Chapter 3

1.9K 71 0
                                    

Contrary to what I think, mom let me play outside. Pero tanghali na nang hinayaan niya akong lumabas ng bahay. Dad go out so early in the morning kaya kami na lang ulit ni mommy sa bahay.

I help mom clean and wash dishes first bago ako tuluyang lumabas. Sariwa ang hangin at katam-taman lang ang init ng araw kaya siguro ay masayang maglaro ngayon. Tumingin ako sa paligid at wala akong nakita ni anino ng mabait ng lobo. Baka siguro ay mamamaya pa ito darating.

I prepare something that we often do when I am with my parents. Picnic. I bring blankets and a basket. Inilagay ko ito sa banda kung saan kami nagkita kahapon. I hope he will like it.  Konting prutas lang ang inilagay ko dahil hindi naman ganoon karami ang nasa mesa namin.

"Wow.. Is that a rose mom?" My eyes are shining on this beautiful site. How did my mom plant a rose in this area? It is super rare dahil karamihan sa mga bulaklak dito ay yung mga lagi kong nakikita na tumutubo sa likod ng bahay.

"Yes baby.. It's the first one here and the only one that is hard to care." I look at how it shines habang nasisikatan ng araw, lalo itong gumaganda. Mas mapula ito kompara sa ibang rosas na nakita ko. And the scent, it doesn't smell bad. Minsan kasi nagkakaroon ako ng ubo dahil sa bulaklak. Mapili ang ilong ko sa mga inaamoy kaya masaya akong hindi makati sa ilong ang rosas. I'll definitely plant many of this in the garden.

"Teach me mom please!" Napangiti si mommy sa sinabi ko at tumango. Gusto ko magkaroon kami ng maraming rosas dito sa bahay. Yung iba-iba ng kulay.

Tinuruan ako ni mom na mag-alaga ng rosas, hindi lang sa rosas kundi maging sa ibang bulaklak din. I am so happy to see all the flowers that we have. Maliit pa ang karamihan pero kahit ganoon ay maganda parin ito tingnan.

Isa-isa niyang pinalanganan ang mga bulaklak sa hardin namin at kung paano ito palakihin and everytime she names one, I became more excited to plant on my own.

"You got it Selene?" I nod smiling. Nagbungkal kami ng panibagong lupa para doon naman itanim ang bagong tubong halaman na nasa isang paso pagkatapos ay diniligan ito ng konti. Nasa kalagitnaan ako ng pagdidilig nang bigla ko naramdamn  presensya ng lobo. Napatingin ako kay mom at normal lang ang akinikilos niya, malayo sa akala ko na magiging reaksiyon niya.

Ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito kapag malapit ang lobo?

Hindi kagaya kahapon na nagdadalwang isip pa ako sa nararamdaman pero ngayon sigurado akong galing ang presensya na ito sa lobo. Huminto ako sa pagdidilig at ibinaba ang lalagyan ng tubig.

"I'll be back later mom.." Paalam ko kay mommy na ikinagulat nito pero agad ding tumango at hinayaan ako.

"Do not go too far.. And keep your promise." Dalawang hakbang palang ay huminto ako at tumakbo pabalik ka mommy.

"You're the best mom! Don't worry I will keep my promise." I smile sweetly and kiss her on the cheeks pagkatapos ay kumaripas ng takbo papunta sa banda kung saan kami magkikita ni Mr. Wolf.

Malayo palang ako ay nakita ko na ang pigura ng lobo. I can smell his scent from here kahit malayo ako, iba ito kesa kahapon. Mas lalong kumakalat ang bango. Ako lang ba talaga ang nakakahalata maging sa amoy nito? Ipinilig ko ang ulo at hindi na muling nag-isip ng kung anu-ano.

Napangiti ako dahil tunupad niya ang sinabi niya kahapon. Talagang bumalik siya at hinintay ako. Nakaupo lang siya at kung iba man ang makakita sa kanya ngayon ay iisiping masama siyang lobo sa itsura niya. Malamig ang mga tingin niya na nakakapanginig ng tuhod at ang awra niya ay sobrang napakalakas para sa isang ordinaryong lobo.

Pero iba ang nakikita ko sa kalooban niya. I can see a loving ang caring wolf. Kita ko ang mainit na mga tingin niya sa likod ng kanyang mga mata pati na ang boses niyang sobrang lambing. Sa lahat ng lobo na nakilala ko, siya lang ang nag-iiba at bukod tangi. Dahil pakiramdam ko, magiging maayos at ligtas ako kapag kasama siya.

My Cold-blooded AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon