Open Letter #2

8 0 0
                                    

"You and I will always be unfinished business. "



Her POV

Nakilala ko siya sa isang ordinaryong dahilan.

Yung ordinaryong pagtatagpo lang talaga.  Wala namang gaanong espesyal.

Ni wala ngang "spark" na sinasabi ng karamihan?

Paano nga ba ang spark na yan?  Basta ang alam ko lang, nung araw na iyon, wala namang espesyal akong naramdaman.

Ordinaryong tao.  Mga ordinaryong tao lang kami.  Simpleng magkakilala.  Ni hindi magkaibigan. 

Pero siguro ganun talaga doon talaga yun nagsisimula. 

Mula sa pagiging magkakilala, pagiging magkaibigan hanggang sa pagkaka--ibigan.

Mabait siyang tao.  Oo,  yun ang una kong napansin sakanya. 

Kahit na minsan masakit magsalita dahil masyadong direkta ang bawat linyang binibitawan niya.

Minsan magbibitaw ng biro na nakakatawa pero minsan nakakainis na. 

Dun kami nagsimula.  Yung tipong naiirita ka na pag nakikita mo siya kasi pakiramdam mo magkakaroon na naman kayo ng walang humpay na pag aasarang dalawa.

Pero habang lumilipas ang panahon, nakakasanayan mo na.  Masyado na kayong kampante sa isa't isa.  Natutunan mo na ding tanggapin ang lahat sa kanya. 

Nagsisimula na kaming mag usap tungkol sa mga personal na buhay. Minsan siya din ang nagpapayo sa mga bagay na hindi ko maintindihan.

Hindi namin alam yun pala ang unang hakbang sa mas malalim na pagtitinginan naming dalawa. 

Nung una binabalewala lang naman talaga namin eh.

Basta alam namin "best buddies" lang kami.  Yung tipong close lang talaga.

Hindi ko din naman akalain eh. Lahat naman bigla lang.  Sa kadahilanang, hindi naman halata sa kanya.

Pero yung mga unang buwan na magkasama kami?  Hindi ko din maintindihan pero nagsisimula ko ng mapuna yung mga ngiti niya, yung mga paniniwala niya sa buhay, lalong lalo na yung kung pano siya makisama.

Nakakatawang isipin na parang ang babaw lang hindi ba?  Pero sabi nga nila nagsisimula ang lahat sa isang simpleng bagay lamang. 

Simpleng bagay na nauwi sa isang malalim na pagtitinginan.

-Dbb

Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon