Break up 17

1 0 0
                                    

Her POV

Happy Memories 💜

Minsan kapag mag isa ka at iniisip mo yung happy memories, parang ang sakit sakit.

Dami daming nangyari noon. Yung mga bagay o pangyayari na ni sa panaginip hindi mo alam mangyayari.

Love wins. Yun ang laging nasa isip ninyo. Kahit anong mangyari gagawin ninyo ang lahat para maparamdam sa isa't isa na kayo lang ang mahalaga sa mundong binuo ninyo.

Sa loob ng dalawang taon, daming nangyari. Sobrang dami. Na kapag naiisipo mo, sana bumalik ka sa moment na yon kasi ang sarap sa pakiramdam.

Pero bigla mong naisip na pano ka makakabalik sa moment na yon kung yung mismong tao nga hindi mo na mabalik?

Yung tipong ang dami dami ninyo pang plano. Sobrang dami. Yung bubuo pa kayo ng mas madaming ala ala kaso naduwag siya.

Yung sa sobrang sakit hindi mo alam kung ano pang mararamdam mo pag nakita mo siya ulit.

Kaya nag eend up ka na magtatago nalang para hindi ka na makaramdam ng sakit. Iniisip mo, ayos lang kahit masaya siya tapos ikaw hindi basta importante hindi mo nakikita.

Sobrang tragic ng nangyari sayo pero pinipilit mont mabuhay. Pinipilit mong magpatuloy. Kasi alam mo yun ang tama. Wala namang mangyayari kung mamamatay ka eh. Diba?

2years is really a cursed. Isang beses lang talaga ang 2yr rule. Pag may isang umabot na don, hindi na pwedeng pangalawahan. Kasi yung pangalawa, karma mo na.

Sakit diba? Pinilit mo pang umabot kayo ng dalawang taon para lang saktan niya?

Hey girl. Don't worry. You are a queen. Hindi ka man prinsesa sa mundo niya, reyna ka naman sa mundo ng iba.

Hindi ka man niya minahal ng totoo, may umiibig naman sayo ng tunay. Maybe, hindi lang talaga ikaw ang babaeng dapat pag laanan niya ng puso niya kaya nalimot ka niya agad.

Pero wag kang masasaktan kasi may taong nakalaan para sayo. Yung handang lumaban kasama ka hanggang sa huli.

Yung taong nakita na maski ang pinakapangit na pagkatao mo pero pinili niya pa ding manatili sayo.

Yung taong hindi man kayang ibigay sayo lahat ng gusto mo, pero kaya niyang ibigay ang lahat ng mayroon siya sayo.

Yung taong kapag umiiyak ka, lagi niyang hinahanda ang pinaka mainit na yakap niya para mapatahan ka.

Yung taong madalas mo mang inaalipusta, inaaway, sinasaktan at iniiwan pero pinipili ka pa ding intindihin at samahan. Sa isip niya kasi kahit ganon ka, mabuting tao ka at sulit ang lahat ng luhang binuhos niya sayo.

Yung taong kahit na wala siyang pera pinipilit niyang magisip ng paraan para kahit papano mapangiti ka.

Kaya tahan na. Huwag ka ng umiyak. Tama na ang dalawang buwang pagluluksa. Maganda ka. Mabuti kang tao. Deserve mong sumaya.

Hindi ka nabuhay para malunod sa lungkot at sarili mong luha. Huwag mong hintayin ang isang taong walang balak bumalik.

Mahalin mo ang sarili mo. Wag kang mag alala you did a great job. Nagmahal ka, pinaglaban mo, naghintay ka, naging tapat ka sa pag ibig mo. Ginawa mo ang lahat. Pero kung hindi pa din sapat at ikaw ay iniwan pa din, hindi mo yon kasalanan.

Wag mong sisihin ang sarili mo luna. Hindi mo kasalanan. Tahan na. Ngumiti ka na. Napaka ganda ng gabi lalo na kapag nandyan ka. Kasama ng mga bituin na umiibig sayo. Wag mong ipilit ang hindi pwede.

Hindi makakabuti ang araw sayo. Hindi si Soleil. Wala na siya. Kalimutan mo na parang awa mo na. Tigil na masakit na. Kalimutan mo na ang pag ibig na yan.

Kinalimutan ka na niya. Tandaan mo yan. Nagsisimula na siyang bumuo ng buhay na wala ka. Kaya sana ganon ka din.

Iniwan ka na. Tapos na siya sayo. Wala na ang eclipse na gusto mo.

Walang pinaglalabang pag ibig sa taong hindi marunong lumaban. Huwag kang maniwala luna. Ginamit ka lang.

May karapatan kang sumaya. Bitaw na.

Bitaw na ba?

Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon