FL 9 ♡

27 12 0
                                    

**

"Bagay naman pala 'yang jogging pants ko sa'yo, e. Kunware ka pang ayaw mo," he smirked.

May choice ba ako? Wala diba! Wala naman akong mahingian ng tulong! Si Jazzie kasi alam kong busy at nakakahiya namang abalahin.

Si Roger naman, hindi na bumalik! May 5 minutes pa kami bago matapos ang break time.

Kamusta na kaya 'yong mukha nun?

Babalik pa kaya si Jaze Wroar? Sana hindi na. Azuu Azuu Shiwara wara! Azuu Azuu shiwara wara!

Mataboy ka sana tigre! Grr.

"Ano na naman 'yang binubulong mo?" Tanong ni Axzel.

Pinanliitan ko s'ya ng mata. Pake mo ba? Ayokong sabihin, aasarin ako ng mokong na 'to eh! Kilala ko buong pagkatao n'yan! Kahit last year lang kami naging close kilalang kilala ko na 'yan.

I remembered one time, 3 months ago. Niyaya n'ya ako sa McDo. Sabi n'ya bili daw kami ng Spicy chicken McDo and McFloat. Ang aga aga niyaya n'ya ako, alam n'ya na nagpuyat ako dahil tinapos ko ang Kdrama na pinapanood ko. Ayoko talagang sumama dahil inaantok pa ako. Nang makita ko ang commercial ay nakatakam ako. Tapos libre pa, kaya sumama na ako.

Nakaupo na kami. Ako na daw ang um-order kasi s'ya naman daw ang manlilibre, napaka ungentleman.

Tinanong ko s'ya kung anong order n'ya, yun nga spicy chicken McDo and McFloat. Pumunta na ako ng counter tapos sinundan n'ya ako, nasa likod ko lang s'ya.

Sinabi ko na ang order ko tapos sabi ba naman ng lalaki sa counter wala daw sila nun. Tapos nagalit ako, tinanong ko kung anong klaseng fast-food ba 'yon at sabi ko magsara na sila. Nakakainis naman kasi, ang aga aga binubwisit ako! Nakita kong tawa nang tawa si Axzel. Sabi ba naman ng lalaki sa counter, "Wala po kaming Spicy chicken McDo and McFloat, Jollibee po kasi 'to, ang meron lang po kami ay Spicy Chicken joy at CokeFloat. Oorder po kayo?" Napahiya ako!

Tinignan ako ng mga tao dun. May mga tumatawa pero si Axzel ang pinaka malakas tumawa. Akalain mo, naisahan n'ya ako!

Ang ending piningot ko s'ya palabas at pinagsisigawan ko. Anong klaseng kaibigan s'ya!? Sabi n'ya pupunta kami sa McDo at hindi ko napansing sa Jollibee n'ya pala ako dinala! Nakakainis!

Kaya kapag pumupunta kaming jollibee, s'ya na nag oorder tapos ganun pa din ang ginagawa n'ya, bumibili s'ya ng McFloat sa jollibee tapos tatawa at iibahin ang order. Lagi n'ya akong inaasar. Tapos lalakasan pa n'ya at sasabihin, 'bumili ka nga ng McFloat sa jollibee, nag c-crave ako eh.' Ang sarap suntukin 'no!?

Kaya minsan hindi na ako naniniwala sa kanya, lalo na kapag mabait s'ya, parang kasunod nun ay ang masamang balak n'ya eh.

Lalo namang ayaw kong malaman n'ya ang chant na ginawa ko, baka asarin at pagtawanan n'ya pa! Alam kong lame ang ginawa kong chant but who cares? At least, effective. Natataboy ko talaga ang tigre na 'yon!

Hindi na n'ya ako pinansin dahil tumunog na ang bell at isa isa ng nagsibalikan ang classmates namin kasabay ng guro namin.

***
Vote and comments. Ahe ahe.

Faded LoveWhere stories live. Discover now