Brandon P.O.VMatagal ko akong may gusto kay Althea M. Malbia pero natatakot umamin sa kanya dahil baka ma friend zone niya ako, ngayon na nagkaroon na ako ng lakas ng loob ay magtatapat na ako kay Althea ng aking tunay na nararamdaman ko para sa kanya.
Kahit na kinakabahan sa magiging result ng pag amin ko kay Althea ay kailangan ko iyon tanggapin ng buong puso, kahit na i friend zone ako ni Althea ngayon ay hindi ako magsasawa sa kanya at hindi basta basta mag gigive-up kay Althea.
Naghintay ako ng right timing para magsabi kay Althea dahil masyado akong nahihiya dito 4 years ko na siyang crush dahil loyal ako sa kanya, pero feel ko na dito na magtatapos ang pagkakacrush ko sa kanya. Hinintay ko mag alisan ang mga classmate niya hanggang siya na lamang ang matira sa classroom, pag pasok ko sa room nila ay tila nakaramdam ako ng kaba at takot sa magiging resulta nito.
"Alam mo ba na gusto kita," sabi ko
"Oh! But i'm sorry kasi may iba akong gusto," tugon niya
Halos madurog ang puso ko sa sinabi niya ngunit kailangan ko iyon tanggapin, alam ko naman na hindi niya ako type ever since pero ayos lang sakin iyon at itutuon ko muna ang aking sarili sa pag-aaral kaysa sa love na yan and i admit na wala talagang forever sa mundong ito.
Hindi lng naman si Althea ang babae sa mundong ito madami pang babae diyan, pero mas mahalaga parin sa akin ang pag-aaral dahil pagnakatapos na ako ng pag-aaral ay tutulong ako sa aking pamilya bago magmahal ulit dahil ayaw ko lumaki ng mag-isa.
Dahil sa nangyari sakin ngayon ay narealize ko na kailangan ko din ang sarili ko na higit pa sa pagmamahal ko sa ibang tao, salamat sa sakit na pinadama mo sakin Althea dahil sayo natuto akong mahalin ang sarili ko na higit pa sa pagmamahal na ipanadama ko sayo.
BINABASA MO ANG
ME IN THE MOONLIGHT VOL.1
RomancePamilya o Pag-ibig? Parehas ko silang pipiliin pero kung makikialam ang pamilya ko sa pagmamahalan namin ay ipaglalaban ko kung ano ang nararapat Book Cover by: -paesthetic