Day 4
Apat na araw. Malapit na akong sumuko. Malapit ko ng sukuan ang isiping may pag asa pa. Napapagod na akong mghintay. Malapit ko ng isipin na wala na talaga. Na nalimutan mo na talaga. Nandito ako oh. Para kasing invisible na ako sa harapan mo. Naalala mo ba nung una mo akong binigyan ng bulaklak? Kung hindi ako nagkakamali wala pa tayong isang buwan noon. You're so charming back then. Halatang hindi ka sanay. Tapos sunod sunod na yon. Aliw na aliw ka sa paggawa ng surpresa para sa akin. Sobrang naappreciate ko yon. Kasi feeling ko non sobrang halaga ko. Noon. Totoo nga ang sabi nila. Nagbabago din pag nagtatagal na. Siguro sa sobrang busy mo nalilimutan mo na yung mga bagay bagay. Sa sobrang busy mo minsan pag may okasyon, kung ano nalang ang gusto ko yun na lang ang gagawin mo. Parang hindi n pinag iisipan. Kaya I've made sure na ako naman. Ako naman ang magpapasaya sayo. Dumating ang mga panahon na hindi mo napapansin nalalayo na tayo sa isa't isa. Normal na lang lahat. Kaya din siguro naging madali pa din sayo ang nangyari. Alam mo bang malaking tulong sa akin ang ginagawa kong pag susulat. Iniisip kong nakakatulong toh para mailabas ko yung gusto kong sabihin. Lumalaban pa ako kahit tahimik umaasang lalaban ka din. Hindi ko malaman kung bakit kahit galit ako alam kong naghihintay pa din ako. Ayoko kasing bumitaw agad dahil kilala ko ang sarili ko. Baka pag sumuko ako hindi ko na magawang tanggapin ka. baka balutin nalang ng galit ang puso ko. Nangako kasi ako sayong mamahalin kita eh. Kaya hinahayaan ko pa din ang sarili kong maghintay. kaso habang tumatagal parang nakikita kong wala na. Nakikita kong kuntento kanang wala ako. Nakikita kong nakakaya mo na. Kaya onting tiis pa makakaya ko na ding tuluyang palayain ka. Hindi ko alam kung ilang days pa ako makakapag sulat o maglalagay ng bilang ng araw sa my day ko. Pero isa lang ang sigurado ko. Kapag nawala na ang pagbibilang ko ng araw, paniguradong sumuko na ako.
BINABASA MO ANG
Untold Stories
Randomtwo souls met in a complicated situation. And their love story remained behind the shadows.