Open Letter #5

3 0 0
                                    


"The truth is, everyone is going to hurt you.  You just got to find the ones worth suffering for. "




Her POV

Sabi mo sa akin,  you've never been inlove like this before.

Na ako lang minahal mo ng ganito.

Sa maraming beses. 

Sobrang daming beses mong sinasabi yan. 

Sa totoo lang dahil sa paulit ulit mong salita

Masyado nang tumatak yan sa puso ko.

Na oo siguro mahal mo nga ako.

Na oo siguro pwede pa din tayo.

Is love really enough to make things right?

Is love really enough to make things work?

Alam ko naman nung una palang. 

Aware naman ako na nung una palang mali na. 

But things happened because we have to choose between being right or being wrong.

And I chose the latter part.

I chose to be in a wrong path that leads to my happiness.


We chose this path together. 

Having this roller coaster romance. 

Nagtatago.  Natatakot. Pero masaya. Hindi ba?

Masaya yung araw-araw inaabangan mo yung bawat mangyayari sa mga buhay ninyo.

People always choose the most complicated part of their lives.

Para siguro may thrill?

Kung sana ganun lang kasimple iyon eh.

Yung gusto mo lang yung sitwasyon kasi may thrill. Kasi nachachallenge ka lang.

Mas madali yun. Kasi yung ganun kababaw na bagay,  madaling iwan.  Madaling kalimutan.

Pero kahit gustuhin kong ganun lang yung sitwasyon, hindi pwede.

Kasi hindi biro.  Hindi biro yung mapunta sa ganitong sitwasyon.

Yung parang malaya pero hindi.

Yung parang pwede pero hindi.

Pag-ibig nga naman oh!  Masyadong komplikado

Pinapahirapan ang bawat tao.

Ay hindi!  Hindi nga pala kasalanan ng pag ibig.

Kasi sa totoo lang choice natin ang lahat ng bagay na nangyayari sa atin.

Diba?  Choice natin yun?


Masaya tayo.

Masaya ka naman diba?


-Dbb



Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon