At yun Graduate na si Mika at Ara. Naging masaya naman sila sa araw ng pagtatapos nila sa High School. Kunting salo-salo lang para sa kanilang pamilya. At ngayon si Ara napapaisip.
Ara's POV
Ano kayang mangyayari sa college life ko? Magiging masaya kaya ako? Saan kaya mag aaral si mika? Ha? Mika na naman? Di ka na mawala sa isip ko mika. Ano bang gayuma ang binigay mo sakin? Sumigaw na lang ako sa unan ko.
"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhh" sigaw ko sa unan ko.
"Hoy anong nangyayari sayo?" tanong ni kuya.
"Nakakainis kasi"
"Ano bang kinaiinis mo? Babae na naman?"
"Anong babae na naman. Hoy kuya wala pa akong nagiging babae sa buhay ko noh" irita kong sabi kasi wala naman talaga.
"Eh si Kristin?"
Bakit pa niya pinaalala sakin ang babaeng yun.
"Kuya hindi naman naging kami"
"Oo nga pero mag bestfriend kayo"
"Oo nga mag bestfriend na iniwan ako"
Flashback
Simula pagkabata namin ni Tin magkasama na kami. Di kami mapaghiwalay simula kinder hanggang elementary kahit nga mag High School. Nung 2nd year lang kami huling nagkasama. . .
Masaya kaming mag bestfriend nun kaya hindi ko makakaila na hindi ako magkakagusto sa kanya pero ayaw ko naman masira ang aming friendship kaya di ko na lang sinabi sa kanya ang nararamdaman ko.
Hanggang sa isang araw sabi niya. . .
"Vic mamimiss kita"
Napaisip naman ako kung bakit niya sinasabi to.
"bakit tin? San ka ba pupunta? tanong ko naman sa kanya.
"ha-- aahhh aaah wala" nangingilid na ang luha niya sa pagkakasabi nun.
"bakit ka umiiyak tin? Ha? Bakit?" alalang tanong ko sa kanya. Napahagulgol na siya ng iyak sakin.
"basta *sniff* pangako mo sakin wag ka magtatanim ng galit sakin ha! saad niya sakin.
"Oo pangako"
Pagkatapos ng araw na yun di ko na nakikita sa school si tin. Ang balita nasa ibang bansa na siya. Kaya naman nagkaroon ng konting kirot dito sa puso ko kung bakit di niya sinabi. Hindi naman ako nagtanim ng galit sa kanya dahil may pangako ako sa kanya. Bakit ganun siya ano pa yung pagkakaibigan namin?
End of flashback . .
"Kaya kuya di ko na iniisip si tin maging masaya na lang siya sa buhay niya"
"Sabi mo eh. Tumayo ka na dyan at kakain na tayo" at tumayo na si kuya.
"sige, sunod na ako" nag wave na lang sakin si kuya.
Bumaba na ako at kakain na.
"Nak, mag ayos ka na mamaya ha at ihahatid ka ng kuya mo bukas sa dorm mo"
Hayyyy oo nga pala nakalimutan ko.
"Buti nalang ma nabanggit niyo sakin nawala kasi sa isip ko. Hayy buti nalang nandyan kayo. You're the best Ma" at niyakap at kiniss si mama.
"Hahaha oh siya pagkatapos mo dyan mag impake ka na sa taas ha" paalala ulit ni mama.
"Opo"
Ano na kayang ginagawa ni Mika? Hayyyy.
Mika's POV
Ngayon na ang araw na pupunta na ako ng dorm namin. Mabait kaya ang magiging team mates ko? Eh ang room mate ko? Sana maging mabait naman.
"Ye, baba ka na. Hatid na kita"
"Sige kuya."
At yun nga bumaba na ako at magpapaalam na kina mama at papa.
"Ma,Pa alis na kami mag iingat po kayo dito" habang niyayakap ko sila.
"Ikaw dapat ang mag ingat sige na umalis na kayo at baka gabihin pa sa byahe" sabi samin ni kuya.
"Sige pa, bye po"
"Perry mag ingat kayo ha" ulit ni papa kay kuya.
"Opo pa, sige po"
At umalis na nga kami at nag byahe na. Umidlip na muna ako at mahaba pa naman ang byahe
FF.
Nagising na ako at nandito na ko sa harap ng dorm namin.
"Sige Kuya. Dito na ako. Ingat ka"
"Sige ikaw din mag ingat bawal muna mag girlfriend ha" natatawang sabi ni kuya.
"Baliw ka talaga. Umalis ka na nga kuya" irita kong sabi pano ba naman sasabihan ako ng ganun.
"Oo na. Ito na" at umalis na nga si kuya. Habang papasok ako parang nagkakatuwaan sila sa loob at kumatok na ko.
Pinagbuksan naman ako at pinapasok na.
"Mika Reyes right?"
"Opo" mahinhin kong pagkakasabi.
"Ako nga pala si Ate Cha mo. Captain dito wag kang mag alala. Mabait naman kami dito. Welcome Dorm" masayang sabi ni ate cha.
"Salamat po"
"O siya meryenda ka muna at dadating pa yung ibang rookies natin"
"Ilan po ba ang rookies" tanong ko naman.
"Ahmmm sabi ni coach 6 daw kayo at kasama na dun ung aking kapatid na twins. Kain ka muna dyan"
"Sige po"
Kumain na ako tapos may lumapit sakin na kambal ito siguro ang sinasabi ni ate cha. Ang cute nila singkit.
"Im Cienne Cruz at yung kambal ko naman si Camille Cruz"
"Ah. Nice to meet you. Ako naman si Mika Reyes tawagin niyo na lang akong Yeye." pakilala ko sa kanila at nakipagshake hands.
"Alam mo ang ganda mo pero mas maganda ako. Hahaha. Joke lang"
Kakatuwa naman ang kambal na to. Masaya silang kasama makulit.
"Ang bully niyo ha" natatawa kong sabi sa kanila.
"Rookies punta kayo dito" sigaw samin ni ate cha
"Tinatawag tayo ni ate cha. Tara ye"
"Ah ara carol at kim sila si mika at ang kapatid ko na si cienne at camille"
Ha? Si ara? Dito din siya.
"Nice to meet you again mika" nakangising sabi sakin ni ara.
"Aaaah aahhh.. nice to meet you din" pautal utal kong sabi. Bakit ako nauutal? Kinakabahan? Hindi noh.
"Magkakilala na kayo?" tanong ng kambal.
"Oo nagkakilala na kami" sabi ko sa kanila.
"Maiwan ko muna kayo rookies ha kumain kayo dun" saad ni ate cha.
"Sige po" Sabay sabay naming sabi.
- - - - - - -
Votes and Comments Guys.
FOLLOW ME ON TWITTER:
@IAmLorayray
BINABASA MO ANG
You and I (Mika and Ara Fanfic)
FanfictionBestfriend mo na laging nandiyan para sayo. Bestfriend na tumutulong sa'yo. Bestfriend na laging kaagapay mo. Bestfriend na lagi mong kasama. Pero napamahal na kayo sa isat-isa. Pero may taong gustong humadlang sa inyo. Kakayanin niyo pa ba? KARA...