Chapter 11

44 3 1
                                    

Chapter 11: No Signs of Death?

(NUNNALLY)

"So let me show you your rooms." Sabi ni Chairman at ginauide nya kami pababa ng school.

Yup ang totoo uwian na kasi marami kaming napagusapan about the tournament kasi walang nakakaalam kung ano ang iniisip ng HuLord sa ngayon. Ang alam nya lamang na base sa pagkakakilala dito tournament of Death iyon kaya hindi na daw ito nakapagtataka kung maraming mamatay doon.

Habang bumababa, we looked amazed! Why? GOD DAMN! May ganito pala sa baba ng school. Oo naikot na naming ang buong school except dito sa lugar na to. It seems like a hideout.

"No one could enter or trespass into this place. The whole place is being monitored 24/7 and security alerts plus upgraded system. Don't ask me about the system because it has so much to discuss." At natawa na lamang si Chairman Ji.

Kanina pa walang kibo ito si Zyc. Kahit nung nagmemeting kami, hindi rin ito nakikijoin. Wala sya sa buong meeting. Para bang may sarili syang mundo. I hope na alam nya na ito para tomorrow wala kaming maging problema.

Habang naglalakad, parang yung ulo ko iikot ng 360 degrees sa sobrang ganda ng place. Parang underground place sya plus glass yung mga dividers but hindi kita ang sa loob. Kinatok ko ito at ramdam na ramdam ko na parang hard rock ito. As in makapal.

"So this is your room." Sabi nya sa amin.

Pumasok kami sa isang door na malaki. Halatang halata mo na napakayaman na ni Chairman Ji. Lalo pa ngayon at parang ipapagamit nya samin ang kwarto nya, I guess.

"This is not my room. This is just for emergency purposes or some kind of rest house kung nagsasawa na ako sa bahay. " Napatango na lamang ako sa sobrang pagkamangha.

Pumasok na kami pero si Zyc hindi. Nagdere deretsyo na lamang sya sa hallway at pumasok ng ibang room.

Into this room, WOW!!

Parang bahay na talaga siya, literally. May three rooms sya, with kitchen plus big bathroom in each room.

"Dito na lamang muna kayo magstay while me, I will going to secure your safety before tomorrow." Bigla na lamang may narinig kaming malakas na pagsabog mula sa taas.

"I told you, mangyayari yan." Napasmirk na lamang si Chairman.

"Hindi nyo po ba pupuntahan?" Taec asked.

"Hindi na kailangan. Hindi naman dito yun." Napataas ang kilay ko dun sa sinabi nya.

Biglang nag appear ang isang malaking TV at ipinalabas kung saan nangyayari ang gulo.

Cheating!

"Kaya alam nyo na." Naglakad na lang ito papunta sa kitchen.

Naisipan kong lumabas muna para magpahangin. Umakyat muli ako sa school papuntang rooftop. Super refreshing dito. Dito ako parating tumatambay kapag wala akong class.

Hindi ko alam kung ako pa lang ang nakakadiscover nito or nache chempuhan ko na walang tao.

Pero pagkatingin ko sa left side, nandun si Zyc nakatayo habang nakatingin sa malayo. Parang napakalalim ng iniisip nya. Nilapitan ko ito.

" Are thinking about tomorrow?" kahit nakalapit na ako at narinig nya na akong nagsalita, hindi pa rin ito tumingin.

"Are you sure about joining the tournament?" tanong ko muli at tumingin na ito sakin.

Ngumiti ito.

"Yeah, I want to see the new world after I wake up." Kumunot ang noo ko.

"I want to know more about this world. What humans do, what do they need and many more things." Lalong dumadami yung tanong ko sa sinasabi nya.

Bigla na lamang na may arrow na dumaan sa gitna naming ni Zyc. Medyo umilag ako kasi naramdaman ko itong parating pero napansin ko na parang hindi ito nakita ni Zyc.

"Show yourself." Simple lamang nasabi nito. Mukhang mali ako. Alam nyang may dumaan sa pagitan namin.

Imbis na magpakita, naramdaman ko na may walong arrow na tatama samin. Kahit sa left or right ka tumakbo pihadong aabutin. Bigla na lamang akong hinila ni Zyc papunta sa pwesto nya, niyakap at sabay baba sa sahig.

Tumama ang mga arrows sa kabilang building. Ngayon ko lang narealize na nasa itaas sya at nakahawak ako sa kanya. Saglit na nagsnap ang two fingers nya at narinig ko ang malakas na sigaw mula sa malayo.

So alam nya kung nasaan sila!

Tinulungan nya akong tumayo at ako naman dumbfounded.

"Let's go inside. It's very dangerous to stay here." Ngumiti ito at sinimulan ng maglakad. Ako naman ay hindi makakibo.

Wala akong nakita kahit ano. Yun ang kakaibang nangyari sa lahat. Kahit magkabanggaan lamang kami ng balikat ng isang tao marami na agad akong nakikita at what will exactly may happen. But sa kanya, as in wala.

"May masakit ba?" Tanong nito doon na sa may pintuan. Umiling na lang ako at tumakbo papalapit sa kanya para pumasok na.

Baka na delay lang siguro.

CHNBBY: Guys kung may makita man kayong TYPOGRAPICAL ERRORS please magcomment po kayo for faster editing po ng story pati po dun sa iba pang stories :) THANK YOU

Dice of JudgementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon