Ara's POV
Kumain kami ng sabay sabay at nagkaka-kwentuhan din ng kaunti.
Dito din pala si Mika sa LaSalle. Bakit ganito ang puso ko ko? Ang bilis bilis niya parang may hinahabol na hindi makuha kung ano yun. Ang ganda ng mga ngiti niya habang tumatawa ang sarap lang titigan.
"Pare baka matunaw"
"Ay maitim na tao. Ano ka ba naman pre nakakagulat naman bigla bigla ka nalang sumusulpot" inis na sabi ko nakakagulat kaya yun.
"Hoy kung makaitim na tao ka diyan parang hindi ka din, hindi naman tayo nagkakalayo ng kulay noh. At saka isa pa kung makatitig ka kay mika parang pinagpapantasyahan mo na. Ikaw ha Inlababo agad" kulit ni ate kim.
"FYI malayong malayo ang kulay natin noh. At saka anong pinagpapantasyahan hindi noh tinitingnan ko lang naman at saka hindi ako inlove."
"Sabi mo eh, cute ni cienne noh"
"Ah ganon pala ha. Ikaw pala tong may pinagpapantasyahan ako pa ang sinabihan mo"
"Sinasabi ko lang naman na cute. May masama ba dun?" tanong niya sakin.
"Hayyy ewan ko sayo te kim" at akmang aalis na ko ng biglang nagsalita si Cienne. .
"Hoy kayung dalawa sumali na kayo saming grupo dito lang yan matatagpuan sa dorm ng LaSalle. Ano pang mahahanap niyo? Maganda kami ni kambal, matangkad si mika, cute naman si carol, at si kim ay isang nasunog at ikaw victonara makapal ang labi kaya dito na kaya sa THE BULLIES" Nag rap si singkit. Aba magantihan nga.
"Hoy singkit wala namang makita wala namang tatalo sa aming dalawa kahit maitim gwapo naman. Mag ingat ka at baka ikaw ay mapana ni robin hood dito sa dorm natin kita mo to ito ang pare kong magmamahal sayo" ganti ko sa kanya
"BOOOOOM" sabi ni ate kim at nag apir naman kami.
"Hoy kayong dalawa sinasabi ko lang ang mga katangian natin noh, bullies nga di'ba?" iritang sabi ni cienne Sigurado akong inis na inis to sakin. Inakbayan ko nga.
"Ikaw singkit kaw kasi nagsimula sinundan ko la--- arayyyy ciennang naman. Sorry na" piningot ba naman ako.
"Haha. Kung nakita mo ang mukha mo arabells matutuwa ka. Okay lang yun walang pikunan sa BULLIES ha"
"Oo" sabay sabay naming sabi.
Ang tahimik naman ni mika matabihan nga at inakbayan ko din.
"Mika, ang tahimik mo naman"
"Hahahahaha. Natatawa kasi ako sa inyo ni cienne. Galing niyo mag rap ha" Ang lakas ng tawa ni mika kakatuwa siya.
"Ikaw ha may tinatago ka pa pala na ugali mo daks ha?" Dakss? bakit ko nasabi yon? Bigla na lang lumabas sa bibig ko yun.
"Daks?"
"Ahh ahhh tawag ko na lang sayo yun mika daks" pagpapalusot ko.
"Ahh hindi naman sadyang ganun lang ako tumawa thomsy"
"Thomsy?" tanong ko na nakangisi .Ano kaya yun?
"Tawag ko din sayo. Ano ka ba kala mo ikaw lang ha" natatawang pagkakasabi niya.
"Oh siya mga rookies Go to your room na nandun sa pinto ang mga pangalan niyo. 2 tao lang sa isang kwarto"
"Yes Cap" Sabay sabi naming Bullies.
Umakyat na kami at hinanap na kung nasan na ang kwarto ko. Totoo ba to? Siya ang room mate ko? Si mika?
"Daks tayo ang room mate" sabi niya at pumasok na.
"Ako na sa taas ha pahinga muna ako. Sige" paalam niya.
"Sige thomsy"
Kim's POV
Hinahanap ko na ang magiging room ko at sa di ko inaasahan si Cienne ang aking room mate ko.
"Ciennang ikaw pala ang room mate ko" sabi ko sa kanya.
"Oh bakit may angal ka?" tapang nito ah mabiro nga.
"Wala naman dito ako sa baba dun ka sa taas. Wag mo kong alam mo na. . Mag aaral pa ako"
"Hoy kimTot ang feeling mo ha. Hate you"
Yan naiirita na si aking my Loves
"Love you too cienne hahaha" natatawa kong sabi. Sarap niya lang asarin at ang cute. Makatulog muna nga at pagod na ko sigurado ako bukas na ako magigising nito 7pm na kasi.
"Goodnight babe ciennang love you" sweet kong pagkakasabi.
"Babe mo mukha mo" irita na talaga siya at tumulog na ako bukas ko nalang kukulitin.
Carol's POV
Si cams ang room mate ko ang cute naman niya tumulog. Ano tong nararamdaman ko sa kanya? Inlove? Hindi. Hindi. Hindi.
"Cams ang cute mo matulog. Sweetdreams" sabi ko na lang.
"Sweetdreams din carol. Kala mo ha. Goodnight"
Halah. Gising pala siya. Pano na to?
"Aaahh ahhhh Goodnyt Cams" utal kong reply sa kanya.
Humiga na ako at gusto ko ng magpahinga. Tumulog na lang ako at feel ko pa rin ang pagod ko sa byahe.
Ooppps Sorrrry kong Lame tong part na to. Bawi po next chapter :)
- - - - - - - -
Votes and Comments :)
Follow me on twitter:
@IAmLorayray
BINABASA MO ANG
You and I (Mika and Ara Fanfic)
FanfictionBestfriend mo na laging nandiyan para sayo. Bestfriend na tumutulong sa'yo. Bestfriend na laging kaagapay mo. Bestfriend na lagi mong kasama. Pero napamahal na kayo sa isat-isa. Pero may taong gustong humadlang sa inyo. Kakayanin niyo pa ba? KARA...