Chapter THREE

51 8 1
                                    

     "The Dream Voice! Go! Go! Go!"

"Ang gwapo ni Ghian!"sigaw nung isang babaeng mukhang clown sa kakapalan ng make-up.

"Mas gwapo naman si Nathan."hirit pa nung isa. "Go Nathan!"

"Mas gwapo si Ice at Jacob!" Ayaw patalo yung isa pang babae at nilakasan ang boses na parang anytime soon ay lalabas na yung lungs niya sa bunganga niya.

"Wala ng mas gagwapo pa kay Kenneth no!" Ay? Te? Ayaw paawat? Parang may mapapala naman kayo kapag ginawa niyo yan. Bakit? Kapag ba kayo ang may pinakamalakas na boses ay pakakasalan na kayo ng mga yan? Hindi naman diba?

"The Dream Boys!!!" Halos malunok na nila yung mga katabi nila sa sobrang laki ng mga bunganga nila dahil sa kakasigaw.Ang iingay ng mga fans na to. Hindi pa nga lumalabas ang The Dream Voice eh! Nandito kasi kami sa shooting ng Music video nila at sisimulan ko na ang plano ko.

"Ano ba talagang plano mo Jackie?" Bulong na tanong sa akin ni Lian.

"Pag nag-umpisa na silang mag-shoot, gagawa ako ng eskandalo at sasabihin kong nirape ako ni Ghian." Wahahahaha! Ang galing ko talaga! Ang ganda nung plano ko. For sure, masisira ang image nya at madadamay ang The Dream Voice at mawawala na ang mga fans nila at magdidisband nalang sila at... "Aray!" Napasigaw naman ako bigla ng batukan ako ni Lian at Eunice. Napatingin sa amin saglit ang mga fans pero bumalik rin naman agad sa pagcheer sa mga idols nila. Yung iba inirapan pa ako. Psh, for sure katerno ng grades nila ang red lipstick nila.

"Walang maniniwala sayo. Akala ko ba matalino ka?" Ginamit ko naman ang utak ko ah! Magdamag ko ngang pinag-isipan yung plano ko eh. And, for the record hindi ako malino dahil genius ako.

"Hay naku! Hindi mo masisira ang The Dream Voice kapag ganyan ka mag-isip. Ano ka? Nakikiuso sa mga babaeng nag-aakusa na nirape sila ng isang artista? Magmumukha ka lang tanga at nakakatawa. Kung gagawin mo yan, hindi ka na kailangan pang patayin ng mga pinagkakautangan ng tatay mo kasi mamamatay ka na sa kahihiyan." Pagkatapos akong sermonan ni Lian ay inirapan ko lang siya. Psh! Sige na nga mag-iisip nalang ako. Maganda naman yung plano ko pero kontrabida lang talaga tong si Lian at Eunice. What are friends for?

"Ay! May isishare nga pala ako sa inyo." Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon ng magkabungguan kami ni Ghian hambog. Baka pag-sinabi ko yung sinabi at kung gaano kahangin ang idol nila ay magbago ang isip nila at ititigil na nila ang pagiging fan ng The Dream Voice. Dapat lang na magalit sila sa Ghian na yun dahil sa mga pinagsasabi niya sa akin kahapon at ako ang bestfriend nila kaya dapat kampihan nila ako.

"Ano yun?" Sabay na sabi sa akin nung dalawa.

"Okay, Quiet on the set! Mag-uumpisa na tayong magtake!" Nagsitahimikan naman lahat ng mga fans ng isigaw yun ng direktor.Kaya ibinulong ko nalang ang sasabihin ko. Hindi naman yun pinansin nina Lian at Eunice hil mukhang mas interesado sila sa sasabihin ko pero nakikita ko namang yung mga mata nila ay nasa harapan pero nakadikit na sa mukha ko ang mga tenga nila.

"Nakabungguan ko kahapon si Ghian pagkata...."hindi pa man ako nakakatapos sa sasabihin ko ay sumabat na agad ang dalawa.

"ANO??????" Nabulabog lahat ng tao sa set pati na yung mga fans ng sumigaw sina Lian at Eunice. Paano ba naman kasi no, ang tahimik tapos bigla silang mag-iingay?

"Anong ingay yan?" Lagot! Mukhang nagalit yung direktor at papunta siya sa direksyon namin ngayon."Sino yung nag-iingay na yun?" Tanong sa amin ng direktor na mukhang kontrabida at nakataas pa ang kilay.

"Siya po direk!" Nabigla naman ako ng ako ang ituro nung dalawa. Sila nga tong nag-ingay tapos ako yung ituturo nila.Sasagot na sana ako ng senyasan ako ni Lian na wag nalang akong sumabat at makisakay nalang sa pinapkano nila.

Ang Dyosang FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon