FL 12 ♡

53 7 8
                                    

**

Bago pa ako makapag lakad papunta sa Starbucks ay sinagot ko muna ang tawag ni Axzel sa'kin.

"San ka?" Bungad na tanong niya.

"SM nga, bakit ba?"

"San banda? Dito ako sa SM."

"What? Anong ginagawa mo dito?!"

"Gusto ko lang gumala. Masama?" Paliwanag niya. Hala. Kahit kailan talaga paepal 'tong Axzel na 'to eh.

"Gumala ka mag-isa mo."

"I see you." Sabi niya at pinatay ang tawag.

Inilibot ko naman ang mata ko para hanapin si Axzel. Hindi ko siya makita. Nasan ba yung ungas na 'yon?

Tinignan ko ulit ang cellphone ko at akmang rereply-an si Koefer nang biglang may nang gulat sa'kin at nabitawan ko ito.

Putspa naman! Nakakabadtrip, 'yong phone ko argh!

"Unggoy ka talaga Axzel napaka epal mo!" Sigaw ko.

"Hahaha sorry na. Akin na ayusin ko."

Inilayo ko sa kanya ang phone ko at pinower on ko ito.

"Pag ito nasira makakatikim ka talaga sa'king unggoy ka! Napaka mo!"

Luckily, gumana. Yey!

"Aysus.  Bakit ba gulat na gulat ka?" Tinitigan niya akong mabuti.

Sasagutin ko sana siya ng bigla akong tawagin ni Maris.

"Twinnie!" Kinawayan niya ako at napangiti naman ako. Aha! Ngumisi ako at tumingin kay Axzel.

Kung hindi niyo naitatanong, may gusto si Maris kay Axzel kaya iritado siya 'pag inaasar ko siya kay Maris.

"Kaya ka ba nandito dahil kay Maris?" I smirked.

"Hell no. So gross." Bulong niya. I just chuckled.

Pano siya naging crush ni Maris? 'Di ko rin alam. Dejoke. Ganito kasi 'yan, last year nag transfer ako dito sa school kasi lumipat kami ng  bahay kasi college na si ate at kailangan malapit siya sa university nila. Ayaw naman ni mami na mag dorm si ate mag isa kasi babae raw kaya kami na nag adjust. Tapos first day ko rito, nakaaway ko si Axzel. Yes. Oo. Nakaaway ko siya.

Magkasama kami nun ni Maris dahil simamahan niya ako dito. Nabangga niya si Maris pero imbes na mag sorry siya ay sinigawan niya pa ito. Kapal diba? Napakasama ng ugali. Kinunutan lang siya ng noo ni Maris pero dahil sa a tapang a tao ako, sinigawan ko din si Axzel. Aba! 'Di ko hahayaang apihin ang best friend ko 'noh!

Nagsigawan kami pero sa huli, tumawa lang si Axzel. Niloloko niya lang daw kami. Tinignan lang daw niya magiging reaksyon namin. Napansin daw kasi niyang parang naliligaw kaming mga bata at parang ang sarap daw naming pagtripan. Abnormal niya diba?

Kaya ayun, nagustuhan siya ni Maris kasi pilyo. Gusto niya 'yong mga ganong lalaki. Pilyo pero mabait pa din at may sense of humor.

"Twinnieeee! I miss you so much!" Nagyakapan kami ng ilang minuto bago ko naalala na nandito pala si Koefer.

Hindi ko naman maiiwan 'to si Axzel dito dahil paniguradong 'di siya papayag. Baka sundan pa niya ako papuntang starbucks. Hays. Pano kaya 'to? Daig pa niya kuya ko eh. Ayoko talagang inaasar ako netong ungas na 'to.

"Twinnie, diba magkik-" tinakpan ko ang bibig ni Maris bago pa niya matuloy ang sasabihin niya.

Hinila ko siya palayo kay Axzel. "Hindi pwedeng malaman ni Axzel na makikipagkita ako sa ka-RS ko sa RPW." Bulong ko.

"Eh? Bakit naman?" Halata sa mukha niya ang pagtataka.

"Knowing Axzel? Duh."

"Aish. Mukhang masosolo ko ngayon 'yong bebe ko ha? Hihihi."

"Anong masosolo?" Singgit ni Axzel.

Asdfghjkl. Narinig niya kaya pinag usapan  namin? Banamaaaan!

"Ah, eh... babe, samahan mo ako." Sabi ni Maris at kumapit sa balikat ni Axzel.

Halata sa mukha ni Axzel ang pagkairita. Lugi pa ba siya? Ang ganda at sexy kaya ni Maris!

"Mukha mo babe." Inalis niya ang kamay ni Maris na nakahawak sa braso niya.

"Babe naman eh!"

"Mukha mo babe naman eh!"

"Kala mo ba gwapo ka ha?"

"Mukha mo kala mo ba gwapo ka ha."

Sabay sabay kaming tumawa. Diba? Abnormal talaga si Axzel.

Binuksan ko ang data ko para sana ichat ulit si Koefer nang may mareceive akong message mula kay Koefer. Saying, 'Sorry but I have an emergency and I have to go. See you next time.'

Banamaaaaan!

Makikita ko na siya eh. Konti na lang tapos biglang? Aish. Paepal talagang Axzel 'to!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Faded LoveWhere stories live. Discover now