"Jackie? Bakit nandito ka pa?" Gulat na gulat si Lian ng makita ako habang papasok siya ng pintuan ng bahay namin.
"Eh bakit kayo nandito kung akala niyo pala wala ako dito? At isa pa bahay ko to kaya malaya akong pumalagi dito." Mataray na sagot ko sa kanila.
"Wag mo nga kaming padaanan ng mga taray lines mo Jackie. Malelate ka na sa shooting niyo ng MV. Akala ko ba plano mong pabagsakin sina honeybunch, i mean yung TDV?" Halatang fangirl eh. Di pa pala nila alam na hindi ko na itutuloy yung plano ko.
"Alam niyo, napag-isipan ko kasi na kung ako pa ang magpapabagsak sa The Dream Voice ay masyadong nakakapagod at masasayang pa ang oras ko kaya maghahire nalang ako ng serial killer." Nginitian ko sila na parang ang ganda ganda ng plano ko at wala akong gagawing karumal-dumal. Pero joke ko lang yun, syempre. Hindi naman ako mamamatay tao pero hindi na talaga ako magpapakita sa kanila
"Ano? Maghahire ka nang serial killer para patayin ka? Jackie, alam kong mahirap ang ipinapagawa sayo pero wag kang susuko. Nandito pa naman kami ni Eunice para tumulong sayo. Okey lang sa amin na madisband ang The Dream Voice basta wag ka lang magpakamatay." Ano bang pinagsasabi ng isang to? Ang O.A niya ah! Bakit naman ako magbabayad para lang mamatay ako?
"Anong magpapakamatay? Ano ako tange!? Hindi ako maghahire ng serial killer para ipapatay ang sarili ko no. Gagastos pa ako, e pwede namang magsuicide nalang ako.Maghahire ako ng serial killer para patayin na niya ang Ghian na yun." Sabay tayo ko sa sofa.
Nakakakulo talaga ng dugo ang isang yun pati na yung ex niyang Annika na yun. Ang lakas ng loob niyang matsahan ang mukha ko. Baliw lang yata ang kayang gumawa non eh.
"Hay buti nalang at.... Teka lang! Anong sabi mo? Papatayin mo si Ghian? Papatayin mo ang taong pinakamamahal ko? Hindi ako papayag! Dadaan ka muna sa ilalim ng aking bangkay!" Si Eunice naman ang naging O.A ngayon. Feel na feel niya pa habang sinasabi niya yun.
"Ano bang nagustuhan mo sa Ghian na yun? Mahangin siya at saka hindi marunong rumespeto sa babae." Ginagawa ko na lahat para lang maturn-off siya. Kung gusto niya parin si Ghian pagkatapos ng mga sinabi ko ikaclassify ko na siya bilang isang bato. Sobrang manhid kasi!
"Mahal ko siya!" Mahal? Ni hindi pa nga niya kilala yun ng lubusan eh. Kailan ba siya matuturn-off? Aanhin mo naman yung mukha kung yung ugali ang sarap idura.
"Mahal? Agad-agad? Mahal mo nga siya pero mas mahal ang tuition kaya mag-aral ka muna." Sermon ko sa kanya. Ako nga naghihirap para makapag-aral kami ng kapatid ko eh.
"Siya ang inspirasyon ko sa pag-aaral. Pwede namang pagsabayin yun ah. Yan ang secret naming mga fangirls. Make your idol your inspiration and not a distraction to set foot on the right direction." Masigla niyang sabi.
"Si Ghian pala ang inspirasyon mo?" Tinanong ko si Eunice habang tinitingnan sa mata at nakita kung tumango naman siya. "Kaya naman pala bumagsak ka sa Math." Sabi ko na maya halong pang-iinis pero alam naman ni Eunice na joke ko lang yun.
"Eighty kaya ang grade ko sa Math kaya di yun bagsak at hindi lang naman ako ang nahihirapan sa Math eh. I bet, ninety percent ng mga estudyante ay ayaw isolve ang problema ng Math." Masyado naman ata siyang defensive. Fangirls.
"I've got ninety-nine problems and Math is on number one." Biro niya habang ginagaya ang rap ni Iggy sa Problem ni Ariana Grande pero pinalitan niya yung ibang words.
"Madali lang naman yung Math eh. Dapat kasi dyan marunong kang umintindi at dapat patient ka. Parang pag-ibig lang yan eh, sa sobrang kamamadali nung iba imbis na lumaki yung utak yung mga tiyan pa nila ang lumaki." Explain ko sa kanya.
"So ano? Pinalalabas mo na malandi ako?" Seryoso si Eunice ng itanong niya yun sa akin. Di naman kasi yun ang ibig kong sabihin eh.
"Tama na nga yang away niyo. Back to the topic na tayo." Awat sa amin ni Lian. "Jackie, seryoso ka ba sa mga sinasabi mo about sa mga serial killer kanina?" Mukhang nag-aalala na yung mukha niya.
BINABASA MO ANG
Ang Dyosang Fangirl
Teen FictionLife is full of unexpected things. You may love an unreachable person And, he may love you back. But, can you accept the challenges that are coming your way? madeforWOO