Chapter One

85 7 3
                                    

"Anong ginagawa niyo dito? Magnanakaw kayo no?" Sigaw ko sa mga masasamang lalaki na naabutan kong nasa loob ng bahay namin. Nakita kong nagkagulo-gulo ang mga gamit at nasira pa yung iba. Ano bang trip ng mga to?

"Nasaan si Allan Fuentes?" Tinanong lang din nila ako ng tanong imbis na sagutin ang tanong ko.

"Ano bang kailangan niyo sa tatay ko?" Inis kong bulyaw sa kanila.

"Tatay mo si Allan? Alam mo bang may utang sa amin ang tatay mo na nagkakahalaga ng isangdaang libong piso? Nasaan siya?" Lumaki naman ang mga mata ko nang sabihin nilang may utang ang tatay ko sa kanila.

"Isandaang libo? Niloloko niyo ba ako? Hoy! Kayong mga pangit kayo, umalis na kayo dito bago pa ako tumawag ng pulis at ipahuli kayo. Wag niyo nga akong lokohin! Wala na ang tatay ko at kamamatay lang niya tatlong buwan na ang nakakalipas kaya umalis na kayo at wala kayong mapapala sa akin. Sinira niyo pa ang mga gamit namin. Langhiya kayong mga adik kayo." Halos masira ang bahay namin sa lakas ng sigaw ko sa mga goons na nasa harap ko. Sigurado naman kasi akong niloloko lang nila ako at pineperahan. Well! Sorry nalang sila at wala silang makukuha sa akin. Mga walanghiya na yan sinira pa ang mga gamit namin. Sira na nga yan sinira pa. Ano yun? Double broke?

"Sino namang magbabayad sa utang ng tatay mo sa boss namin?" Tanong nung lider-lideran nila na may piercing pa sa ilalim ng labi niya at may tatoo pa na nakapalibot sa mata niyang namumula pa dahil siguro sa drugs.

"Aba! Malay ko sa inyo. Marami na akong problema kaya problemahin niyo yang problema niyo. Problema nga ng Math di ko masolve, problema niyo pa kaya." Walang gana kong sagot sa kanila. Marami pa akong problema na dapat problemahin at nasasayang na ang orsas ko dahil sa kanila.

"Alam ko na! Sumama ka nalang sa amin." Pagkatapos ay hinawakan ako nung tatlong lalaking kasama niya at kinaldakad palabas ng bahay namin. Nang nasa labas na kami ay nakita kong binuksan nung isa ang pintuan ng van nila. Bwisit! ilang araw bang hindi naligo tong mga to? Mahihiya ang kanal sa baho nila eh

"Hoy! Ano ba! Bitawan niyo ako! Tulong! Tu...." Tinakpan nila ng panyo ang mga bibig ko at bigla nalang akong nahilo at nagdilim nalang ang paningin ko.

*******************

"Hoy! Gising na ba yan?" Narinig kong may nagsisigawan sa harapan ko at pagmulat ko ng mata ko ay nakita ko ang mga lalaking adik na sumira ng mga gamit namin sa bahay at ang naniningil ng utang sa tatay ko.

"Gisingin mo na at parating na si boss." Sinundot naman ako nung isa sa pisngi pero nagpanggap akong tulog parin.

"Ayaw magising eh! Hala baka patay na to. " oo nga kuya! Push mo yan! Patay na talaga ako kaya pakawalan niyo nalang ako at iwan sa labas para nakatakas na ako, nagmukha pa kayong tanga at ako pa ay magiging masaya.

"Ulol! Pano mamatay yan? Eh! Pampahilo yung nilagay ko dun sa panyo." Binatukan nung lalaking may utak si lalaking walang utak. Malas ko naman at may common sense tong isang to.

"Baka kasi hininga mo yung nilagay mo dun kaya imbis na mahilo, namatay nalang yung tao." pinigilan kong matawa dun sa sinabi nung isa para di masira ang pagpapanggap ko.

"Wahahahahahahahahahah!" Di ko napigilan yung tawa ko sa sinabi nung isa kaya nasira yung pagpapanggap ko.

"Aha! Gising ka pala ha. Halika na at kanina ka pa gustong makausap ni boss." Bago pa ako makapagsalita ay kinaladkad na nila ako papasok sa isang pintuan. Pero nakita ko bigla yung kamay ko at ngayon ko lang narealize na hindi naman pala ako nakatali at kung nalaman ko lang yun kanina pa ay nakatakas na sana ako. Aishh! Ang tanga ko naman! Pagkabukas nung pinto ay may nakita akong mga lalaki na mukha ring mga adik at ang lalaki ng mga katawan na parang mga wrestlers sa WWE.

Ang Dyosang FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon