Open Letter #4

7 0 0
                                    

"The greater your capacity to love, the greater your capacity to feel the pain. "




Her POV

Mahal ko siya.  Mahal niya ako.

Hindi ba sapat na yun?

Sarap pakinggan.  Almost perfect na nga eh. 

"almost"

Sayang.  Kasi nakatali kami pareho.


Oo nakatali kami sa buhay na pinili namin bago kami magkakilala.

Oo nakatali kami sa mga taong inakala naming sila na pero hindi pa pala.

Oo nakatali kami sa katotohanang kahit anong pilit namin may masasaktan at masasaktan kami.


Nagmahal lang.

Nagmamahal lang.


Wala pa bang time machine sa panahong ito?


Kung lang sanang may ganun hindi ba?  Sino pa ang malulungkot? Wala na hindi ba?

Kasi mababalikan natin ang nakaraan at maitatama ang mga bagay na hindi natin dapat ginawa.



Ang sarap.  Ang sarap sarap pakinggan.


Pero kasi ito ang katotohanan.  Katotohanang walang ganon.

Walang time machine na magbabalik sayo sa kahapon.


Kasi ginawa mo na.  Namili ka na.



Ang sakit diba? Kasi nga namili ka na.


Lumalaban ka pa pero alam mong talo ka na.

Ang daming "what ifs"



Kung lang sanang napaaga ako ng dating?

O kung sanang naghintay lang siya sa akin?

What if kami talaga?  Magiging ganto din ba kakumplikado?

What if nagkita kami agad?  Magmamahalan ba talaga kami?

Who knows diba?  Wala.


Wala ni isa mang nilalang ang may alam ng hinaharap nila.


Kaya nga wala naman tayong kalaban laban eh.

Laro ito.

Isang laro kung saan nakablind fold tayo.

Walang guide na kahit ano.

Basta lalakad ka lang. 

Walang pakialam kung mabangga ka. O masugatan ka. O maligaw ka.

Basta ang alas mo lang makiramdam ka. 


Kung ano ang sa tingin mong tama doon ka. 



Hindi ba ganun yun talaga?

Ngunit minsan pala. Kahit alam mong tama ang ginawa mo, bandang huli may mali pa din pala.


Akala mo kasi tama na lahat. 


Akala ko kasi tama na lahat.

Eh kaso nakilala kita

Biglang nagulo ang lahat.

Ginulo mo ang natutulog kong mundo.

At hinayaan kong gawin mo iyon..


Kasi nga nagmamahalan tayo.


Yung lang naman ang mahalaga diba?

Yun na lang sana...


-Dbb

Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon