Duodécimo Fuego

80 8 7
                                    

Chapter 12: Bosque Verde (Green Forest)

Pagsikat ng araw sa malawak na kalangitan, kami na ay naghanda para sa aming paglalakbay. Mag-isang naghanda si Lucas, habang ginigising ko si Blaze na inaantok pa. "Iwan mo na kasi yang bata, Leia."

Maraming beses na siyang pinapagalitan ako, iwan ko nalang daw si Blaze. Tumayo naman ng maayos si Blaze dahil sa narinig, "Gising na po ako," Puwersahang siyang ngumiti at naligo ng mag-isa, halatang natatakot na iwan. "Ang weird ng batang 'yon," Tumalikod si Lucas para magpalit ng suot.

"Leia, okay lang ba 'tong suot ko?" At umikot sa harapan ko para ipakita ng suot niya. Suot niya ang kayumangging overcoat sa itaas ng puting t-shirt at itim na pantalon naman sa ibaba. Para siyang anak ng mayaman o prinsipe sa isang modernong kaharian. "Ang gwapo mo naman tingnan," Ngumiti naman siya sa papuri ko.

Lumabas si Blaze sa banyo na naka-towel lang, "Ako Miss Ganda?" Sabay kindat pa. "Hali ka na, magbihis ka na Blaze." Sumimangot siyang lumapit sa akin. "Hind ba ako gwapo," at malungkot na mgumuso siya. Pinisil ko ang ilong niya, "Gwapo si Baby Blaze." Ngumiti naman siya sa papuri ko.

"Bali-baliktaran ko man ang mundo, kung ilapit ko kayong dalawa, para kayong mag-ama." Talagang totoo, parehong magaganda ang mga mata nila tsaka ang mga hugis pusong mga labi. Ngumisi sa inis si Lucas, "Mas gwapo nga lang ako." Dahil sa sinabi ni Lucas, nanlisik ang mga mata ni Blaze.

"Gwapo ka nga pero hindi ka cute, Sungit!" Linabas ni Blaze ang dila niya kay Lucas. Umiwas naman si Lucas na pinipigilang patulan ang bata. Sarap i-untog ang mga ulo nilang dalawa sa isa't-isa.

Matapos namin mag-empake, umalis na kami sa hotel na tinulugan namin. "Lucas, ingatan niyo tong karwahe ha." Nagyakapan si Señor at si Lucas. "Oo naman, ako pa." mapagyabang na sabi niya. "Che, ika-apat na karwahe mo na 'yan." Sinapak ni Señor ang ulo niya. Mahilig tlagang manapak ng ulo si Señor, kaya nabobo na 'tong si Lucas.

Sumakay na kami sa Horse dawn carriage na bigay ni Señor. Konektado ang karwahe sa itim na kabayo ni Lucas. May apat na gulong sa apat na sulok, makakasya din ang lima hanggang anim na pasahero.

"Salamat po, Señor." Nagpasalamat ako kay Señor na kinupkop kami na parang mga anak niya. Siya ang bumili ng mga bagong damit namin ni Blaze at pinuno pa ang bag namin ng pagkain.

"Walang anuman Soleia," Ngumiti si Señor Antiguo sa amin at sumakay na sa karwahe. Si Lucas sa harapan, kami ni Blaze sa likod. "Mag-ingat kayo, tsaka mag-ingat sa mga panganib. Huwag niyong kalimutan na isama ang dalubhasa!" Nagsalute si Lucas, kumaway na rin kami ni Blaze.

Tumakbo palayo ang karwahe, hanggang hindi namin nasilayan pa si Señor. Mamimiss ko ang Esmeralda, ang ganda pa naman ng bayan.

"Miss Ganda!" Niyakap ako ni Blaze, "Masosolo na kita," Kindat ng bata. Tumalikod naman si Lucas at binatukan si Blaze,

"Tumahimik ka, itatapon kita 'pag puputok pa yang bunganga mo." Tinutukan ni Lucas si Blaze ng nakakakilbot na tingin, nanginig sa takot si Blaze at mas niyakap ako ng mahigpit.

"Tss. Lucas, focus sa daan. Huwag mong takutin ang bata." Umirap naman si Lucas sa amin at bumalik sa pagmamaneho ng karwahe.

"Tawagin mo akong Ate Soleia," Dapat itigil ni Blaze ang pagtawag sakin na Miss Ganda, pinapaasa ako e.

"Bakit tawag ni Sungit sayo ay Leia. Hindi ba kita pwedeng tawagin na Ate Leia?" Oo nga 'no. "Ikaw kung gusto mo," Tumango siya at parang wala sa sariling ngumiti. "Ate Leia..."

"Tsaka tawagin mong Kuya Lucas ang sungit ha." Nanlaki naman ang mga mata ng bata dahil sa ayaw, "Tss. Kuya Sungit.." ngumisi siya.

"Isa pa puslit! Itatapon talag kita," Sigaw ni Lucas sa harapan. "Oo na! Kuya Lucas," Sapilitang sambit niya sa takot, humalakhak naman ako sa tawa.

"Saan ang susunod nating destinasyon, Lucas." Tinanong ko siya ng malakasan. "Sa Bosque Verde, ang pinaka-malaking kagubatan sa buong mundo."

Papasok kami sa isang daan na pinapaligiran ng mga berdeng puno. "Woah ang ganda!" Napa-hanga din si Blaza. Napa-nganga din ako sa ganda ng kapaligiran.

