"So it's you. We meet again. ang liit mo talaga, I mean ang liit talaga ng mundo." I am dead! Capital D-E-A-D. Dead! In tagalog, PATAY!
Wala na talaga akong pag-asang mabuhay pa sa dami ng gustong pumatay sa akin.
"Totoo palang magkakilala kayo? So, I guess madali nalang nating magagawa yung mga scenes." Napakunot na naman ang noo niya habang nakatingin sa akin pero hindi ko pinahalatang natatakot ako at baka sabihin niya pang duwag ako. Nandito nalang rin naman ako mas mabuti pang ipagpatuloy ko nalang tong kasinungalingang to para sa kapatid ko.
"Ha? Magkakilala?" Lagot! Mabubuko na talaga ako na hindi naman talaga ako fan at baka malaman pa nilang may nagpadala sa akin dito para sirain ang The Dream Voice. Kumalma lang ako at hindi pinahalatang kinakabahan na ako.
"Bakit? Hindi ba? Sabi niya sa akin ay fan daw siya ng The Dream Voice at magkakilala daw kayo." Hindi kaya ako ang may sabi non, psh! Nararamdaman ko nang nagdududa na sa akin yung direktor at pati narin si Ghian kasi ang sama ng tingin niya sa akin.Napakagat nalang ako sa labi ko at naghihintay ng funeraria na magsusundo sa akin dito pero laking gulat ko nang nagsmile siya at hinila ako bigla at inakbayan.
"Oo, magkakilala nga kami. Sa katunayan nga direk eh siya ang first ko." Bigla naman akong napatingin sa kanya ng nakakunot ang noo. Anong first ang pinagsasabi nito?
"First? Ikaw Ghian may pafirst-first ka na ha." May gana pa talagang manukso yang panot na direktor na yan ha. Napakauto-uto nya talaga at napakagreen-minded pa.
"Hindi yung first na iniisip mo yung tinutukoy ko direk. Ang dumi ng utak niyo parang munggo, maliit na nga kulay berde pa." Napatawa ako ng mahina sa sinabi ni Ghian. Kahit papaano din pala ay may sense of humor tong lalaking anak ni Shrek na to. "First na nakabungguan ko ang ibig kong sabihin. " Tama nga naman yun. Ako naman talaga ang nakabungguan niya pero di ko alam na ako pala yung una niyang nakabungguan. "Kaya nga kami naging close nito kasi magkasundong-magkasundo kaming dalawa sa lahat ng bagay." Ano bang pinagsasabi niya? Eh,first time pa nga lang naming magkita kahapon and just for the record, hindi kami magkasundo. Tiningnan ko naman siya ng nakakunot ang noo habang naka-akbay siya sa akin pero nakasmile lang sya dun sa direktor at hindi ako pinansin.
"Mabuti naman kong ganon. Ibig sabihin ay hindi na kayo maiilang sa isa't-isa at madali narin syang magbablush kasi siguradong kikiligin talaga siya pag nakita ka nya kagaya ng sa ibang mga fans. Siguradong magiging maganda ang chemistry ninyo sa t.v at baka makalimutan na nila ang tungkol sa hiwalayan ninyo ni Annika." So, ibig sabihin ay mahihirapan talaga ako kasi hindi naman talaga nila ako fan at wala naman akong alam sa pag-arte. At anong blush? Paano ako magbablush kong yang masungit na yan ang kaharap ko? Siguro mamumula sa galit, pwede pa. May chemistry pa siyang nalalaman, siguradong dudugo ang ilong ko dyan kung chemistry na ang pinag-uusapan. Kainis na buhay to oh!
"Sige direk, ipapakilala ko muna siya sa ibang members ha." Di pa man nakapagsalita si direk ay hinila na niya ako papunta dun sa likod ng tent kung saan walang tao . Akala ko ba ipapakilala niya ako sa ibang members. Hala! Baka naman may gagawin siyang masama sa akin para makapaghigante.
"Tell me, anong kailangan mo sa banda namin?" Bigla siyang tumigil sa paglalakad pero hindi niya parin ako binibitawan. Nanlilisik yung mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"Ha?" Bigla akong nawalan ng salitang isasagot sa kanya sa sobrang takot. Ngayon lang ako nakakita ng taong ganito kagalit at mas nakakatakot pa yung itsura niya kumpara dun sa mga goons kahapon.
"Paano ka namin magiging fan e kahapon lang galit na galit ka sa akin at hindi mo pa nga ako kilala." Palakpakan! Nakamemo plus gold ang loko.
"Ha? Yun ba? Hahahahahahah!" Para akong timang na tawa ng tawa. "Ayoko lang kasing isipin mo na .... na ano.... na obsess na obsess ako sayo kaya nagpanggap ako na hindi kita kilala kahit yung totoo ay parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kilig nung makita kita." Sabay pilit na ngiti ko pa. Sana makalusot ako at paniwalaan niya yung mga pinagsasabi ko. Pero ako nga ayaw paniwalaan ang sarili ko eh siya pa kaya.
"I don't know what you're up to, but I'll make sure that I'll keep my eyes on you." Nosebleed ako! Pengeng tissue! Joke lang, pero nanganganib talaga ako at baka hindi ko pa magawa yung pinapagawa sa akin nung pinagkakautangan ni tatay dahil sa Ghian na to. Nung nagpasabog ang mga anghel ng kabaitan ay wala siya dahil busy siya sa kasasalo ng katalinuhan kaya siguro alam niya ang ibig sabihin ng mga kinikilos ko.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala pero idol na idol parin kita." Ginagaya ko lang yung ibang mga fangirl, pero hindi totoo tong ipinapakita ko sa kanya ngayon. Asa naman siya!
"Binabalaan kita!" Binitiwan niya na ako at bumalik na sa loob ng tent. Psh! Kanina pa sana natamaan sakin yung isang yun eh.
♣♣♣♣♣♣♣♣♣
"Guys, ito si Jackie. Siya ang magiging kapartner ni Ghian para sa music video. Jackie, siya si Nathan, Kenneth,Jacob at Ice at sila ang iba pang members ng The Dream Voice." Pagpapakilala sa akin nung make-up artist na nag-ayos sa akin kanina lang nung pumasok ako sa tent pagkatapos nung pagbabanta sakin ni Ghian. Sa totoo lang, natatakot ako kay Ghian pero wala ng urungan to. Go lang ng go!
"Hi Jackie. I'm Kenneth at ako ang pinakagwapo at pinakahot na miyembro ng TDV. Alam mo kung ayaw mong kapartner si Ghian nandito lang ako." Sabay kindat pa niya ng mata niya sa akin. Psh! Ano ba naman tong crush ni Lian napakachickboy at mambobola pa. Dukutin ko yung mata niya dyan eh.
"Hay naku Jackie! Wag kang magpapaniwala dyan kay Kenneth. Chickboy yan kaya mag-ingat ka dyan." Buti pa tong isang to mabait at ang cute pang magsmile.
"Oo nga, wag kang nakikinig sa isang yan."Dag-dag pa nung isa. Wait! O-M-golly golly baby anak ni Krissy si Bimby! Siya si Nathan na crush ko. Feeling ko tuliy namula ako. "Balita ko fan ka daw ng The Dream Voice?" Patay! Baka tanungin nila ako ng kung ano-ano tungkol sa kanila pag sinabi kung Oo. Pero ang gwapo pala ni Nathan sa personal, mas gwapo siya ngayon kumpara sa mga posters at sa t.v at mukha pang mabait.
"Ah! Oo, fan niyo ako at gustong-gusto ko talaga ang banda niyo. May mga album niyo nga ako sa bahay eh!" Kung si Pinochio lang ako kanina pa humaba tong ilong ko. Psh! Ni photo album ng wala ako album pa kaya nila.
"Wow, thank you, it's an honor to be one of your idols." Pwede na ba akong matunaw ngayon? Ang gwapo talaga ni Nathan lalo na nung nagsmile sya sa akin. It's also an honor to be your wife. Joke lang! Hindi landi ang pinunta mo dito Jackie kaya umayos ka. Mamaya masira pa yang plano mo eh.
"Ako din, it's a big honor to be yours. So, can I call you mine?" Bigla naman akong nilapitan ni Kenneth at natawa lang ako sa ginawa niya. Ibang-iba sila kay Ghian na may PMS. Sana isa nalang sa kanila ang makakapareha ko para medyo wag na akong mailang. Nakakaawkward naman kasi at nakakatakot yung mukha ni Ghian eh.
"Before I forget, ano nga pala ang pinakafavorite mong kanta namin at paano ka naging fan ng TDV?"Patay! Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Wala akong alam kahit ni isang kanta nila.
"Uhm... Da..dahil sa mga bestfriends ko na idol na idol rin kayo. Nang makita ko yung poster niyo sa kwarto niya ay agad akong nagwapuhan sa inyo at tinanong kaagad kung anong pangalan ng banda niyo." Okay, what I said a while ago is half true. Nakita ko namang tumango-tango lang sila at mukhang excited na malaman kung anong favorite song ko sa mga kanta nila."At lahat naman ng kanta niyo favorite ko hil parepareho lang naman silang magagandang pakinggan. Ang gaganda nga ng boses niyo eh." Ang talino ko talaga kahit kailan. May napakinggan naman akong kanta nila pero narinig ko lang yun nang kinanta ni Eunice habang nakikinig ng kanta sa earphones niya. Pinatigil ko nga agad dahil ang sakit sa tenga ng boses niya. Nakita ko namang nagningning ang mga mata ni Kenneth at ni Nathan ng sabihin ko yun.
"Psh, another obsess fan." Nang sabihin yung nung... Ano ngang pangalan nun? Basta nang sabihin niya yun ay bigla nalang siyang nagwalk-out. Ang sungit niya ah! Hindi naman kita idol no! Regla boy!
" Pagpasensyahan mo na si Jacob, sadyang ganun lang talaga yun." Sabi nung Ice. Ano bang klaseng boyband to? May mahangin, may masungit, may chickboy, may cute na mabait at gwapong mukhang anghel. Ano sila? Halo-Halo? Mabuti sana kung masarap silang tikman. Hoy! Yung mga green minded dyan! Please be open minded kahit ngayon lang.
"Okay! Guys! Five minutes and we're ready to take." Sigaw nung direktor kaya lumabas na kami at inexplain sa akin nang isang staff ang dapat kung gawin. Gusto ko na sanang magback-out pero hindi na talaga pwede. Kung ayaw kong mapahamak ang mga taong malalapit sa akin ay titiisin ko kahit ano, madisband lang ang The Dream Voice. I have to this even if I don't want to.

BINABASA MO ANG
Ang Dyosang Fangirl
Teen FictionLife is full of unexpected things. You may love an unreachable person And, he may love you back. But, can you accept the challenges that are coming your way? madeforWOO