This scene is the part 2 of Chapter 9 after James got rejected by AngelaJames P.O.V
This day is a lesson for me. Ang natutunan ko sa araw na ito ay ang mahalin ang sarili ko higit pa sa taong mahal ko, nirerespeto ko siya kung saan siya sasaya at liligaya masaya na ako na nakikita ko siyang masaya sa buhay niya na kapiling ang mga kaibigan niya at ang kanyang admirer.
"Saan kaya ako pupunta ngayon?" Tanong ko sa sarili ko. Naalala ko na may bagong bukas na kpop cafe dito sa cavite kaya dun nalang ako tatambay dahil wala naman akong gagawin sa bahay, siguro naman maiibsan ang lungkot ko ng kpop cafe dito sa trece at tuluyan ng mawala ang lungkot na nararamdaman ko.
Nang makarating ako sa kpop cafe sa trece ay may pinatug-tog silang song na bago sa tenga ko. Lumapit ako sa cashier na parang koreana sa sobrang puti ng balat niya at tinanong ko kung ano ang song na naririnig ko, hinanap niya muna ang song title nun kaya natagalan siya sabihin sakin ng mahanap niya na ay tumingin siya sakin at nagsalita.
"Sir! Answer: Love Myself po by 방탄소년단" sabi nito
"Ahh! Kamsahamnida po" sagot ko
Nag order na ako ng pagkain ko at umupo sa tabi para ma feel ko ang melody ng kanta ng BTS. Dumating ang pagkain ko at infairness ang plate nila at baso ay puro bts ang nakalagay at ang paligid ng cafe ay puro official merchandise ng iba't ibang kpop group kasama din ang BTS, araw-araw ay napaka dami ng customer ng cafe na ito dahil affordable ang meals nila at masarap at mabango ang establishment nila nagulat ako ng mag vibrate ang phone ko at tiningnan ko ang notification ng phone ko.
From: Angela
Angela: Nasan ka? Nasa kpop cafe ka ba ngayon?
James: Oo bakit?
Angela: Sige pupuntahan kita diyan bye
Ang sarap na nga ng pakiramdam ko tapos dadarating pa siya. Ok lang kahit pumunta siya dito wala naman na akong gusto sa kanya eh, naka move on na ako at mahal ko pa ang sarili ko kaysa kay Angela. Pumasok na ng cafe si Angela at tumabi sakin ngunit hindi ko siya pinansin at patuloy sa pagkain ko, kinalabit niya ako at tumingin sa kanya at mukhang may sasabihin siya sakin.
"Oy! James sorry ah"
"Pwede ba tigilan mo na ako!"
"Hindi kita titigilan kung hindi mo ako pinapatawad"
"Tama na! Ayoko na kita makita pa ulit"
Hindi ko na inubos ang pagkain ko at iniwan si Angela na umiiyak sa loob ng cafe. Maayos na ang buhay ko kahit wala siya at kahit kailan ayaw ko na siya makita, kahit umiyak pa siya ng dugo o mamatay pa siya ngayon hindi ko siya patatawarin dahil wala na akong paki sa kanya mula ngayon at hindi na magbabago iyon.
Song: 'ANSWER: LOVE MYSELF'
Artist: 방탄소년단
Album: LOVE YOURSELF: ANSWERCtto. Bighit Entertainment
All Right Reserve. lenverevangelista. 2018
BINABASA MO ANG
ME IN THE MOONLIGHT VOL.1
RomancePamilya o Pag-ibig? Parehas ko silang pipiliin pero kung makikialam ang pamilya ko sa pagmamahalan namin ay ipaglalaban ko kung ano ang nararapat Book Cover by: -paesthetic