Kakaiba ang Bosque Verde sa mga kagubatan na nadadaanan namin ni Lucas. Proportionated ang kalayuan ng mga puno sa isa't-isa. Napaka-lawak ng lupain, tapos berde lahat ang mga halaman sa gubat na ito, wala kang ibang kulay na makikita kung 'di berde lamang. "Kailangan nating magmadali," Nilakasan ni Lucas ang paglatik ng kabayo.

"Bakit, anong nangyayari?" Lumingon ako saan-saan. Baka may anong sumusunod samin, "May protective barrier ang Bosque Verde, kailangan natin dumating sa sentro ng Bosque Verde, baka magkasakit tayo." Maggkasakit? Totoo ba 'to.

"Mahiwaga ang barrier ng Bosque Verde, makakapasok tayo. Kapag hindi pa natin nalulusob ang sentro, mamamatay tayo sa sakit." Kinahaban ako, tiningnan ko si Blaze na unti-unting naaakit sa gubat.

"Blaze, okay ka lang ba?" Parang wala na sa sarili si Blaze habang tumutunganga sa mga kahoy. "May nakita akong babae na sumusunod sa atin," Tumingin-tingin ako saan-saan. Walang babae.

"Blaze, ano bang sinasabi mo. Walang babae," Nagsimula akong kabahan. Tumingin siya sa akin, "Nasa tabi mo," Paglingon ko, isang babae na maputing-maputi ang mukha, mahabang buhok at nakaputi ang suot na ngayo'y nasa tabi ko, ngumingiti.

"LUCAS BILISAN MO. MINUMULTO TAYO!" Binilisian ni Lucas ang karwahe, lumipad ang nakakatakot na babae at naglaho sa ere. Paglingon ko kay Blaze, duguan ang ilong nito, "Blaze, anong nangyari sayo!"

Binuksan ko kaagad ang bag para kumuha ng pang punas. "Blaze, anong nangyayari." Pinunasan ko ang dugo na pumapatak sakaniyang ilong, walang rekasyon sa mukha niya. Nakatunganga lang siya mng nakatingin sa akin. Sumakit ang pwet ko nang nauntog ang pwet ko dahil naging maalog ang daan, sumsayaw na rin ang mga dahon dahil sa mahangin na ere.

"Sabi ng babae, mamamatay tayo kapag lilingon tayo sa likod." Nanigas ang mga tuhod ko. Ramdam na ramdam ko ang presensya ng mga sumusunod sa likod namin ni Blaze. "B-Blaze, sabihin mo sakaniya na iwan niya tayo."

Narinig ko ang mga nagsi-lakasang tahol sa likod namin. Hindi ko mapigilan ang sarili at tumalikod para tingnan kung anong sumusunod sa amin, "Lucas, hinahabol tayo ng mga lobo!"

Maiitim ang mga lobo, mapupula ang mga mata. Kanilang mga pangil ay matatangos na parang mga kutsilyo. Naglalaway rin ang mga bukana habang hinahabol kami. Gutom na gutom sila at kaya nilang talunan kami kung magbagal-bagalan pa kami.

Na alarma si Lucas sa nangyayari at pinasa sa akin ang espada niya. "Gamitin niyo 'yan, protektahan niyo ang sarili niyo." Nilabas ko ang espada sa kaluban nito at winagayway.

Tumalikod na rin si Blaze, lumuhod sa upuan para maka-harao ang mga lobo. Mukhang handa siyang makipagresbakan sa mga lobo. "Blaze, ako na ang bahala--" Hinanda niya ang mga palad at hinarap sa mga lobo na humahabol sa amin.

Akala ko nababaliw na si Blaze, nang lumabas ang apoy sa mga palad niya. Kalahati ng mga lobo ay naging abo, ang iba ay umaapoy sa sunog. M-May kapangyarihan si Blaze?!

"Ako na bahala, Ate Leia. Poprotektahan ko kayo," Tumango ako, at hinanda na rin ang eapada. Biglang may tumalon na lobo sa amin, tinutok ko ito sa mata ng lobo at tumusok sa pulang mata nito. Hinawi ko ang espada, at nahulog ang bangkay ng lobo. Patuloy pa rin Blaze sa pagbubuga ng apoy.

Lumingon si Lucas sa likod, "Ang saya niyo namang panuorin," ngumisi siya, tilang nabigla sa kapangyarihang ipinamalas ni Blaze. "Hindi na ako nagsisisi na sinama ang batang 'to."

Naubos lahat ni Blaze ang mga lobo. Hinihingal ako sa pagod dahil sa bigat ng espada. Mga tatlong mga lobo na tinalunan kami at napatay ko.

Ano ba 'tong Bosque Verde, marami na sigurong namatay dito.

Pareho kaming pagod sa pagdedepensa mula sa mga halimaw na nagtatangkang kainin kami. Umupo na kami ni Blaze ng maayos pagka-ubos ng mga lobo, nag-apir kami. "Ang galing mo 'dun!" Hangang-hanga ako kay Blaze. "Salamat Ate Leia,"

Makapangyarihan si Blaze sa murang edad, biniyayaan ng apoy ang mga maliliit niyang mga palad. Nilamon ako ng pighati, hindi ko alam kontrolin ang apoy sa aking katawan. Itatago ko nalang ba ito panghabang buhay?

Princesa de la Fuego: The Daughter Of The Fire PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon