"Jackie, are you okay?" Tanong kaagad sa akin ni direk ng makabalik ako sa set. Tumango nalang ako bilang sagot.
"Direk, bukas nalang natin ituloy yung shooting at masakit yung ulo ko." Napatingin naman kaming lahat ng bigla nalang sumulpot si Ghian. Masakit? Bakit naman?
Kanina lang nakita ko siyang grabe makatingin sa amin at parang kakainin ako eh! Tapos ngayon masakit na ang ulo niya. Ang bilis naman ni mr.karma. Nice going dude!
"Are you okay Ghian? Gusto mo bang dalhin ka namin sa ospital?" O.A lang? Ospital kaagad? Eh sponge bath lang ang katapat niyan at tulog eh.
"Okay ka lang tol?" Tanong ni Ice. Sa lahat sa kanila, si Nathan lang yata at si Ice yung mga sweet at mabait eh.
"Kulang ka lang sa chicks tol. Halika sa bar at marami doon." Wala eh! Chickboy talaga tong si Kenneth eh. Haist!
"Aray! " hahahaa! Buti nga at binatukan siya ni Nathan.
"Anong chicks ang pinagsasabi mo dyan? Mabuti pa ay pagpahingahin nalang muna natin si Ghian at kunan na natin ang mga individual scenes natin para pag magaling na si Ghian ay kunti nalang ang isushoot natin. Malapit nang irelease ang album natin kaya dapat ay magdouble-time tayo." Parang C.E.O si Nathan nang sabihin niya yun. Astig!
"Sige mga tol at sayo rin direk uuwi na muna ako at magpapahinga para gumaling na agad ako. Pasensya na kayo at mapapabagal ang shooting natin dahil sa akin." Bastos na to! Hindi man lang nagpaalam sa akin? Kinuha mo lang naman kaya ang first kiss ko! Sabagay, ano ba namang pake nya sa akin? Pero, infairness mabait rin siya kahit paminsan-minsan lang. Kaso nga lang hindi sakin.
"Wag mo nang alalahanin yun Ghian at ang mahalaga ay makapagpahinga ka at gumaling." Sagot naman ni Direk.
"Sige, mauuna na ako. Bye Jackie!"
Bye Jackie!
Bye Jackie!
Bye Jackie!
Bye Jackie!
Nagbabye ba talaga siya sa akin? Ako lang naman ang Jackie dito diba? Alangan namang Jackie ang pangalan nang isa sa mga nandito ngayon eh puro naman sila lalaki.
"Ha? Ano?" Wag ka ngang magtimang-timangan dyan Jackie. Ano bang nagyayari sayo? Tandaan mo! Mahangin siyang tao kaya di ka dapat magkagusto sa kanya. Maliwanag?
"Bingi ka ba? Sabi ko bye! Sige mauna na ako." Di ko na namalayang umalis na pala siya. Psh! Okey na sana na nagbabye sya pero bakit may bingi ka ba pang kasama? Psh! Ano bang aasahan ko sa kanya?
"Jackie, pwede ka na munang umalis at bukas ka nalang bumalik dahil hindi rin naman natin masushoot yung next scene nyung tatlo ni Nathan kung wala dito si Ghian. Ipapahatid na lang kita." baling sa akin ni Direk.
"Ah, hindi na po. Okay na po ako kahit hindi nyo ako ipahatid. Babalik nalang po ako bukas." pagtanggi ko naman. Nakakhiya kaya!
"Sure ka ha? O, eto yung number ko.Itext mo ako para mainform kita about sa time ng shoot bukas, okey?" Tumango nalang ako at kinuha yung card. Makikitext nalang ako kay Eunice o kay Lian.
"Are you sure that you're okay Jackie? Ihahatid nalang kita." Pag-ooffer sa akin ni Nathan.
"Hindi na, okay na ako. Magshoot nalang kayo dun para mas mabilis nyung matapos yung music video niyo." Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita at umalis na agad. Naglakad nalang ako pauwi at dumaan ako sa likod kung saan walang makakakitang fans sa akin. Mamaya niyan ay magsitanungan sila sa akin tungkol sa The Dream Voice. Alam niyo naman ang mga fangirls diba?
BINABASA MO ANG
Ang Dyosang Fangirl
Roman pour AdolescentsLife is full of unexpected things. You may love an unreachable person And, he may love you back. But, can you accept the challenges that are coming your way? madeforWOO