Chapter 6: Matigas
OO, may asawa na siya, hindi mawala sa isipan ko ang katunayang may asawa siya. Habang nilalakbay namin ang ilang kilometrong layo. Tahimik lang ako nakatunganga sa malawak na espasyo.
May kakaiba kasi akong nararamdaman. Parang may kakaibang nararamdaman ang puso ko. Hindi ako komportable, parang bang ako'y-- nasasaktan? Tsss. Bahala na iyon, hindi naman siguro ako magkakagusto sa kagaya niya.
Seryoso siyang nagbabasa sa mapa habang sumasakay sa kabayo. Pinagmasdan ko siya, gwapo naman talaga si Lucas. Kung hindi lang siya gago, mahuhuog talaga ako sakaniya.
Tsaka himala na may asawa pala siya no. Siguro napaka-gandang babae ang napangasawa niya. Kahit mga sawa'ng may paa, sinusundan siya e. Ako kaya, may magkakagusto kaya sa akin?
Hindi ko pa naranasang ma-inlove e. Kung tatanungin niyo ako, what is the definition of love. Ang isasagot ko naman ay family. Ang bobo diba?
Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Pero laging best in English ako. Bihira lang ang best in English. Tumigil ako sa pag-aaral nang malalaman na kaya kong magtrabaho kay papa. Kinulang ng mga tauhan si papa noon. Nang ako na ang taga-sunod sakaniya, himalang nagkapera kami ng marami.
"Lucas, saan na ba tayo?" Hinihingal ako at pinahid ko ang pawis sa aking noo. "Nasa Calye Camino pa tayo. Aabutan siguro tayo ng mga ilang araw para maabot ang bagong bayan."
Pagsapit ng gabi, natulog na naman kami. Siya ng nagbabantay, kasi ako daw ang unang matutulog. Tapos ako ang gigising ng maaga at maghahanda ng makakain namin. "Leia, may lawa sa malayo. Kumuha ka ng tubig doon para may mainom ako."
Dinampot ko ang tumblir niya at nagdala ng mga damit. "Bakit dinadala mo ang mga damit mo?" Tumayo siya. "Maliligo." Malamig kong tugon at umalis na.
"Sasama ako," Sumunod siya sa akin kasi sasama daw siya. Dinampot ko ang bato at sinaboy sakaniya. "Huwag kang susunod, manyakis!" Tumakbo ako papalayo sakaniya. Nakipagpatintero ako sa mga kahoy at mga dahon-dahon, hanggang maabot ang malaking lawa.
Hugis puso ng tao ang ang lawa. Malaki ito, malinaw at maaliwalas ang tubig. Binuksan ko ang tumblir at pinuno ito ng tubig. Uminom ako, "Ang sariwa!" Tubig tabang talaga ang lawa. Pakiramdam ko konektado ito sa bulkan na nagsusupply ng tubig. Uminom ako ng marami, bago maghubad para maliligo.
Hindi naman ako kompletong naghubad. Ang brassier at panty lang ang iniwan ko. Sinimulan konh ibabad ang buong katawan sa lawa. "Ang lamig, woh!" Napa-hiyaw ako sa lamig ng tubig.
Parang naliligo ako sa purified drinking water. Parang hangin lang din ang ang pakiramdam ng tubig, kasi ang gaan sa pakiramdam. Sumisid ako sa ilalim ng lawa, may nakita akong kakaiba. May lumiliwanag eh. Sinisid ko pa nang maramdaman kong may humatak sa paa ko. Biglaan akong nawalan ng hininga.
"TUWLONGH!" Nakainom ako ng maraming tubig dahil sa gulat.
Bumalik ako sa ibabaw, sumunod na rin ang humawak sa paa ko. "LUCAS!" Sinakal ko siya ng mahigpit sa leeg. Tawa pa rin siya ng tawa habang nabubulunan.
"Hahahaha!" Naiinis na talaga ako sakaniya.
"Nakakatawa ang pagmumukha mo. Ang panget mo talaga!" Binitawan ko siya. "Akala ko pa naman shokoy ang humawak sa akin. Nagmumukha kang panget na shokoy sa mga libro," Inasar ko siya. Naasar naman siya pero ngumingisi pa rin.
"Nakita mo ba 'yon?" Tinanong ko siya at tinuro ang ilalim ng tubig. "Ang alin?" Hindi ba niya nakita. "Yung lumiliwanag sa ilalim ng lawa," Kumunot ang noo niya.
"Oo, kaya pinigilan kitang lumapit kasi baka mapano ka." Umiwas siya ng tingin. Teka, namumula ba ang mga pisngi niya? Hindi ko makita kasi tumalikod siya bigla.
T-Teka lang, bakit. "AAAAAAARGH!" Bigla akong napasigaw nang maalalang--
"Bakit ka ba sigaw ng sigaw?!" Kinalikot niya ang tainga niya. "Ngayon ko lang naalala na naka-panty at bra lang ako sa harap mo!" Naka-boxer lang din siya at kitang-kita ang rock hard chocolate abs niya.
"Tsk. Akala ko nga pader ang kausap ko eh. Ang flat," Sinabuyan ko siya ng tubig mula sa lawa. Umubo siya, at galit na pinahiran ang mukha niya, lumayo na ako sakaniya baka patayin pa niya ako.
"Huhulin kita!" Mahalimaw niyang sigaw. Mas binilisan ko pa ang paglayo sakaniya.
Tawa ako ng tawa, nakakatuwang balikan ang mga laro na nilalaro ko noong bata pa ako.
"Wala ka nang kawala!" Tinalonan niya ako at niyakap ng mahigpit. "Gotcha!" Tawa kami ng tawa, hanggang nahuli din namin ang mga titig sa isa't-isa. Parang natutunaw ako sa mga malalim niyang mga titig.
"S-Sorry," lumayo ako at umalis na sa lawa para magbihis. My stomach felt like a million butterflies swarm inside it. Tsaka natakot din ako, kasi may nararamdaman akong matigas nang niyakap niya ako e.
BINABASA MO ANG
Princesa de la Fuego: The Daughter Of The Fire Phoenix
FantasíaI met a brave soldier, a powerful kid and a wise magician. Who would have thought that in this chaotic world, I would discover more about my true identity? -TAGLISH-