"Though I saw it coming, It still hurts."Her POV
Living behind curtains is unbearable.
Napakahirap.
Para kang ghost singer na ikaw ang tunay na may boses pero iba ang nakikita ng tao.
Same thing na ikaw ang mahal pero iba ang kasama.
There are times na darating ang rightful owner.
You will be set aside.
Para kang side dish diba? Pag nandyan ang main dish set aside ka muna.
You will not be the number one priority.
Number two ka sa maraming bagay.
Hindi ka pwedeng magdemand. Hindi ka pwedeng umasa.
Kasi ikaw ang pangalawa.
May time na naencounter ko siya.
Masakit pala. Yung nakikita mong sasama ang mahal mo sa kanya tapos ikaw nag iisa.
Yung wala kang choice kung hindi ngumiti at ipakita na wala lang lahat.
Wala? Eh durog na durog ka.
Mahal mo yan bakit hawak ng iba?
May time naman na magkausap sila sa phone. Nakangiti ang mahal mo.
You have to pretend na wala lang yun. Na hindi ka apektado.
Kasi ang mga tulad natin, dapat matatapang. Kasi tayo ang snatcher eh.
Pero sa loob mo? Para ka ng pinapatay.
Pinapatay sa inggit.
Ako dapat yun eh.
Kaso hindi ako. Siya. Siya.
Natutuwa din ako pag nakikita ko ang little angels mo.
Masaya sila. Napakaselfish isipin pero minsan sana ako ang nanay nila.
Sana ako nalang.
Bakit hindi ako nalang?
Puro tanong. Puro tanong ang nabubuo sa akin.
Na kung bakit hindi ako.
I know. Katangahan ang ginagawa ng mga tulad ko.
I don't deserve any of this.
Pero minsan kahit hindi mo deserve nagsstay ka diba?
Kasi mas masaya ka sa mga bagay na hindi mo deserve.
Mahal kita. Para sa akin sapat na yon.
Sapat na para magstay ako.
Sapat na para magstay tayo.
Sapat na..
-Dbb
BINABASA MO ANG
Untold Stories
Randomtwo souls met in a complicated situation. And their love story remained behind the shadows.