Chapter FIVE

34 5 1
                                    

"Ano? Kailangan ba talaga yun?" Natataranta kong tanong . Paano ba naman kasi mayroon daw scene na dapat magkalapit yung mga mukha namin ni Ghian at magkaholding hands pa. Ayoko ngang hawakan ang kamay ng isang yun. Mahawaan pa ako ng rabies nya eh.

"Kailangan talagang gawin nyo yun. Diba close naman kayo? For sure, hindi na kayo naiilang sa isa't isa." Aish! Kung hindi lang talaga para sa mga taong mahal ko, hinding-hindi ko to gagawin. Sobra pa sa sumpa ang makaholding-hands yung mahangin na Ghian na yun eh. Pero dahil wala na akong kawala ay tumango nalang ako sabay pilit na ngiti.

"Miss Jackie, pumunta na daw po kayo doon at uumpisahan nang kunan yung scene nyo ni Ghian." Sumunod na ako sa isang staff at nakita ko si Ghian na parang gusto akong saksakin gamit ang katawan Aaminin ko, kinakabahan ako at baka anong gawin niya sa akin. Kung nakakataba lang talaga ang titig malamang mas malaki pa ako kay Dambo ngayon.

"Okay, alam nyo na ang gagawin kaya pumwesto na kayo doon." Naglakad na si Ghian papuntang gitna habang yung mga fans ay nagtitilian sa sobrang kilig. Hinarap ko naman sina Lian at Jackie na nakatingin sa akin at nginitian sila sabay buntong-hininga.

"Ano ba? Ang bagal bagal mo naman. Hindi ikaw ang star dito kaya wag kang feeling special." Akala mo naman kung sino tong Ghian na to. Porke sikat sya pwede na niyang sabihin yun sakin? Ang sakit nyang magsalita. Kung hindi lang ako nagpapanggap na fan nila, kanina ko pa siya nilampaso sa damuhan, total mukha naman siyang kambing.

"Andyan na!" pasweet na sagot ko kay Ghian Yuck! Kahit ako gustong masuka sa mga kiniklos ko. Hindi lang kasi ako makapaniwalang makakasama kita. Dream come true talaga to para sakin." Sagot ko sa kanya na parang timang habang ngumingiti-ngiti pa. Lumapit na ako sa kanya pero ganun parin yung itsura nya, para siyang kakain ng unggoy na buhay.

"Hindi mo ako madadala sa arte mo. Alam kong may masama kang balak kaya tigilan mo yang ka O.Ahan mo." Seyoso! Manghuhula ba sya? Baka naman may lahi silang albularyo?

"Bakit naman ako magkakaroon ng masamang balak?" painosenteng tanong ko habang nakapout pa sa kanya.

"Wag ka nang magmaang-maangan. Marami ng gustong sumira sa The Dream Voice noon pa man pero hindi sila nagtagumpay at sisiguraduhin kong yung rin ang mangyayari sayo. Kung ano mang pinapalano mo ay wag mo nang ituloy dahil hindi kita hahayaang sirain kami." Kahit na binubulong niya lang yun sa tenga ko, pakiramdam ko ay parang kulog at kidlat yung narinig ko mula sa mga bibig nya. "At isa pa pala, tigilan mo na yang pagnguso mo at mukha ka nang nguso." agad ko namang inayos ang bibig ko ng sabihin niya yun.

"Grabe talaga ang imagination mo idol!" Yuck! Idol? Pahingi ngang tubig na may downy,zonrox at bonux at magmumumog lang ako. "Pero kahit anong gawin mo..." Ang hangin mo parin; yan sana ang gusto kong sabihin pero siyempre hindi pwede. "Mahal na mahal parin kita. Go Ghian! Galingan mo idol ha!" cheer ko sa kanya pero di man lang nagbago ang itsura niya.

"My eyes are on you." pananakot niya sa akin kaya medyo napaatras ako. "At diba sinabi ko nang wag ka nang ngumuso at mukha ka nang nguso?" Ha? Ano bang pinagsasabi nito? Di na nga ako nagpapout diba?

"Hindi na ako ngumunguso no." Sagot ko sa kanya.

"Ay oo nga pala, mukha ka na talagang nguso since birth." Grrrrrrr! Kung hindi lang talaga ako nagpapanggap kanina ko pa sana ipinasok ang gitara dyan sa bunganga mo.

"But seriously Jackie, I won't let you ruin us. Hindi ikaw ang magpapatumba sa amin!"pananakot niya sa akin.

"Ano ka ba naman Ghian? Hindi ko magagawa yun sa inyo dahil mahal na mahal ko ang banda niyo." Gusto ko na sanang sumuko pero hindi maari. Hindi na sya kumibo pero ganun parin yung tingin nya sa akin na para bang sinasabi na " humanda ka sa akin at pagpipira-pirasuhin kita."

Ang Dyosang FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon