"Damn.. It's getting darker." Sabi ni Axel sa gilid ko.
"Anong gamot ba ang kailangan natin Selene?" Dagdag niya habang pinuputol ang mga sanga na humaharang sa daraanan namin.
"I dont know." Napahinto siya at tumingin sa gawi ko.
"Don't joke on me right now. I'm not in the mood for that."
"Seryoso ako. Hindi ko alam ang pangalan pero alam ko kung anong itsura ng halaman." Narinig ko siyang bumuntong-hininga.
"Hindi pala ako makakatulong sayo sa paghahanap. Kahit sabihin mo pa ang hugis ng halaman, hindi ko malalaman kung ano 'yan... Wala ako masyadong alam sa mga gamot."
"It's okay. Madali naman natin ito mahahanap dahil sa mga gubat ito nabubuhay."
Dahil sa nagiging sensitibo ang pandinig ko sa ganitong lugar at sitwasyon, rinig ko ang pag-galaw ng mga bagay sa paligid ko. Rinig ko ang mga tunog na nililikha ng bawat tapak namin sa mga tuyo na dahol, ang paghampas ng hangin sa mga dahon ng puno at maging ang agos ng tubig sa ilog. Maging ang pang-amoy ko ang mas lumalakas.
"Doon tayo sa bandang dulo malapit sa ilog. Kailangan na nating bilisan Axel nagsisimula ng kumapal ang hamog." Tumango si Axel. Pumikit siya at unti-unting nagpalit ng anyo.
My wolf have to take over too para mapabilis ang kilos namin. Tumingin ako sa itaas at napapikit. Napasinghap ako nang sumikip ang dibdib ko at tumigas ang panga ko gawa ng pagpapalit anyo. Impit akong napasigaw nang tuluyan na akong naging lobo. Hindi parin pala ako nasasanay kahit ilang beses akong nagpalit ng anyo.
"Where are you Axel?"
"Malapit na ako sa ilog." Mabilis ang takbo ko palapit ng ilog at namataan ko agad si Axel na malapit na doon. Malapit na ako kay Axel nang bigla akong makalanghap ng pamilyar na amoy. Napatigil ako bigla at tumingin sa paligid. Maging si Axel ay tumigil din.
"Anong problema Selene?"
Natauhan ako at napatingin sa kanya. Umiling ako. Maging ako ay naguguluhan din sa sariling reaksyon. Tumakbo ako ulit at hindi na pinansin ang nangyari.
"Go back."
Sht.
Humina ang pagtakbo ko. Who was that?
"May sinabi ka ba Axel?" Pero hindi man lang siya tumigil.
"Ano? Wala akong sinasabi. Iniisip meron gaya nalang ng 'pwede pakibilisan kilos mo?' baka mag-aalala si Azel kapag hindi pa tayo bumalik agad."
Napamura ako sa isipan at binalewala ang narinig kanina. Nasa gilid na ng ilog si Axel kaya binilisan ko ang kilos. Pero hindi parin ako mapakali dahil parang may sumusunod sa akin.
"Go back Selene."
Umiling ako at pilit na iwinawaksi sa isipan ang mga narinig dahil baka guni-guni ko lang ito.
Nasa likuran na ako ni Axel at agad kong hinanap ang halaman na kailangan namin. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko ito na tumubo sa gilid ng malaking bato sa tabi ng ilog. Bumalik ako sa katawang tao at sinuot ang dalang damit kanina. Kumuha ako ng isang sanga ng kahoy at binungkal ang lupa kung nasaan ang halaman at kinuha ito.
"Yan na ba?"
Tumango ako.
"Alright, then let's go back."
I was about to turn into wolf again when I heard a loud sound of a gun shot. Biglang namanhid ang braso at nang tingnan ko ito ay nakita kong may dugo na umaagos dito.
BINABASA MO ANG
My Cold-blooded Alpha
مستذئبHIGHEST RANK: #1 - Coldblooded #3 - PACK #5 - Ruthless 11 years ago, We lived a simple life, away from the war of our pack. Mas minabuti naming umalis at lumayo kesa manatili sa isang bayang hindi pinahahalagahan ang kaligtasan ng bawat isa. But st...