**
"Ginagayuma mo ba kanina si Jaze?"
Sinapak ko s'ya dahil sa tanong n'ya!
"Ayan, dalawa na ang black eye mo, pantay na. Thanks to me!" I wink.
Napangiwi s'ya sa ginawa ko.
"Grabe! Mas masakit pa 'yong sapak mo kaysa kay Jaze, babae ka ba talaga?" sabi n'ya habang hawak ang mukha n'ya.
Bagay lang 'yan sa'yo, jerk!
"Bakit mo naman natanong na ginagayuma ko si Jaze a.k.a Tiger? Mandiri ka nga Axzel!"
He burst out laughing.
"Kasi naman, habang nakapikit ka parang may ibinubulong ka, tapos 'yong mukha mo, pftt-"
Sasapakin ko sana s'ya ulit pero nagawa n'yang makailag.
"Masakit kasi Kai, tama na," he never stop laughing that's why I'm so irritated.
"Pero seryoso, ano nga ba 'yong binubulong mo kanina?" usisa n'ya.
"Wala 'yon, pangtaboy lang sa tiger, and it really works!" pagmamayabang ko.
Tumatalab nga talaga 'yong chant na ginawa ko! Sana forever ang epekto ng chant ko.
Bigla kong naalala ang dahilan ng lahat.
"Kumag!" sinenyasan ko s'yang lumapit. Nagtaka naman s'ya ngunit sinunod n'ya pa din.
"Come closer," bulong ko.
Tinaas n'ya ang kaliwang kilay n'ya.
"Anong trip mo?"
Sobrang lapit na ng mukha namin. Napalunok ako dahil ramdam ko ang init ng hininga n'ya not like Jaze na amoy alak or sigarilyo ang amoy ng hininga n'ya. Sobrang bango, ano kayang gamit n'yang toothpaste?
"Hoy!" Bumalik ang diwa ko ng pisilin n'ya ang ilong ko. Ganun pa din ang posisyon namin.
Hinawakan ko ang tenga n'ya at piningot. "Aray! Nakakailan ka na Kai ah," sigaw n'ya.
Nilapit ko ang tenga n'ya sa bibig ko kasi konti na lang baka matunaw na ako. Kadiri. Si Ryle lang ang gwapo at perfect para sakin!
"Kasi may nagdikit ng palda ko sa upuan ko, pwede bang ikuha mo ako ng skirt or pants? or hiraman mo muna ako kahit kanino, please," pagmamakaawa ko.
Tumawa na naman s'ya, nakakairita na!
"Wait, may P.E. ako dito, nadala ko pala eh bukas pa naman ang PE natin kaya gamitin mo muna jogging pants ko."
"No way! Hindi ako gumagamit ng gamit ng iba! Lalo na 'yong jogging pants! There's no way I will wear that jogging pants!"
***
Vote and comments. Ahe ahe.
YOU ARE READING
Faded Love
Teen FictionFake Love. Fake World. Fake lover. Fake people. Fake feelings. Turns into... Real Love. Real World. Real Lover. Real people. Real feelings. But what if your so called "real love" would fade? ---- Glam💚 Book cover by: Hanadulshxt