Chapter Seven(Part Two)

35 3 1
                                    

Limang minuto! Limang minuto nang nagpapapicture yung dalawa lay Ghian. Bakit? Mamatay na ba siya bukas  kaya kung makapagpapicture sila halos wala ng bukas? Yung unggoy gustong-gusto naman yung atensyon na ibinibigay sa kanya. Fame-whore!

Yung unggoy todo pacute sa camera, eh mukha naman siyang gorilla. Hinalikan pa nung dalawa si Ghian at gustong-gusto naman nung isa ang sarap ilubog sa Pacific Ocean. Porke gwapos siya pwede na siyang magpahalik kahit sino? Kahit na sa pisngi sila humalik pangit parin yung tingnan.

"Makapaglandian kayo diyan parang wala ako dito ah." Tawag ko ng pansin nila.

Napatingin naman yung tatlo sa akin at nakita ko pang ngumiti ng nakakaloko yung unggoy na Ghian na yun sa akin. Psh! Chura niya!

Lumapit naman siya sa akin at biglang hinawakan ang pisngi ko. "Wag ka nang magselos babe. Kahit naman maraming babae ang magpapicture at humalik sa akin ay ikaw parin naman ang uuwian ko." Ewan ko pero bigla nalang akong nagalit sa sinabi niya

.

" Ay ano to? Two wives? Wala akong planong makipaghati ng asawa sa iba kahit na ako pa ang inuuwian niya ay may iba parin siyang nilalandi at ibig sabihin lang non ay hindi ako magandang asawa." Napatakip ako bigla sa bibig ko ng nakita kong nagpipigil siyang tawa dahil sa mga sinabi ko.

Napatakip ako bigla ng mukha dahil sa hiya. Nasapo ko ang noo ko ng mapagtanto ko na ang tanga ko. Ano ba yung mga pinagsasabi ko kanina? Wala naman akong pake kung sinong babae ang lalandiin niya eh. Hindi naman ako nagseselos eh. Hindi nga ba talaga? Aish! Oo naman no! Bakit ka magseselos dahil dyan sa Ghian na yan?

"Babe, nagiging OA ka naman yata. Alam kong mahal na mahal mo ako at ganun din naman ako sayo eh." Kinikilig ako nang...Wait! Copy Paste Backspace Delete Erase! From the top! Bwisit na bwisit ako sa sinabi ni Ghian pero kinilig din naman. Ay! Ano ba Jackie.

"Kayo na?" Di makapaniwala yung dalawang babae sa likod ko.

"Ha?" Nilingon ko silang dalawa at sasabihin ko na sana na nagkakamali sila pero biglang sumingit si Ghian.

"Hindi." Good! Honest din naman pala talaga tong si Ghian eh. Pero hoping pa naman ako na Oo ang isasagot niya. Psh! Jackie di to wattpad. This is real life.

Nakahinga naman ng malalim si Eunice ng sabihin ni Ghian na hindi. I think higit oa sa idol ang nararamdaman niya sa unggoy na to.

"Hindi kayo nagkakamali." I spoke to soon. Tiningnan ko ng masama si Ghian pero ngumingiti lang siya. Pagtingin ko sa dalawa ay nakita ko na galit si Eunice at bigla siyang nagwalk-out at mukhang umiiyak pa. Hahabulin ko na sana siya ng biglang umiyak ang kapatid ko.

"Ate! Ate!" Agad naman akong napakaripas ng takbo para tingnan kung anong nangyari sa kanya. Naramdaman ko namang sumunod sa akin sina Lian at Ghian.

"Angel Are you okay?" Niyugyog ko yung balikat niya at naramdaman kong mainit siya.

Hinawakan naman ni Ghian ang ulo niya at pinakiramdaman. "Inaapoy siya ng lagnat. Baka meron siyang dengue."

"Paano mo naman nasabi? Bakit? Doktor ka ba?" Pataray na tanong ko sa kanya. Mas lalo lang niya akong pinapakaba eh.

"Jackie di ito ang oras para magbangayan tayo. Akin na yang kapatid mo at dadalhin natin siya sa ospital at baka ano pang mangyari sa kanya." Binuhat niya kaagad si Angel at dinala sa kotse niya.

Hindi ako makapaniwala sa Ghian na nakikita ko ngayon. Akala ko puro lang siya angas at pacute pero may puso din naman pala siya. Siguro nga nagkamali ako ng pagkilala sa kanya.

"Jackie, samahan mo na sina Ghian at ako na ang bahala sa mga gamit niyo. Alagaan mo ng mabuti si Angel." Halos maiyak na si Lian habang sinasabi yun at ganun na din ako. Pareho naming mahala ng kapatid ko at hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawawala sa akin.

"Thank you Lian. Wag kang mag-alala at hindi ko pababayaan si Angel." Niyakap ko muna siya bago kumaripas ng takbo palabas ng bahay at nakita kong naghihintay na sa akin si Ghian sa loob ng kotse. Agad naman na akong pumasok.

"Seatbelt mo muna at bibilisan ko ang takbo." Kinuha niya yung seatbelt sa gilid ko kaya nagmukhang niyayakap niya ako at kung nasa labas ka siguro ng kotse ay iisipin mong may ginagawa kaming milagro sa loob.

"Ahm...wag nalang. Dalian nalang natin at baka mapaano pa si Angel." Pagpapalusot ko para makaiwas na sa awkward situation pero mas lumala pa ito ng bigla diyang humarap sa akin.

Mahihiya na siguro ang hanging dumaan sa pagitan namin sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Nakita ko namang napalunok siya ng mafapo ang tingin niya sa mga labi ko. Ano na namang iniisip nito? Hahalikan na naman ba niya ako? Uhm...mas masarap kaya sa second time? Hoy Jackie! Tumigil ks nga.

"Siguro kang di ka na magseseatbelt?" Tumango naman kaagad ako kaya humiwalay na siya sa akin.

"Here we go!" Bigla niyang pinaharurot ang sasakyan at halos maalog ang utak ko sa bilis ng pagpapatakbo nito. Magpapakamatay ba to?

"Ghian! Hinaan mo lang ang pagpapatakbo." Sigaw ko sa kanya habang kumakapt sa pwede kong kapitan.

"Sigurado ka?" Sigaw niya pabalik.

"Oo!" Sagot ko naman.

Halos maunahan naman kami ng pagong ng bigla niyang hininaan ang pagpapatakbo sa kotse. As in sobrang hina ng takbo. Ano to? Nakikipagkarerahan ba kami sa linta?

"Ghian! Ano ba? Umayos ka nga." Sigaw ko sa kanya at hinampas ang balikat niya. Iiwas pa sana siya pero natamaan ko na siya.

"Oh? Ano na namang problema? Diba sabi mo hinaan ko? Ayan! Hininaan ko na." Pamimilosopo niya sa akin. May tuktuk din sa utak tong artistang to eh.

"Sabi ko hinaan mo pero di ko sinabing itransform mo sa linta tong kotse mo." Pabalang na sagot ko sa kanya.

"Sorry! Di mo naman kasi nililinaw eh." Bigla naman akong natawa sa reaksyon niya. Di ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang saya at feeling ko ang cute-cute niya.

"Teka lang Jackie, nagbablush ka ba? Ayiee! Dahil sakin no? Aminin mo na kasing crish mo ako at aaminin ko ding nagagandahan ako sayo." Mas lalo pang nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi ni. Ano bang nangyayari sa akin?

"Wag ka ngang feeling?" Gusto ko sanang magtaray pero pang pacute pa yung labas ng boses ko eh. Di ko mapigilan.

Tumawa naman siya at biglang tumango-tango. "Benta na kaya kita? Mukha ka nang kamatis sa sobrang pula oh." Halos mapatalon ako sa upuan ko ng igla niyang hinawakan ang pisngi ko at kinurot. "Hmm...ang cute mo." Nanggigigil niyang sabi.

Di ko alam kung anong isasagot ko. Parang di ako ang nagkokontrol sa katawan ko. Feeling ko parang nasa alapaap ako. Abnormak na yata ako eh.

Umiling-iling naman si Ghian at pinaandar ang kotse ng maayos pero sa simpleng ganun niya lang ay feeling ko nasa langit ako at may background music ng Everything Has Change ni Taylor Swift.

Gosh! Am I inlove with Ghian Angelo

cut♦

Unedited story part. Sorry!


Ang Dyosang FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon