Chapter(02)

3 0 0
                                    

"Arayyyy!" sigaw ko habang pinipingot ako ng walang hiyang Si Aya.

dahil nakwento ko lang naman sakanya ang nangyare nung isang araw na pagsagutan namin ni lintang higad dahilan ng pag absent ko kahapon dahil wala ako sa mood.

"Masasaktan ka talaga! Bakit di mo sinabi saken?!" - sigaw nito habang patuloy parin sa pagpingot sa munti kong tenga.

"Anong tingin mo saken? Isang bata na magsusumbong sayo na parang inagawan ng isang candy? Tsk." Inirapan ko sya at nilayo ang namumula kong tenga sakanya hayss.

Pumunta ako sa kama ko at nahiga. Gusto ko pang matulog dahil masyadong maaga akong binulabog ng demonyong si aya.

I look at my alarm clock and it's already 6:00 am mahigit 30 mins narin nya kong ginugulo, dahil simula ng 5:30 am pa sya nandito.

"So? Ano bastusan? Matutulog ka?!" Naghehysterical na sabi nito at inalis ang kumot ko mula sa pagkakataklob nito sa mukha ko.

"Tsk. Ang ingay mo! I think we talk about it next time, kaya pwede ba lumayas kana sa room ko at naiistorbo ang beauty rest ko!"- inis kong binawi ang kumot ko at muli akong nagtalokbong.

Pero imbes na sundin ang sinabi ko ay nakipaglaro pa ang bruha ng tug of war saken sa paghila ng kumot ko.

Inis ko binigay ang kumot ko at pinagtulakan sakanya ito.

Hype talaga ang isang to nakakasira ng araw.

"Seriously? Ano ba kaseng pinaglalaban mo?!"- Tinaasan ko sya ng kilay at kinunutan ng noo.

"Look. I'm just concern here, ikaw kaya paghintayin ko sa canteen ng 2 hours at wag pumasok sa last 2 subjects mo dahil nag-aalala ka kase hindi sumipot at tumawag ang bestfriend mo." Binatukan ako nito habang nakapamewang pa.

"Aray! Masakit ah!" inis kong hinimas ang ulo ko at naupo sa sofa dahil alam kong hindi naman ako titigilan ng isang to.

"Masasaktan ka talaga,ikaw naman kase kailan kaba matatauhan jan sa kahibangan mo kay zero ha?"

"Seriously? Sa apat na taon kong minamahal si zero ng palihim ngayon mo pako tatanungin ng ganyan? Well isa lang ang sagot ko jan, unlimited ang pagmamahal ko kay zero."

Kinuha ko ang remote at binuksan ang t.v para malayo ang usapan sa pagiging TANGA ko ng apat na taon.

"Ibang klase. 2018 na i-let go mo naman na yung mga taong hindi na worth fighting for."- Kinuha nito ang remote at i-off ang t.v tska naupo sa tabi ko.

Nagpakawala lang ako ng isang malalim na buntong hininga at nagkibit balikat.

"Gustong gusto ko narin syang kalimutan Aya,para mawala yung bigat dito." I pointed at my heart. "Pero kahit ako? Hindi ko rin alam kong paano."

Napaiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko maiiyak ako at feeling ko ako na ang pinaka TANGANG TAO na nabubuhay sa earth.

"Hindi mo talaga malalaman kong paano, dahil hindi mo naman tinatangkang subukan."

Napayuko ako at di makapagsalita tama nga naman sya.

Ilang beses na nga ba akong napahiya dahil hindi man lang ako mapansin ni zero?

Nong grade 7 kami hindi ako nagsabi ng present dahil sya lang ang kaklase kong hindi inulit ang pangalan ko dahil hindi ko narinig ang pagtawag at dahil hinintay kong tawagin nya din ako. Kaya ang ending absent ako nun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Girl You Never NoticeWhere stories live. Discover now