya ako, may halong pag-alala ang tono ng boses niya nang tinanong niya ako. "Gusto ko lang. Che!-----"

Nadapa ako sa lupa, natapilok ako dahil sa bato. "A-Aray!" Hindi ko maigalaw ang paa dahil nabigla ang ugat ng paa sa biglaang paghulog ng bigat ng backpack.

Ang sakit! Putang ina sa mga diyos, putang ina kang bato ka! Bakit niyo ba ginagawa sa akin 'to.

Tinanggal ko ang aking kanang sapatos, at nakita kong nabali yung isa sa mga kuko ko kaya dumudugo ito ngayon. Bumaba naman sa kabayo si Lucas. "Tsk," narinig kong nag-tsk si Lucas.

Naiinis ako kay Lucas, kesa tulungan ako, pinagmasdan niya lang ako sa aking nakakaawang kalagayan. Matalim kong tinitigan siya, "SIGE PAGTAWANAN MO LANG AKO, 'YAN KA NAMAN PALAGI. INAAPI MO AKO---"

Naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking bewang. Bigla nalang niya ako karga, hawak-hawak ang aking bewang na parang bata 'tas sinakay niya ako sa itim niyang kabayo. Pagka-ayos ko ng upo, pumunta siya sa kaliwa ko at tsaka hinagis sa malayo ang natirang kaliwang sapatos ko.

"Hoy, sapatos ko!" Bakit niya ginawa 'yon? Wala na akong sapatos na suot-suot ngayon. "Bibilhan kita ng bago, yung mas maganda at mas mahal kesa gulaganit na sapatos na 'yon!"

Tinanggal niya ang backpack sa balikat ko. Tapos sinuot niya, at bumalik kami sa paglalakbay. Ninanakawan ko siya ng tingin dahil tahimik siyang naglalakad, walang imik, para talaga siyang kawal na nagseserbisyo sa isang prinsesa.

Teka. Hindi tama ang nangyayari. Ako dapat ang alipin. Ako dapat ang nagseserbisyo sakaniya na nagsasahod sa akin.

"Lucas, bababa ako."

"Huwag na, Leia. Diyan ka nalang, baka mapano ka pa," Natigil na ako. Oo, kinilig ako 'dun.

Naramdaman ko ang titig niya sa aking kanang binti. "Anong tinitingin mo diyan?" Tinaasan ko siya ng kilay, lumalabas na naman siguro ang pagka-manyakis ni Lucas.

"May malaking sugat sa kanang binti mo," Nakita niya ang sugat sa binti na tinamo noong tumama ang bala dito. Hindi pa kumpletong nahilom ang sugat kasi tinanggal ko lang ang bala, nakalimutan ko rin itong gamutin.

Princesa de la Fuego: The Daughter Of The Fire PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon