KABANATA XIII

900 109 5
                                    

Hailey's P.O.V.

Habang kumakain sina Luna ay naisipan ni Jay na umuwi saglit upang kumuha ng pagkain para sa akin. Kaagad naman siyang nagpaalam at isinama niya si Anna sa kaniyang pag-alis.

"Dito na muna kayo para na rin makapag-usap kayong magkakaibigan," masayang sabi ni Jay.

"Mag-iingat kayo," sabi ko sa kaniya at saka sila umalis ni Anna.

"Alam niyo bang mayroong propesiya sa mundong ito," biglang sabi ni Lesley na ipinagtaka ko.

Lahat naman kami ay nagulat sa mga sinabi ni Lesley. Anong propesiya ang kaniyang tinutukoy at ano namang nilalaman nito.

"Sa tingin ko ay hindi naman mahalaga ang propesiya na 'yan," pagsingit ni Luna.

"Kahit pa tungkol ito kay Hailey?" sabi ni Lesley na ikinagulat naming tatlo.

"T-tungkol sa akin?" nagtataka kong tanong.

"Lesley, ano bang sinasabi mo?" pagsingit ni Luna.

"Hailey, sumama ka sa akin may kailangan kang makita at malaman," sabi ni Lesley.

Kaagad akong hinila ni Lesley at sumunod naman ako sa kaniya. Wala namang ibang nagawa sina Luna kundi ang sumunod na lang din sa amin.

Nagulat ako ng dalhin ako ni Lesley sa tapat ng isang pader at hindi ako maaaring magkamali, ito ang lugar kung saan ako dinala nina Stacey. Naramdaman ko naman ang pagkirot ng aking mga sugat sa aking palad ng magbukas ang pader.

Kaagad kaming bumaba ro'n at sumunod naman sina Luna. Kahit pa ayaw nilang pumasok sa loob nito ay hindi nila ako kayang pabayaan. Nang makababa kami ay kaagad na humarap sa akin si Lesley.

"Bakit tayo narito?" pagtatanong ko.

Ngumiti naman siya sa akin at bigla niyang kinalmot ang aking braso at ipinatak ang aking dugo sa isang tubo na may lumalabas na tubig. At kaagad itong nagbago ng kulay at naging pula.

Bigla namang nanlambot ang aking mga tuhod at nagtaob ako mabuti na lamang ay nasalo ako ni Luna at Peter.

"Lesley, ano bang ginagawa mo?" pagtatanong ni Luna.

"Ipapakita ko sa inyo ang tunay na propesiya at kung bakit kailangan ni Hailey mag-ingat," pagsagot ni Lesley.

"Ang dugo niya ay kailangan upang mapagana ang lagusang ito at malaman ang mga mangyayari sa hinaharap," paliwanag niya.

"Matulog ka ng mahimbing Hailey at alamin mo ang tunay mong kapalaran," sabi ni Lesley.

Unti-unti naman akong nahilo at tuluyan akong nawalan ng malay. Nang magising ako ay hindi ko alam kung ano ang aking gagawin dahil ang huli kong naaalala ay kasama ko sina Lesley sa ilalim ng paaralan.

Nagulat naman ako ng may mga batang tumatakbo papunta sa akin ngunit tumagos lamang sila sa akin. Binalot naman ako ng takot at inisip ko na patay na 'ko. Ngunit narinig ko ang usapan ng mga tumatakbo na ang seremonya ng propesiya ay magaganap na.

Nagulat naman ako ng magawa kong lumutaw sa hangin at kaagad akonh dumiretso sa ingay na aking naririnig. At nang makalapit ako sa mga iyon ay nakita ko sa unahan ang mga bampirang pamilyar ang mukha sa akin.

Si Jay at Luke at ako ay nasa unahin din. Pinagmasdan kong maigi ang mga nasa unahan at hindi ako maaaring magkamali. Ako ang babaeng iyon at si Jay ang lalaking nasa unahan at tumatanggap ng mga papuri.

Hindi ko maintindihan kung anong isinisigaw ng mga nilalang sa paligid ngunit lumapit si Jay sa aking katawan at bigla itong sinugatan sa hita gamit ang isang kutsilyo. At tumulo ang dugo nito pababa sa kahon na nasa ibaba ng aking katawan. Bawat paghiwa na kaniyang ginagawa ay tila ba narardaman ko ang mga ito.

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon