Chapter TWO

58 8 2
                                    

"ANO? Jackie, nahihibang ka na ba? Hindi ka namin hahayaang sirain ang pinakamamahal naming The Dream Voice. Tutulungan ka nalang naming maghanap ng pera para ipambayad sa pinagkakautangan ng tatay mo." Halos pumutok na sa kakasigaw si Lian sa akin. Sinabi ko kasi sa kanila yung nangyari kanina at kung ano ang dapat kung gawin sa pinakainiidolo nilang The Dream Voice. Ineexpect ko namang yun ang magiging reaksyon nila ni Eunice eh. Sina Lian at Eunice ang mga bestfriends ko, medyo may kaya sila sa buhay pero hindi sila mayaman pero kung ikukumpara sa akin ay malayong malayo ang kayamanan nila kasi mas mayaman pa sa akin ang langgam namin sa bahay. Pati nga siguro daga sa probinsiya pagtatawanan pa ako kasi siya may pagkain kami may pagkain nga panis na kanin naman. Bakit kasi kung sino pa yung mga nagsisikap ng sobra sa buhay at gumagamit ng pera sa malinis at matinong paraan ay yun pa yung mga hindi pinalad na maging mayaman.

"Lian, hindi ganun kadali yun. Lian, ayaw kong mapahamak ang kapatid ko at baka pati kayo mapahamak pag hindi ko to ginawa." Halos maiyak na ako habang naiisip ko ang kapatid kong si Angela at kung anong pwedeng mangyari sa mga bestfriends ko pag nagkataon.

"Baka naman pwede nating kausapin yung pinagkakautangan ng tatay mo at sabihing huhulog-hulugan nalang natin yun hanggang sa makumpleto yung isandaang libo." Matatarantang suggest sa akin ni Lian. Halata namang ayaw nilang madisband yung The Dream Voice na yun. Naramdaman ko namang may mainit na likido sa gilid ng mata ko kaya yumuko nalang ako at pinigilan ang mga luha ko. Ayokong maging mahina sa ganitong mga pagkakataon hindi dahil gusto kong ipakita na malakas ako kundi para ipaalam na kaya kong gawin to para sa mga minamahal ko.

"Mas mahal niyo pa yata yang boyband na yan kesa sa akin eh. O sige, kung ayaw niyo akong tulungan ako nalang ang gagawa mag-isa. Akala ko pa naman mga kaibigan ko kayo." Tumalikod nalang ako at nag-umpisang maglakad. Aalis na sana ako ng pigilan ako ni Eunice.

"Jackie, teka lang!" Hindi ko siya nilingon pero tumigil ako sa paglalakad para pakinggan yung sasabihin niya. Syempre, ayokong masira ang napakaganda kong pag-eemote no.

"O sige, tutulungan kita. Malay natin pag nadisband sila e mapansin na ako ni Ghian at matutupad narin ang pangarap kong makasama siya habang buhay." Nabuhayan naman ako ng loob ng sabihin yun bigla ni Eunice. Kahit halatang napipilitan lang siyang gawin yun para sa akin ay masaya akong malaman na nakahanap ako ng totoong kaibigan sa mga oras na nasa ganito akong sitwasyon.

"Talaga? Thank you talaga Eunice. You're a real friend." Nilingon ko sya sabay hug ko sa kanya. Grabe! di talaga ako nagsising pinagkatiwalaan ko siya bilang kaibigan at ginawa ko siyang parte ng buhay ko ng walang pag-aalinlangan. You will really see your real friends when you are expeeiencing hardship because they will be there with you no matter what.

"Pinaparinggan mo ba ako? Hindi lang naman ang The Dream Voice ang iniisip namin dito kundi pati ikaw. Alam mo ba kung gaano kadami ang mga fans nila kasama kami? Pumili ka nalang ng papatay sayo. Yung mga adik na yun o yung TDV fansclub." Seryosong sabi sa akin ni Lian. Alam ko naman yun pero mas pipiliin ko pang patayin ako ng TDV fansclub kaysa sa patayin ng mga adik na yun ang kapatid ko. I love them so much I can sacrifice myself for their safety.

"Lian, naguguluhan na ako. Pero kailangan ko tong gawin. Please!" Pagmamakaawa ko sa kaniya. Lumuhod pa ako sa harapan niya para maawa na talaga siya sa akin. Kahit magmukha pa akong tanga dito gagawin ko para lang tigilan na ako ng mga goons na yun.

"O sige na nga!" Nanlaki naman ang mata ko ng sabihin niya yun at napatalon ako sa tuwa ng marealize kung pumayag na siya kahit alam ko namang napilitan lang siya. Sabi na nga ba at di niya parin ako matitiis kahit sinabi niyang papatayin niya ang kung sino man ang mananakit sa TDV."Pero ang usapan ay usapan! Ididisband lang natin sila at hindi kasama doon ang pagpatay. Magpapakasal pa kami ni Kenneth kaya di mo sya pwedeng patayin." Patayin? Di kasama sa pangarap ko ang pumatay ng isang tao, lamok lang ang napatay ko sa tanang buhay ko. Takot ako sa ipis kaya imbis na ako ang pumatay kapag nakakakita ako ng ipis ay ako ang hinihimatay kapag nakakakita ako ng ipis.

Ang Dyosang FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon