8||Okay na

627 5 1
                                    

Simula nung araw na yun. Hindi na nagpapansinan sa dorm si mika at ara. Mas lalong lumala ang alitan nila ng di katulad dati. Kaya naman napaisip si kim at sinabing. . .

All's POV

Kim: Mga ates kailangan natin silang tulungan di ako sanay na ganito sila.

Aby: Oo nga kailangan makaisip tayo para mapag-ayos sila.

Mich: Pero paano? Kung sila mismo di nila to ayusin.

Kim: Kaya nga mga ate kailangan natin silang tulungan para mapag-ayos.

Cienne: Boom bumanat si panget. Totoo ba yan?

Kim: Seryoso kasi ako ngayon ciennang.

Cienne: Okay Sorry.

Liss: Oh pano na ang gagawin natin sa dalawa?

Biglang pumasok naman si mika at nabigla naman an LS.

Mika: Guys akyat muna ako masama kasi ang pakiramdam ko.

Aby: Sige pahinga ka muna sa taas Ye.

Mika: Sige po taas na ako.

Napangisi naman si kim at nakita ito ni wensh.

Wensh: Kilala na kita Fajardo. Ano yang mga kilay na yan at taas-baba pa.

Kim: Naiisip niyo ba ang nasa isip ko?

Aby: Ahaaa Good Idea.

Cienne: May naiisip ka rin pa lang matino pangit.

Kim: Hoy hindi ako pangit noh. Pero okay lang ikaw naman ang maganda para sakin.

Camille: Booom Banat ni Fajardo numero Nuebe(09)

Cienne: Mais.

Kim: Okay lang maging corny sweet naman.

Aby: Tama na yan at simulan ng plano.

Kim: Eto na cap sisimulan ko na.

Meanwhile kay ara. . .

Naglalakad lang ako kasi katatapos lang ng klase ko. Umupo muna ako sa bench ng may nagtext sakin.

*bzzzzzzt* *bzzzzzzt*

1 Message received.

Fr: Kim Wafs

Wafs umuwi ka na. Hindi na namin alam kung anong gagawin kay ye. Ikaw lang siguro makakatulong sa kanya. Punta ka na dito.

Di na ako nag reply pa at dali-daling nagpunta ng dorm. Pagdating ko dun nasa hagdan ang ibang team mate ko. Bakit sila naluluha? May nangyari ba? Lumabas naman si Ate mich at Ate aby sa kwarto namin at umiling na lang dahil napapaluha sila. Ano ba talagang nangyayari? Pumasok na ako sa kwarto ng biglang. . .

"Hoy bakit niyo nilock to?" hampas ko sa pinto.

"Mag-ayos muna kayo diyan ni Ye" sigaw ni ate mich na natatawa pa. Hanggang sa wala na akong napakinig pang ingay sa labas.

"MotherF? Ate Mich? Kambal? Ate kim?" wala na ngang nag-response pa sakin.

Humarap na ako at nakita lang si mika na nakahiga at nakakumot. Bakit hindi man lang siya pumalag kina ate aby? Bakit may noodles? Bakit may mga gamot? Bakit ganito? Napaisip lang ako. Nilapitan ko si mika at parang nanginginig siya. Di kaya tama ang iniisip ko hinipo ko ang noo nito at mataas nga ang lagnat nito.

"Mika? Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Ahhmm A--ra okay la--ng ako wag mo na a-kong in--tindihin" sabi niya ng utal.

"Wag mo muna ngang pairalin ang pride mo ye".

"Ara nandiyan na lahat ang kailangan mo para kay ye ha" sigaw ni ate mok sa'kin sa labas.

Paano ko to sisimulan? Basta gagawin ko ang lahat para sa kanya kahit di ko alam kung papaano.

Tinihaya ko muna siya at papakainin na.

"A--ko na ara" pilit niyang inaagaw ang kutsara sa'kin.

"I insist ako na muna ang mag-aalaga sayo".

Sinusubuan ko pa rin siya at tapos na siyang kumain. Pinainom ko muna siya ng gamot at pinagpalit ng damit.

"Ye palit ka na ng damit oh" abot ko sa kanya. Hindi naman siya tumutugon sakin pagtingin ko tulog na. Ano pa nga ba? Ako na ulit. Tinanggal ko muna ang kumot niya at tinataas na ang damit niya. Nakalingon ako sa iba para di ko makita pero ang hirap bihisan kaya tumingin na ako at dali-daling binihisan Inihaga ko na lang siya at nagpiga ng malamig na tubig at isinapo sa kanyang noo. Tumabi muna ako sa kanya at di ko namalayang naka-idlip na pala. Nagising na lang ako sa paggalaw ng katawan ni mika.

"Ara nasu--suka ako" nagpunta naman agad ako ng CR at kinuha ang tabo. Sinuka na nga niya at hinagod ko lang ang likod nito Naaawa ako kay mika dahil sa ganitong sitwasyon niya. Pinahiga ko na lang ulit siya akmang aalis na'ko ng hawakan niya ang kamay ko.

"Dito ka lang, wag mo akong iiwan"

"Oo dito lang ako hindi kita iiwan" tumabi na ako at hawak hawak pa rin niya ang kamay ko kaya nakayakap ako sa kanya ramdam ko ang init ng katawan niya pero hindi ko na lang ito pinansin at tumulog na kami ni mika.

Kinabukasan. . .

Nagising kaagad si mika at hinawakan niya ang noo niya wala na itong lagnat at magaan ang pakiramdam niya kumpara kagabi. Nakita naman niya si ar sa likod nito at napangiti na lang siya.

"Wag mo akong titigan ng ganyan" ngiting pagkakasabi ni ara. Ang loka nakapikit pa habang nagsasalita.

"Ang hangin mo" tumayo na ako pero bigla ulit siyang nagsalita.

"Salamat ara"

"Tatanggapin ko lang ang sorry mo kung okay na tayo?"

Hindi ko na paiiralin pa ang pride ko dahil tinulungan niya naman ako kagabi.

"Okay."

" Mika, Ara okay na ba kayo dyan?" tanong samin ni ate aby sa labas.

"Opo" sabay naming sabi.

"Mukha nga".

Binuksan na ni ate aby ang pinto tapos bumaba na kami at kumain na lang.

Late Update Guys. Wala na akong maisip. Sabaw at lame tong chapter na to.

Support pa rin guys. Thank Youuuuu.

Voteessssssss and Commentsssssss :)

You and I (Mika and Ara Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon