7

1 0 0
                                    

Her POV

Nabuhay tayo sa panahon kung saan hindi tayo pwede.

Sa panahon kung saan lahat hindi naaayon sa kung ano man ang gusto natin.

Naniniwala ka ba na may tunay na pag ibig na nababalot ng kasalanan?

Handa sa kahit anong mangyari?

Nakakatawang isipin na nabuhay tayo sa panahon na hindi tayo ang nagmamay ari sa isa't isa. 

Bakit nga ba nahuli tayo?  Bakit nga ba hindi tayo nagkita agad?

Nararamdaman ko naman eh.  Ikaw yung tamang tao para sakin. 

Ang hirap kalabanin ng tadhana nuh? Napunta tayo sa sitwasyon na parang tama pero mali. 

Hindi naman tayo nag iisa eh.  Madami tayo.


Akala ng iba salot ang mga tulad natin.  Pero hindi nila alam nakulong lang tayo sa sitwasyon na hindi naman natin gusto.  Na hindi naman natin hiniling.


Nagkataon lang na nagkamali tayo ng desisyon. 


Nararamdaman kong ikaw ang para sa akin.  Kaso hindi tayo naghintay. Hindi natin hinintay ang pag dating ng isa't isa. 

Hindi tayo nagtiwala sa kapangyarihan ng tadhana.  At sinunod ang nais ng isip natin. 


Kaya tuloy ang pag ibig na meron tayo laging nakatago.  Hindi masigaw hindi masabi.


Gusto nating angkinin ang mundo natin pero hindi natin magawa

Mahal, sana dumating ang oras na tayo naman. 

Na magiging pag aari kita at ako lang ang nasa buhay mo.

Maghihintay ako hanggat pwede na tayo.


Gusto kong taglayin ang apelyido mo. 


Mabuhay ka ng matagal mahal ko.  Hintayin mo ako.  Kasi naniniwala akong hindi natutulog ang Diyos. 


Alam kong makikita Niya ang pag ibig na meron tayo. 

Khit na matagal ayos lang. Kasi alam kong pagdating sa huli ikaw pa din. 


Sobrang mahal kita.


-Dbb

Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon