**
Bumalik na ako sa upuan ko matapos makipag chikahan kay Roger. Sayang, ang manly pa naman ng name n'ya tapos bakla, eww.
Roger Goodell, classroom president, gay and crazy. I really want to do crazy things with him. Sobrang saya n'ya lang kasama. Never ko pa s'yang nakaaway. Lambingan lang talaga namin ang insultuhan, lol.
Pagkaupo ko ay may narinig akong something. I think there's something bad at my butt. Pinilit kong tumayo pero parang nakadikit na ang suot kong palda sa upuan.
Sino naman kayang gagawa nito sakin?
Tinignan ko si Axzel, busy s'ya sa pakikinig sa kanta ng paborito n'yang bandang Paramore. Si Jaze naman ay nakatingin sa kawalan.
Pano kung si Jaze?! Nahuli n'ya akong nakatitig sa kanya ng masama kaya naman tinignan nya din ako ng masama.
"Bakit?! May problema ka ba ha?!" sigaw n'ya kaya naman lahat ng kaklase ko ay samin na nakatingin.
Tatanungin ko ba s'ya kung s'ya yung naglagay ng kung ano man ang tawag sa pandikit na 'to sa upuan ko, pero mapapahiya ako sa buong klase!
'Wag na kayong magtaka kung bakit mainit ang ulo n'ya at palaging pasigaw magsalita. Ganyan na talaga s'ya since first day of class.
"Oo, may problema ako sa'yo!" sigaw ko din. Gas! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Tapang tapangan ka pa Kaira naku!
Kung sasapian ka ng kamalditahan Kaira, 'wag na 'wag kay Jaze Wroar please.
But the other side of me agree of what I'm doing right now. Girl power 'noh! Hindi pwedeng api-apihin lang tayo ng mga lalaki. Subukan n'ya lang saktan ako, kakasuhan ko s'ya ng child abuse. Child abuse ba? Ah, basta! May batas na nagpoprotekta sa mga babae!
Ano nga 'yon? Nabasa ko na 'yon eh!
RA 9262 ata? RA 9262. An Act Defining Violence Against Women and their children, providing protective measurements for victims, prescribing penalties therefor and for other purposes.
Gas! Pwedeng pwede na akong mapunta sa section A!
Pero ang OA naman ata kung RA 9262. Madami namang Anti bullying clubs dito eh, sa kanila na lang ako mag rereport, aha!
Bumalik ang diwa ko ng hampasin ni Jaze Wroar ng pagkalakas lakas ang desk n'ya. Napatayo lahat ng classmates ko, maliban sakin. Paano ako tatayo, aber?
Pinigilan ni Axzel si Jaze. Feeling ko, anytime, sasapakin na ako ni Jaze.
Hinawakan ni Axzel ang kamay ko upang tumayo ng biglang dumating ang teacher namin kaya naman nanahimik na kaming lahat.
Nagsimula na s'yang mag lesson ng hindi nalalaman ang nangyari samin.
Hindi ko din namang pwedeng basta na lang pagbintangan si Jaze dahil hindi ko naman s'ya nakita, wala akong ebidensya.
Kainis! Sira na ang buong araw ko!
Ang nakakatakot, sinigawan ko si Jaze na ngayon ay pinapatay na ako ng kanyang tingin.
Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin s'ya sakin at ako naman ay pinagpapawisan ng todo.
Kung hindi lang ako nakadikit sa upuan ko ay pwedeng pwede akong magpanggap na may sakit o kaya tumakbo palabas paglabas ng teacher namin.
Mess with anyone pero 'wag na 'wag kay Jaze Wroar pero ito na ako, ang galing ko, geez.
***
Vote and comments. Ahe ahe.
YOU ARE READING
Faded Love
Teen FictionFake Love. Fake World. Fake lover. Fake people. Fake feelings. Turns into... Real Love. Real World. Real Lover. Real people. Real feelings. But what if your so called "real love" would fade? ---- Glam💚 Book cover by: Hanadulshxt