Break up 10

1 0 0
                                    

Her POV

Acceptance.

Yun yung word na paulit ulit na ng eecho sa isip ko.
Kailangan kong tanggapin na may mga bagay na nangyayari na hindi na natin kaya kontrolin.

Pero how can I apply acceptance sa isang tao na nireset ang buhay mo.
I know I've been a total different person before.

Pero nung dumating siya? Para niyang nireformat ang buhay ko. He, he chose to love me na parang walang katapusan. Tinitingnan niya ako na parang ako na ang pinakamagandang babae sa lahat.

I miss his eyes, lips, and my favorite his hands.

I love the way he touches me. Parang sobrang safe ko. The way he treated me like his queen.

I love the way he kissed me on my forehead. Parang sobra yung respeto niya sa akin.

I love the way he back hug me. Parang takot na takot siyang mawala ako.

I missed every inch of him.

Sobrang binago niya ang buhay ko. Sabi niya saken, ako daw ang bumago sa buhay niya. Pero hindi niya napapansin na habang binabago ko yung buhay niya, binabago niya din ang akin.

I really can't imagined na magmamahal ako ng ganito katindi.

I thought love is just a game. Pero he managed to made me realize na great love does exist.

Naalala ko nung tinanong niya ako kung siya ba ang great love ko. Well, nagdalawang isip ako. Siya nga ba?

And then I realized na malalaman mo lang pala kung sino kapag nawala na. Kasi dun mo mararamdaman na the more na nasasaktan ka, the more na nagmahal ka.

And hindi ko naimagine na makakaramdam ako ng ganitong sakit sa buong buhay ko.

Para akong namatayan.

Kahit saan ako tumingin, o kung kahit anong mabasa at mapakinggan ko? Naaalala ko siya.

Hindi ko maisip kung bakit nakakaya niyang iwan ako.

Hindi ko maisip kung pano niya nakakayang maging masaya ng wala ako.

Kasi ako hindi ko alam kung hanggng kailan ko kakayanin. Kung hanggng kailan ako magiging ganito. Kasi hirap na hirap nako.

Hindi ko akalain na may sakit pa palang mas matindi sa mga naranasan ko noon.

Kasi halos ikamatay ko ung ngayon. Minsan natatakot na ko sa sarili ko. Hindi ko na maalala kung kelan ako ngumiti at sumaya ng totoo.

I missed my old self. The happy go lucky bitch. Willing to do anything just to have fun.

Ngayon para akong nalulubog sa lungkot. Hindi ko alam kung paano ako makakaahon.

I'm still finding myself. And kapag nahahanap ko ang sarili ko? Nakikita ko pabalik na naman saknya.

Sino nga ba ang mas nasasaktan?

Ang iniwan o yung nang iwan?

I keep on asking myself kung sino nga ba.

Sa buong buhay ko, dalawang beses pa lang akong naiwan.

Ung una siguro anim na buwan akong nagluluksa. Niloko kasi ako non eh.

Pero mabilis kong tinanggap. Natakot lng akong magmahal ulit.

Then this. Mag iisang buwan na. Pero parang sariwa pa din.

Minsan bigla akong nagigising akala ko tumutunog yung messenger ko. Haha nakakabaliw. Nalimutan ko, wala na nga pala.

Nakita ko magkasama sila. Hinatid niya yung girl sa work.
Nakita ko nag VL siya para makasama yunt girl.
Nakita ko nakaunblocked na si girl sa fb.

He cut me off. Binago niya lahat ng passwords niya, inalis niya lahat ng designs ko sa fb niya, I don't know kung inalis niya na din ang password ng phone niya at wallpaper niya.

Ang bilis bilis. Ang bilis bilis niyang nakalimot. Gusto kong maging tulad niya. Parang isang iglap okey na. Gusto kong maging ganon din.

Gusto kong maging tulad niya. Yung parang masaya lang na parang walang sinaktan. Na parang walang iniwan.

Kinokwestyon ko na yung sarili ko. Kung may mali ba sakin. Kasi i gave my all eh. Ginawa ko ang lahat para maging akin siya pero bakit ndi pa din ako pinili?

I've tried to be perfect. Pinakita ko sa kanya na deserve niya ang mas better.

Pero patuloy pa din siyang bumabalik sa dati.

Naiiwan pa din ako.

Nangako siyang hindi Niya ako sasaktan eh. Nangako siya na hindi niya ako iiwan.

Pero eto ako ngyon, mag isa.

Pinaramdam niya sa aking unbreakable kami eh. Pinilit kong kumapit eh. Kasi nakikita ko hindi niya kayang wala ako.

Kahit minsan ang sakit sakit na, pinilit kong magstay at mahalin siya kaysa takasan at iwan siya.

Pinilit kong labanan ang sakit basta makita ko lang na masaya siya sken.

Ilang beses. Ilang beses na gusto ko na siyang iwan pero pag nakikita kong iiyak siya sa harap ko at makikiusap na wag ko siyang sukuan, nanlalambot ako. Kasi mahal ko siya

Pero bakit naman ganon. Nung ako na ang nagmakaawa. Bakit iniwan niya pa din ako. Bakit nung ako na ang nasasaktan, hindi man lang niya ako pinakinggan.

Natatakot akong maging mag isa. Akala ko kasi kasama ko siya.

Bakit iniwan niya ako? Bakit. Ang daming bakit. Wala akong masagot. Kasi nabubuhay pa din akong pinapaniwala yung sarili kong mahal niya ako.

Pero alam ko namang hindi.

Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon